12th Verse

5.2K 194 112
                                    

'Never be a prisoner of your past'

I still couldn't understand why that quote was painted on my bedroom wall. It was subtle at hindi mo agad mapapansin 'yon 'pag hindi ka lumapit doon. Nakapinta ito sa pader katabi ng kama ko. Maliliit ang sulat at mukhang katulad pa ito ng handwriting ko. But I don't remember doing that.

Nagpapahinga ako sa kwarto ko sa bahay namin pagkatapos kong magreview para sa quizzes bukas. It was Sunday afternoon kaya wala akong masyadong ginagawa. I cleaned my table at pinasok na lahat ng reviewers sa loob backpack ko. Nang makitang fully-charged na ang phone ko, kinuha ko 'yon at lumabas ng kwarto para tulungan si Mama maglinis ng bahay. I went downstairs and saw my mother in the kitchen na nagba-bake ng cookies habang nakikinig ng balita sa TV sa sala.

"Ma, oo nga pala, sabi ni Ivor miss niya na daw brownies and cookies na bake mo."

She smiled. "Kaya nga ako nagbabake ng marami ngayon, e. Kuhanin mo 'yung mga containers doon sa cabinet para paghihiwa--hiwalayin ko na ng lalagyan ang mga ibibigay mo sa kanila."

"Sige, Ma." Sagot ko. Binuksan ko ang cabinet sa tabi ng kitchen counter para kuhanin ang mga plastic containers. I placed it on top of the table at pinapanood si Mama maghalo ng ingredients sa mixer.

"Sino sino mga bibigyan mo bukod kay Gabby, Lexi at Ivor?" Tanong niya.

"Sila lang po, Ma."

"Si Gia ba hindi mo bibigyan? Nagdidiet pa rin?" She asked habang sinasalin ang confectioner's sugar sa bowl.

"Opo, Ma. Hindi po 'yun kumakain ng sweets and junk foods." Pero mahilig mag-inom ng alak.

Tumango siya at nagpunas ng kamay sa apron na suot niya. Pagkatapos ay kinuha niya ang isang plastic ng chocolae chips para ibuhos 'yon sa batter na hinalo niya. "Tama na ba 'to o dadagdagan ko pa? Paano ang mga ka-trabaho mo, hindi ka ba magdadala sa kanila?"

My forehead creased. "Um, Ma, wala pa po akong trabaho. Plano ko pa lang po maghanap ng part time job." Nalilito na ata si Mama.

Biglang napatigil ang pagsasalin niya ng chocolate chips at napalingon sa 'kin. "Anong ibig mong sabihin?" She asked carefully.

"Gusto ko po kasing maghanap ng part time job, Ma. Para naman makatulong ako sa inyo. Marami rin po kasi akong kailangan sa school, ayaw ko na po na iasa sa inyo lahat 'yon."

Mariin siyang pumikit at dahan dahan binaba ang hawak niya. With shaky hands, she gripped the edges of the table tightly habang dahan dahan umuupo sa upuan. Malalim siyang huminga bago nagsalita ulit. "Wala ka bang nakilala nabagong kaibigan recently?"

"Um... marami naman po akong nakilalang mga bagong kaibigan ngayon school year. Bakit po, Ma?" Tanong ko.

"W-wala naman." Napahawak siya sa noo niya at tumungo. Ang kaniyang mga siko at nakapatong sa ibabaw ng table.

"Ma, okay ka lang po ba? Masakit po ba ang ulo niyo? Baka inaatake ka na naman ng high bood, kuhanin ko na lang po 'yung gamot niyo sa taas."

Bago pa ako makaalis sa pwesto ko, pinigilan na ako ni Mama. "Ako na ang kukuha, dito ka na lang." Tumayo sa siya agad at mukhang nanghihina. Hindi na talaga dapat laging napapagod si Mama dahil lagi na lang siya inaatake ng sakit niya.

I decided to continue the cookies she was making. I washed my hands and sinumulan na ang paggawa para pagbaba na ni Mama hindi na siya mapagod dito sa kusina. I scooped cookie dough using an ice cream scoop and placed it one by one on the pan. Pagkatapos kong maubos ang laman ng bowl at mailipat ang mga dough sa pan, nilagay ko na ito sa loob ng oven para maluto. After a few minutes of waiting, I heard the timer rang and took out the hot cookies from the oven.

Stars and Monsoon Skies (Sky Series 2)Where stories live. Discover now