11th Verse

5.7K 220 179
                                    

I thought if I try not to think about it, I would forget about it.

Pero hindi pala ganon kadali 'yon dahil kahit libangin ko ang sarili ko, naaalala ko pa rin ang mga pictures ni Archer kasama ang sikat na artista, siguro nga silang dalawa na talaga. Ilang araw na ang lumipas simula noong huling tumawag sa 'kin si Archer at 'yon na rin ang huli naming paguusap.

Noong mga nakaraang araw ay naging abala na ako sa trabaho at pagaaral pero kahit isang araw hindi ko siya nakalimutan. Ano bang klaseng sumpa mayroon ang lalaking 'yon. Nakakainis, matutulog na nga lang ako siya pa rin ang naiisip ko. Kahit sa panaginip, siya pa rin ang nakikita ko. Siguro ang laman ng imagination ko ay nagiging panaginip sa gabi. Siya at siya pa rin ang lalaki na nakikita ko kahit nakapikit ako. He's clouding my mind and invading my life.

Ang lala na talaga ng tama ko.

Hindi ko naman alam na noong sinabi niya na gusto niya ako ay parang kaibigan lang pala ang ibig sabihin noon. Bakit ba kasi ako umasa, ngayon tuloy ako 'yung mukhang tanga.

"Jules, what are you staring at?" Tanong ni Lexi na nakaupo sa kama habang nagsusuklay ng buhok.

I was caught staring blankly ahead habang nagmumuni muni.

"Wala, iniisip ko lang kung tama ba 'yung mga sagot ko kanina sa long quiz. Tapos na ba magbihis si Gab?" I lied.

Birthday ni Gia ngayon kaya naisipan namin na magcelebrate sa Mile High Club kasama ang buong grupo. Matagal tagal na rin simula nang huli kaming pumunta roon. Nasa loob pa ng bathroon si Gabby at nauna na kami nila Lexi and Gia magpalit ng damit pagkatapos kumain ng pina-deliver na pagkain kanina.

"I wanna change my clothes. Gosh, I really can't decide what's better." Sabi ni Lexi at tumayo para kumuha ng damit sa dala niyang overnight bag.

"Let me do your make up." Rinig kong sabi ni Gia kay Gab na kakalabas lang ng CR na naka-bathrobe pa.

"I'll help." Sabi ko at tumayo na sa sofa para tumulong at para ma-distract na rin kakaisip kay Archer. Kaasar, bakit ba lagi na lang sumusingit sa utak ko 'yon? He was taking so much space in my brain. Doon lang.

But the sudden pain in my heart told me otherwise.

"Hey, what should I wear, blue or black?" Tanong ni Lexi pagkatapos niyang makakuha ng damit.

I think Gabby answered her pero parang wala na ako sa sarili kakaisip kung ano kaya ang ginagawa ni Archer sa mga oras na 'to.

Ano ba, Jules. Tama na!

"Hoy, late kayo!" Malakas na sigaw ni Ly nang makarating kaming apat sa loob ng Mile High. He greeted Gabby first at si Lexi naman ay dumeretso sa tabi ni Reece na nakasandal sa railings. Nakakabingi ang malakas na tugtog sa loob at ang ingay ng maraming tao na nagkakasiyahan. Ibang iba talaga ang vibe nito sa pinatratrabahuhan ko kaya medyo nanibago ako sa ingay ng mga tao. Dumeretso ako sa tabi nila Addison, batchmate ni Gia, na naghahanda ng drinks sa table. Lumapit naman sa tabi ko si Ivor para mang-asar.

"Malakasang inom gagawin natin ngayon, you need it." He smirked, I knew he was referring to my crying incident sa loob ng sasakyan niya.

"'Wag ka ngang maingay, baka may makarinig sa 'yo." Patago kong inapakan ng madiin ang paa niya para walang makapansin.

Hindi niiya 'yon pinansin at patuloy lang nangasar. "What, you don't want them to know that your cried over a tweet?" Pangaasar pa lalo nito.

Stars and Monsoon Skies (Sky Series 2)Where stories live. Discover now