Chapter 2 -The Problem

462 128 43
                                    

MASYADO napaisip ang babaeng may pakana ng lahat. Namangha ito sa binatang si Xian dahil na rin nalaman nito ang plano niya. At ang tanging naiisip nito ay talagang umaasta ito na para bang tunay na detective, kaya gumawa agad ito ng hakbang upang hindi tiyak na masira ang kaniyang mga plano.Kaya't tinawagan niya na lamang ang isa sa pinaka katiwala niya. Ang lalaking bukod tanging inaasahan niya na kumilos para sa kanya.

"Hello? Bantayan mo 'yang bata na 'yan ha? Ako na bahala sa kailangan ninyo basta be good to her 'wag na 'wag mong sasaktan kung hindi ako mismo tatapos ng buhay mo! Magsama ka pa ng kasama mo diyan,"saad nito sa kabilang linya.

"Yes po boss. Ako na po bahala," sagot naman lalaki sa kabilang linya.

Pinatay niya na ang tawag dahil mabilisang pag-uusap lang naman ito. Pinili niya na lang gawin ang dapat. Hindi rin siya dapat mahalata ni Xian, kailangan niyang maging maingat sa bawat gagawing kilos o kahit sa mga plano pa. Ayaw nitong masira lahat ng mga pinaghirapan niya. Kung kaya't mas minabuti niyang magpahinga muna upang paggising niya mas klaro sa kanya ang kaniyang mga isasagawa.

****

NAISIPAN kong tawagan ang kaibigan kong si Shawn, tulad ko madami rin siyang alam sa mga codes."Bakit Xian? May problema ba?"Tanong niya sa akin. Sinuntok ko naman ang pader dahilan para masugatan ang kamao ko. Pero hindi ko ininda ang hapdi nito.

Mas masakit kasi ang pagkawala ni Thea, hindi ko pa rin siya makita. "Nakuha niya si Thea!"Sigaw ko tsaka napasabunot sa aking buhok. Sumandal naman siya sa study table ko.

"Patingin ng mga clues,"saad niya. Ibinigay ko naman sa kaniya yung natanggap kong clues.

Pinagmasdan niya naman ito, "Madali lang to Xian,"saad niya habang nakatingin sa sulat.Pinagmasdan niya nga ito at tila pinag-aaralan. Napahawak pa sa baba at tila iniisip kung ano nga ba iyon at anong ang kahulugan ng bawat clues sa papel. "Ayaw mo ba ba tumawag tayo ng pulis para imbestigahan na 'to?"tanong nito.

"Hindi ko alam, Shawn. Nahihirapan ako dahil sa totoo lang hindi ko alam kung mahahanap agad ng mga pulis iyan,"seryosong sagot ko naman. "Mas mabuti na magbigay alam muna tayo sa pulis at baka matulungan tayo,"suhestiyon nito.

"Huwag muna! Baka mas lalo akong mahirapan kung ipapaalam ko sa mga pulis,"sambit ko dahil alam ko na nasa paligid lang ito. Hindi naman sa ayoko o wala akong tiwala pero baka mas mahirapan lang ako lalo nito. Tumango na lamang sa Shawn at nirespeto ang desisyon ko.

NEXT PLAN. NEW PLACE

Tinawagan muli ng mastermind ang kaniyang katiwala. Ang katiwala niyang nagngangalang TB.
"Hello TB, gusto kong ilipat mo yang bata sa ibang lugar, mukhang malalaman na nila kung saan siya naitago,"giit nito sa kabilang linya sabay baba 'non.

Hindi niya na hinintay pa ang pagsagot nito. Sa halip ay matik na iyon na dapat gawin agad ang utos ng dalagita. Batid na rin ng dalaga na malalaman nila agad iyon lalo na may bestfriend pa siya na mahilig din sa mga codes stuffs.

Napaupo na ito sa kama, napataas ang kilay at nag-isip ng ibang plano dahil kailangan handa at sigurado. Ayaw nitong matapos ang larong 'to, sapagkat para sa kanya ay nagsisimula palang siya. At batid niyang sa bawat pagsubok na ibibigay nito kay Xian ay hindi niya hahayaan na hindi matapos at masolusyonan. Kilala niya ang binata, higit pa sa pangalan nito, pero binulong ng dalaga sa sarili na, "pasensiya mahirap akong kalaban." At habang nakahiga ito sa malambot na kama, napansin niya ang bilis ng oras kaya't bumangon na ito at isinagawa muli ang panibagong plano.

The Journey of Detective XianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon