18th Verse

4.5K 181 101
                                    

It was a quarter past five o' clock and I was in Gabby's condo together with Gia and Lexi. Ginagawa kami ni Lexi na guinea pig nila Gia and Gab at pinagpra-practisan sa pagkuha ng dugo. Kakaturo lang sa kanila nito kanina at kaming dalawa ni Lexi ang naisipan nilang pahirapan.

Nakita ko pa lang ang mga syringe sa kit ni Gabby parang gusto ko nang mag-back out. Wala naman pakialam si Lexi at inaabot pa ang braso niya, nagpriprisinta na tusukan ni Gia.

Nag-alcohol muna si Gab ng kamay bago siya humarap sa 'kin at ngumiti. "Ready ka na, Jules? I'll do my best, promise." She asked.

Hindi, Gab. Hindi. But I have to trust you.

Ampucha. Mapapadasal ka na lang talaga bigla.

"Hindi naman nakakmatay 'yan, no?" I asked, scared of my life.

Ngumisi siya at hindi sumagot. Kinuha niya sa kit ang isang syringe at binuksan 'yon. She wiped a part of my forearm with an alcohol pad. "As of now, wala pa naman. But I don't know. Baka magkaroon ng first case after I'm done with you."

Agad kong hinila pabalik ang braso ko, at nilayo 'yon sa kaniya. "Gabby!"

She burst into laughter and pulled my hand back. "Sorry, sorry. You should have seen you face, that was so funny, my gosh!"

I glared. "Kaya mo ba talaga?"

"This is my first so... I don't know. Wala naman practicals kanina kaya hindi ko na-practice."

"First time niyo? And you're doing this to us?" Tanong naman ni Lexi na nakaupo sa sofa. Gia's already inserting a needle in her arm. Ouch.

"Yes. And as our best friends, you're both unconditionally bound to do this." Sagot naman ni Gab na mukhang proud na proud sa sinabi niya.

"Ah, so 'pag ako naman may kailangan, magiging guinea pig din kayo?" Tanong ko.

"Of course!"

I smirked. "Right. Punta ka sa site, buhusan kita ng simento 'pag nag-internship na kami."

Gabby rolled her eyes. "Funny."

"Bakit ba hindi mo kay Max gawin 'to?"

Tinignan niya ako na parang nababaliw na ako. "Ayaw. Not now, at least. Ayokong mapahiya, dapat when I do this to him expert na ako."

"Tapos ako 'yung papahirapan mo?"

She looked at me with puppy eyes at nagpacute. "You're my best friend, right? I love you."

"Ewan ko sa 'yo. Bilisan mo na nga, ayusin mo, ha."

She blew me a kiss bago nagsimula. I saw Gia concentrating on Lexi's arm. Nakakuha na siya ng dugo at nakadalawang syringe na. Wala man lang sa mukha ni Lexi na nasasaktan siya. Siguro hindi nga masakit.

"Ouch!" Nabigla na lang ako nang maramdaman ang pagpasok ng karayom sa balat ko. Wala man lang warning si Gab.

"Sorry. May script nga pala 'yon, I forgot to say it. Okay ito na, 'Ma'am, tusok ko na po 'yung needle, medyo masakit 'to. Hinga ng malalim.' Ganon dapat. Isipin mo na lang sinabi ko 'yun." She laughed.

I was trying hard not to pull my arms away. Pucha, ang sakit. Normal lang ba talaga na wala agad lumalabas na dugo?

"I don't think I hit the vein." Gabby bit her lip and moved the syringe para hanapin ang vein sa loob ng braso ko. Pukingina ang sakit.

"Gab..." I hissed in pain.

"Sorry, sorry. Tiis ka lang konti."

Stars and Monsoon Skies (Sky Series 2)Where stories live. Discover now