7th Verse

6.1K 218 58
                                    

Whole day ang class ko mamaya at mala-late na rin ako 'pag di pa ako umalis sa bahay ngayon, isang oras pa naman ang byahe sa bus para makarating sa school. Pinauwi kasi ako ni Mama kahapon dito sa bahay dahil miss na raw niya ako kaya 'pag tapos ng class ko ay dito na agad ako dumeretso kagabi.

Suot ko na ang uniform ko at nagmamadali bumaba ng hagdan. I went straight to the kitchen para magpalaman ng tinapay at baunin 'yon sa byahe para less time ang ma-coconsume ko sa breakfast.

"Jules?" Tawag ni Mama Aly mula sa living room.

"Po? Wait lang po, Ma!" Sigaw ko habang inaayos ang baon ko. I quickly placed my packed breakfast sa bag bago lumakad papunta sa sala kung nasaan si Mama.

"Jules, narito si Tita Dianne mo, halika dito." Sabi niya at napansin ko si Tita Dianne na nakaupo sa sofa. She was a doctor and she was my mother's friend at lagi siyang bumubisita sa bahay buwan buwan para magbonding sila ni Mama.

"Hello, po tita."

"Kamusta ka na?" Malumanay na tanong niya.

"Okay naman po, Tita." I smiled kahit medyo pilit lang dahil tingin ako ng tingin sa orasan sa itaas ng TV. Late na talaga ako.

Patay tayo diyan.

"Anong ibig mong sabihin sa 'okay lang'?" Tanong niya. 'Di ko sure kung anong meron kay Tita Dianne pero lagi siyang ganito 'pag magkausap kami.

She's cool naman kaso late na talaga ako kaya wala na akong time for small talks. Ma, save me, Ma.

I gave her a tight smile. "Maayos naman po ako sa school kaya wala po akong masyadong problema. Nakakuha na rin po ako ng part time job."

"Wow, that's good, Hija. Tell me more." She smiled warmly.

I looked down and fidgeted. "Um... na-stuck po pala ako sa elevator sa dorm last week and nagpanic ako ng kaunti 'buti na lang may kasama ako sa loob."

"Ano?! Bakit 'di mo. Sinabi sa 'kin 'yan, anak?" My mom frowned.

"Sorry, Ma. Nakalimutan ko po."

"Sa susunod sasabihin mo agad sa 'kin ang mga ganiyang bagay, ha." She said sternly. Nakakahiya tuloy kay Tita Diane dahil sa harap pa ako pinapagalitan.

"Okay po, Ma. Sorry po."

"Anong naramdaman mo nung nasa loob ka ng elevator?" Tanong ulit ni Tita Dianne.

"Takot? Pero okay na naman po kasi kasama ko naman po si Archer."

Biglang nanlaki ang mga mata ni Mama. "Archer???"

Pucha. Bakit ko binaggit 'yung pangalan niya. Napasapo ang mga kamay ko sa noo ko and screamed internally.

Bobo, Jules, bobo.

Lord, tulong.

"Kaibigan ko po 'yun, Ma." Marahan na sagot ko habang tinitimpla ang mood niya. Mukha lang naman siyang nagulat pero parang 'di naman galit.

"Kaibigan lang ba?"

I bit my lip and nodded. "Opo, Ma."

Nanlisik ang mga mata niya habang inoobserbahan ang reaksiyon ko. Wala naman siyang mababasa sa'kin dahil totoo naman na kaibigan ko lang si Archer. May pagka-strict kasi si Mama when it comes sa mga lalaki kaya akala niya lahat ng mga nagiging kaibigan ko ay jowa ko na.

Stars and Monsoon Skies (Sky Series 2)Where stories live. Discover now