Chapter 6- Conversation Begins

229 79 14
                                    


WHO IS TB?

TB's POV

AKO nga pala si Troy Bernard Wrights or Tb for short. Isa ako sa paborito ni boss dahil maingat ako at malinis magtrabaho sa kan'ya. Sa murang edad niya magaling na siya at talagang kaya niya na kumilos ng patago.

Nandito ako sa lugar kung saan binabantayan si Thea halos magtatatlong araw na rin siya nandito.

"Thea? Nagugutom ka na ba?" takang tanong ko dito habang nanunuod lamang ng tv.

Kita ko sa mga mata niya ang pagkalungkot at pagkamiss sa pamilya niya.

"Hindi po ko gutom. Kuya? Kailan po ba ko uuwi at bakit po ba nandito ako?" sagot nito at bigla na lamang siyang umiyak.

Lumapit ako para patahanin siya at niyakap ko ito. Aaminin ko naaawa na ako pero wala akong magagawa utos ito at ayokong mawalan ng trabaho.

Tumahan naman siya at nakatulog din bigla. Nasanay ata siya sa paghahawi ko sa buhok niya pero nakakaramdam pa rin ako ng kirot at biglang tumunog ang telepono.Kinumutan ko muna siya at sinagot ang tawag.


"Hello Tb? Maghanda ka na mamayang 12 nn. May iuutos ako sayo. Itetext ko na lang," saad ni boss sabay patay ng tawag.

Napapikit na lamang ako dahil may ipapagawa na naman siya sa akin. Nakaramdam ako ng kaba dahil pakiramdam ko may kung anong pangyayari ang magaganap. Inayos ko ang sarili ko at tumungo sa kwarto ko upang mag-ensayo sandali. Mahilig kasi ako sa taekwondo, isa ito stress reliever ko. Nagpagod ako para mabawasan ang sakit at kabang nararamdaman ko.


Someone's POV

Naitapon ko lahat ng gamit ko sa lamesa ng wala sa oras. Yung lalaki na 'yun he getting to my nerves. Napahiga ako sa kama at kinuha ang cellphone ko. I chat him-si Tb para gawin ang i-uutos ko sa kanya.

Hey TB! Be ready at 12 noon magpakita ka kay Xian, pero 'wag mong sabihin kung nasaan ang bata. Pagkatapos ibigay mo yung selpon, iparnig mo yung iyak ni Thea. Huwag kang mag alala si Jam na muna ang bahala sa kanya.Pakiusap. mag ingat ka sa mga kilos mo.

Tatawag na lang ako sa kanya kapag magkikita na kayong dalawa.

Noted po boss!

Saan po pala, boss?

Sa dating tagpuan ninyo, ang 123 Buildng Synce.

Tinabi ko na rin ang cellphone ko at uminom ng malamig na tubig kailangan kong maghanda at hindi ako papayag na masira lahat ng plano ko.

Hindi pa rin batid ni Xian ang susunod na mangyayari pero isang mensahe ang natanggap niya mula sa lalaki na nagngangalang Tb at isang usapan na naman ang magaganap.

"Magkita tayo sa dating tagpuan at ikaw lang dapat wala ng iba pa kung gusto mo makitang nahinga pa ang kapatid mo. Kailangan nandun ka na ng 12 nn."

Xian's POV

Nakatanggap nga ako ng mensahe at magkikita kami ng gugong na 'yon. Hindi ko papalampasin ang mga gagawin niyang pagkawala nung isang araw.

Alas diyes palang ng umaga at nandito ako ngayon sa kwarto nag-iisip ng maaaring gawin at kailangan kong magplano ng mabuti dahil kakaoba yung nararamdaman ko.

"Sh*t! Sino ka ba talaga ha?!Bakit kailangan mong kunin at itago ng 3 araw ang kapatid ko?" inis kong sabi sabay napahilamos ako nang wala sa oras.

Nakakawala ng mood ngayon at puro galit ang nararamdaman ko pero kailangan kong kumalma dahil alam kong may magaganap mamaya. Kumilos na ako at nagpaalam kay Elle. Pansin ko rin ang pagkabalisa ng kapatid ko kinakabahan ako na baka bumalik na naman ang sakit nito.

Pumasok ako sa kwarto niya at nakita kong umiiyak siya. "Hey, Helle why are you crying? May masakit ba sayo?" takang tanong ko dito sabay hawi sa mahaba niyang buhok dahil natatabunan ang mukha niya.

Yumakap ito bigla at humagugol sa akin.

"Kuya? I missed our baby sister. How she is? Kuya sana mahanap mo na siya," umiiyak napangungusap nito.nito na kinadurog ng puso ko. Pinunasan ko ang mga luha niya kasabay ng paghalik sa noo niya.

"Gagawin ni Kuya ang lahat ha?" Huwag ng umiyak. Aalis ako ngayon at hahanapin siya ulit. Dito ka lang ha?" sambit ko rito at doon kumalma na at tumango na lamang siya bilang pag sang-ayon sa akin.

Lumabas na ako sa kwarto niya at tinungo ang 123 Building Synce.

The Journey of Detective XianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon