26th Verse

4.1K 133 70
                                    

Time will tell how much you really loved a person.

Sa bawat araw na nagdaan, hindi nawala ang pagtingin ko sa kaniya. Lalo lang itong nabubuo habang tumatagal. Kahit hindi ko na siya nakakausap. Kahit hindi na niya ako pinapansin.

Hindi ko sinira ang pangako ko sa kaniya. Hindi ako bumitaw. I could love him from a distance. Kahit siya na ang nagtulak sa 'kin palayo. Kahit na hindi nagkaroon ng maayos na hiwalayan, hindi ko pa rin magawang magalit sa kaniya. Because I understand him.

Naiintindihan kong pagod na siya.

At naiintndihan ko na kailagan niyang gawin 'yun para sa sarili niya.

It's okay to choose yourself because sometimes we needed to be selfish to be able to offer ourselves to others. You cannot pour water from an empty cup.

We fall and break but then again, we rise up and overcome every obstacles.

Ilang buwan na rin ang nagdaan simula noong naghiwalay kami ni Archer. Mabilis rin tumigil ang mga naninira sa 'kin sa social media dahil parang nakalimutan na rin agad nila ang issue dahil napadpad ang atensiyon nila sa ibang bagay. Archer and Krista held a fan signing event together at simula noog nangyari 'yon, hindi na ako pinagtuuan pa ng pansin ng mga tao.

I was proud of myself because I didn't lose my memories this time despite of being crushed into pieces.

I was holding myself together and so far I was doing a pretty great job. Yay, me.

Pero kasinungaingan lamang lahat 'yon. Dahil sa bawat ngiti na dumadampi sa aking labi, sa ilalim noon ay ang sakit na aking tinatago.

I was struggling and recovering from a heartbreak but life goes on. Hindi dahilan 'yon para tumigil ako sa pangarap ko.

Malapit nang matapos ang semester at ngayon pa lang ay nagsisimula na ang lahat mag-apply para sa internship program. Some were lucky and some aren't. Palapit na ang huling sem para sa school year na ito and in a few months, Gabby, Lexi and Gia were about to graduate. Ako lang ang maiiwan dahil hanggang fifth year ang engineering.

I got accepted to an internship program in South Korea at Choi Group of Companies. The family who owns the company was half Filipino half korean that's why they were looking for Filipino students to work for them. Isa ito sa pinakamalaking engineering company sa Asia kaya naman laking tuwa ko noong nakatanggap ako ng email mula sa kumpaniya nila.

I will start my internship next year at hindi na ako makapaghintay sa susunod na kabanata ng buhay ko. How I wish Archer would be with me as I celebrate it.

Tuwang tuwa naman ang mga kaibigan ko sa balita at pinaghanda pa nila ako ng party. And speaking of my three best friends, they had been supportive of me. And they had a vendetta against Archer kahit anong pagpapaliwanag ko na hindi niya kasalanan kung bakit kami naghiwalay.

"Jules? Asan na sila Gabby at Max?" Tanong ni Gia sa 'kin.

"Nasa gitna ata sila ng dance floor? I think Gabby pulled Max away." Sagot ko.

Nauna kaming dalawa dumating sa Mile High para sa celebration na hinanda ni Gabby. Pero makalipas lang ang ilang minuto ay nagdatingan na rin ang iba pa naing kaibigan. Max also invited his friends kaya marami kami sa table. Kakarating pa lang namin sa club at as usual marami na agad tao.

"Hey, boo. I heard Archer is coming tonight. I don't know why that stupid fucker is even invited here." Sabi ni Lexi habang nagsisindi ng yosi.

Kasabay ng pagtigil ng kamay ko sa ere habang inaabot ang isang bote ng beer ay ang pagtigil ng pagtibok ng aking puso. I hadn't seen him since our break up. Bakit siya narito? Why would he show himself now? Kaya ko ba?

Stars and Monsoon Skies (Sky Series 2)Where stories live. Discover now