1st Verse

15.2K 324 208
                                    

PRESENT


"Are you sure hindi tayo mala-late?" Tanong ni Ivor pagkasakay ko sa likod ng sasakyan niya.

"Hi, Jules, naks mukhang panda!" Pagbati ni Aspen sa 'kin na nakaupo sa shotgun seat habang tumatawa.

Inirapan ko siya at nag-seatbelt muna nang makaupo na sa backseat. Wala akong matinong tulog kagabi dahil sa mga autocads ko!

Magkaka-block mates kaming tatlo sa kursong Civil Engineering at ngayon ay third year na kami. Nakisabay lang ako sa kanila dahil may pupuntahan kaming Architectural Conference sa Thorns Hotel at malayo 'yon sa university namin. Wala naman kasi akong sasakyan at ang hassle rin 'pag nag-commute ako kaya nagpasundo na lang ako sa dorm dahil alam ko na papunta rin naman sila sa conference.

"Hindi yan! Tiwala ka lang sa 'kin. Bilisan mo na magdrive." Sabi ko at hinihingal pa dahil bumaba ako mula sa 12th floor ng dorm ko sira na naman kasi ang elevator kaya no choice.

"Hindi raw mala-late pero pinapagmadali akong mag-drive." Tinaasan niya ako ng kilay at pinaandar na ang sasakyan.

"Para sure tayo, eto naman. Tama 'yung time estimation ko, 'wag ka mag-alala." Sagot ko habang nagsusuklay ng buhok. Naglagay rin ako ng kaunting make up para hindi naman mahalata na wala akong tulog. Ang laki na naman ng eye bags ko, bakit ba kasi kagabi ko pa tinapos 'yung mga projects ko.

"Bakit ka naman kasi nag e-estimate, accounting student ka ba?" Sabi ni Aspen na nakalingon sa 'kin galing sa harap.

"Tanga, hindi ba nag e-estimate ang mga engineer? Wala ka kasing kwenta sa math. Noob!"

"Kapal nito, itigil mo nga sasakyan, Ivor, ibaba natin sa gilid 'yan."

"Bakit ka umiiyak?" Pang-aasar ko habang naglalagay ng lipstick.

"Bakit ka madaldal?"

"Bakit para kayong mga tanga? Gago, late talaga tayo makakarating doon ang traffic pa sa dadaanan natin." Sabi naman ni Ivor habang nakatuon ang atensyon sa kalsada.

"Kasama na ang traffic sa estimation ko, don't worry."

"'Pag tayo talaga na-late, ikaw ang iaalay ko sa prof natin. Bahala ka magexplain don."

"'Pag hindi tayo late, sagot mo isang bote ng Cuervo sa Friday."

He scoffed. "Ez. Deal."

Pero ang ending ay fifteen minutes late kami dahil mayroong mass protest na nagaganap sa high way. They were a group of young people, most of them were about my age. At lahat sila ay pinaglalaban ang karapatang pang-Pilipino. Mayroon silang mga hawak na banners at slogan na nagsasabing #JunkTerrorBillNow at #MassTestingNowPH

Ang bill kasi na ito ay delikado para sa demokrasya ng bansa lalo na kapag ginamit ng may mga kapangyarihan sa maling pamamaraan. This bill could easily tag you as a terrorist even without solid evidences. It also includes warrantless arrests and detention of people and groups perceived to be terrorists. Sobrang dali ma-red tag kapag napasa na na batas ang bill na ito. Ngayon pa nga lang ay rampant na ang red tagging sa mga activists at mga Pilipino na naghihinaing ng sama ng loob nila sa pamamalakad sa bansa. Activists groups could be targeted ng bill na ito at posible na i-tag sila as komunista na magaaklas sa bayan.

Also, ang mga suspected terrorist may be placed under surveillance and wire-tapping, they could be detained for 14 days and the police or military could conduct a 60-day surveillance on people they suspect. This is prone to abuse at napaka-broad ng description nila sa terrorist because it could be anyone. It could be me. It could be you. It could be your friends and family. Anyone who opposed the government could be tagged as one and this would provide the basis for abuse of authorities at mas mapapadali pa sa mga pulis ang pangha-harass, pang-intimidate at pag-aresto sa mga tao dahil magkakaroon na sila ng basehan kapag naipasabatas na ito.

Stars and Monsoon Skies (Sky Series 2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz