Chapter 16: Black Room

91 19 0
                                    

Nagising si Xian sa madilim na kwarto kasama ang kapatid niyang si Thea.

"Bunso? Hawak ka lang kay kuya ha?" saad nito sa kaniyang kapatid. Humawak ito sa kaniyang laylayan. "Opo kuya, natatakot po ako," saad nito habang matinding pagkapit sa likuran ng kaniyang kuya.

Nilabas ni Xian ang cellphone nito para sa flashlight mabuti na lamang at nasa 50% pa ang battery nito. Naglakad ito at mabuti na lamang unti-unti nagkaroon ng liwanag sa loob ng silid.

"Are you ready to meet your love?" isang tinig ang umalingasaw.

"Sino ka ba talaga?" Magpakilala ka!" Pasigaw na sabi ni Xian sa boses na naririnig niya.
"K-Kuya natatakot na po ako." Mahinang sabi ni Thea.

"Nandito si kuya sasamahan ka." matapang na sabi ni Xian sa bunsong kapatid niya na si Thea.

"How sweet you are! HAHAHAHA I can't wait to see you my love Xian and Baby Thea." muling sabi ng isang babae. Nangibabaw ang boses nito sa silid na para bang may punto.

Patuloy silang naglakad na kahit hindi alam kung saan papunta ay pinili pa din ang hanapin ang lagusan palabas.

THE LAST LOST

Xian's POV

Hindi ko na alam saan kami pupunta ng kapatid ko. Dumagdag pa yung boses na iyon. Sa totoo lang pamilyar talaga ang kaniyang tawa at kung paano siya bumigkas ng mga salita.

Kasalukuyan kaming naglalakad at naghahanap ng daan kung saan dapat lumabas pero ni kahit ano wala.

"K-Kuya, nakakatakot po ko rito. Alis na po tayo," saad ng kapatid ko si Thea. Hinigpitan ko lamang ang hawak sa kamay nito at pilit kong pinapalakas ang loob niya.
"Kaya natin 'to Thea ha? Basta 'wag na 'wag kang mawawalay kay kuya. Dito ka lang sa tabi ni kuya." matapang kong sabi. Nagpatuloy na nga kami sa paglalakad.

Hindi ko alam kung nasaan na ba kami, masyado kasing madilim at tanging ilaw ng flashlight ko lamang ang aming ilaw. Nawala na din ang boses na kanina ay nagpasindak sa amin.

Sana hindi siya.
Sana hindi si Elle ang nasa likod nito.

Mga sana na pilit kong pinanghahawakan dahil hindi ko alam kung paano at bakit? Napatigil ako sa paglalakad. May naaninag kasi akong liwanag kaya sinubukan kong buksan iyon. Napadpad na naman kami ni Thea sa silid na tahimik at puro gamit.

May iilang ilaw na kaya talagang kahit papaano ay nakikita ko na rin.

"Kuya? Nasaan na po tayo?" takang tanong ni Thea.

"Hindi ko alam bunso. Basta't mag-ingat na lang tayo. Sana mahanap ko na din ang labas para makaalis na tayo sa letseng mansyon na'to!" inis kong sabi. Maghigpit pa rin ang hawak sa akin ni Thea alam kong natatakot ang kapatid ko.Sobrang bata niya pa para pagdaan 'to. Mabuti na lang nandito ako at kasama niya ako. Hindi na ako papayag na may mangyari pa sa kan'ya.

Ngunit napapaisip pa din ako kay Elle. Mahal ko din ang isa kong kapatid kaso nga lang nag-iiba siya dahil sa sakit niya.

"Nasaan na kaya siya?" pabulong kong sabi.
"Sino po kuya? Si Ate Elle po ba?" taking tanong sa akin ni Thea.

"Oo! Magdadalawang-araw na kasi siyang hindi ko nakikita at hindi ko alam kung nandito ba siya o ano." Pagpapaliwanag ko rito. Napatango na lamang ito at biglang napasimangot.
"Oh bunso, bakit ganiyan na ang itsura mo? May nasabi ba akong mali?" takang tanong ko dito.

"Wala naman po kuya. Namimiss ko lang si ate. Nag-iba na po kasi siya lalo na po yung nakauwi na tayo galing sa States. Naalala ko lang po iyon. Alam ko po na may pinagdaanan si ate kaya po ito nalulungkot ako. Tapos po, hindi pa natin siya kasama." Malungkot niyang pagpapaliwanag.
Bigla na lamang akong nakaramdam ng lungkot at nagbaliktanaw sa nakaraan.

FLASHBACK

"Ano ba kasing problema mo! Kaya mo naman gawin 'yan Thea!" Pasigaw niyang sabi.

"Teka, ano bang nangyayari at sinusungitan mo yung bunso natin?" takang tanong ko rito. Ngunit nanahimik lang siya at umalis na pagkatapos ay umakyat na din sa itaas ng kwarto niya.

END OF FLASHBACK

Halos 2 years kami sa States dahil pinagamot namin siya. Hindi ko lubos na maisip na mag-iiba siya pagkatapos. Madalas mag-sungit at higit sa lahat mainit ang ulo niya at kung minsan para bang may kausap pero siya lang naman mag-isa. Pinilit kong alisin ang mga iyon sa aking isip. Hindi tama na mag-isip ako ng aming mga nakaraan dahil kailangan sa lalo madaling panahon ay makaalis na kami. Naglakad muli kami ni Thea subalit biglang...

Namatay ang ilaw. Kasunod ng pagkakaroon ng isang matinding kalampag sa pintuan. Napakapit ng sobra sa akin si Thea at kasabay 'nun ang pagbukas ng pintuan. Pinilit ko ang maglakad kahit nakakaramdam ng kaba at hinigpitan ang hawak kay Thea. Ngunit napahinto ako sa aking nakita.

Isang babae na batid kong siya nga iyon. Subalit, kakaibang awra ang nasa harapin namin. Suot niya ang kulay itim na dress at taglay niya pa rin ang mahabang buhik ngunit ang make-up naman niya ay sobrang tapang. Ang layo sa nakilala kong kapatid. Hindi ko nakilala pero ramdam ko na siya nga iyon. Nakakapanlumo man na ganito ang sitwasyon namin.

Hindi pa rin ako makagalaw dahil sa nakita ko.

Gusto kong magsalita pero kahit anong salita walang lumalabas sa bibig ko. Gusto kong maglakad para lapitan at yakapin siya pero nanatiling tuod ang mga paa ko sa kinatatayuan ko animo'y nadikit na. Nais ko siyang hagkan ngunit ang kanyang pagtingin sa amin ngayon ay kakaiba.

"E-Elle! Sigaw ng isipan ko.

Naisin ko man magsalita, sumigaw at tumakbo pero kahit anong aksyon wala akong magawa. Lumapit ang kapatid ko sa kaniya at niyakap siya pero binaliwala niya lamang iyon at nagsungit pa.

"Binitawan mo nga ako! Hindi ako ang ate mo!" galit niyang sabi. Doon ako natauhan at lumapit ngunit kasabay naman 'non ang pag-alis niya.

"Elle!"

Huling salita na nasabi ko. Kasabay 'non ang pagsara muli ng pintuan at naiwan na naman kami ni Thea sa loob ng silid. Nanahimik muli ang paligid at tanging paghinga lang namin ang aking naririnig.

"Hanggang kailan mo kami matiiis? Hanggang kailan ka magpapanggap na ganito?
Talaga bang nag-iba ka na?

The Journey of Detective XianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon