6th Verse

6.4K 231 132
                                    

My god.

Sobrang lapit ng mukha ni Archer sa 'kin at hindi ako makahinga ng maayos. His hands kept caressing my back to ease my fear at hindi siya tumitigil hangga't hindi ako kumakalma.

"Breathe, Jules. Breathe. We'll get out of here, don't worry." He whispered against my cheek.

Hindi lang naman dahil sa phobia ko kaya hindi ako makahinga, e. Masyado ka kasing malapit Arch, 'yung puso ko hindi ko ma-control!

"Where's your phone?" He asked.

Lumayo ako ng kaunti sa kaniya at kinapa ang bag ko sa dilim para hanapin ang phone ko sa loob at iabot sa kaniya. Pagkakuha niya non ay binuksan niya agad ang flashlight na sumilaw naman sa mata naming dalawa.

"Shit, 1%. Go text someone, tell them we're stuck here."

I panicked again, napakamalas naman. "Shems, wala pa naman akong dalang powerbank." Sabi ko at agad kinuha sa kaniya ang phone.

Si Ivor lang ang naisip kong itext dahil katabi lang ng building namin ang dorm niya at alam kong makakapunta siya agad. Ayoko rin naman itext pa sila Gia dahil gabi na at delikado sa labas.

Me:
Pre, stuck ako sa elevator sa dorm. Tulong please, tawag ka ng maintenance.

Nagreply naman siya agad pero nangasar muna.

Ivor Gutierrez:
Why are you so dumb? Alam mo naman laging sira 'yan sumasakay ka pa.

Me:
'Wag ka mag-alala mas bobo ka pa rin. Bilisan mo 1% na lang ako.

Ivor Gutierrez:
Kingina, bobo amp tapos sa 'kin hihingi ng tulong. Sige papunta na ako.

I didn't get to reply kasi namatay na ang cellphone ko at dumilim na ulit.

"Papunta na si Ivor." Sabi ko kay Archer at sumandal sa tabi habang nakaupo sa sahig.

"Who's that?" Archer said beside me and we sat still in the darkness. Naririnig ko ang paghinga naming dalawa habang naghihintay.

"Kaibigan ko. Na-try mo na bang i-press 'yung emergency call button don?"  Tanong ko habang nakaturo sa mga buttons ng elevator kahit hindi ko nakikita 'yon.

"I did it already while you were panicking, no one's answering." Sagot niya.

I nodded kahit alam kong 'di niya naman kita 'yon.

"So, Ivor... is that a guy?" He asked carefully.

"Um, oo?"

"Are you close?"

"I consider him one of my best friends kaya oo."

He paused for a while bago siya ulit nagsalita. "Best friend?"

I looked at him kahit 'di ko masyadong maaninag ang mukha niya. "Oo simula first year college."

Bakit ba ganon mga tanungan niya? Tonight with Boy Abunda ba 'to? Lights on or lights off?

I breathed heavily nang matahimik na naman kaming dalawa dahil nagsimula na naman mag-set in ang takot ko. "Archer?"

Stars and Monsoon Skies (Sky Series 2)Where stories live. Discover now