Chapter 34- Hide and Seek

47 1 0
                                    

Lightness or Darkness

Xian's POV

Natapos na nga kaming maghapunan. Hindi ko akalain na magkikita kami rito sa pesteng hotel na 'to. At oo, walang iba kundi si Massikibyino Rey. Nakakapagtaka kasi na bigla siyang lumitaw pero sabi niya kakarating niya lang. Nakakapagtaka lang naman talaga.

Ano kayang ginagawa niya rito?

Siya ba talaga ang owner na 'to?

Halos mabaliw na naman ako sa kakaisip at sa mga tanong sa utak ko. Nandito pa rin kami sa kainan pero nagkaroon ng pagsabog kaya napatayo kami.

"Saan galing 'yon?"takang sabi ni Shawn.

"Hindi ko alam pero tingin ko sa itaas. Huwag muna kayong magsigalaw. Hindi ko alam kung ano iyon. Kailangan natin mag-ingat." Payo ni Massikibyino.

Napatango naman si Shawn bilang pag-sang-ayon pero hindi pa rin ako masyadong nagtitiwala sa kanya, mahirap na mamaya inihanda niya pala ang lahat ng 'to.

"Elle dito ka lang sa tabi ko, ako bahala sayo." Pagmamagaling niya.

"Hindi Elle! Ako ang kuya mo, kaya kitang protektahan. Ako na bahala sa kapatid ko Massikibyino Rey!" inis kong sabi at tiningnan siya sa mata sa mata.

Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko kahit noon pa man. Alam kong gusto niya ang kapatid ko kahit noon pa man pero wala akong balak na sila ang magkatuluyan, isa pa hindi ako nakakasigurado na safe si Elle lalo na't may sakit ang kapatid ko.

Umalis na lang siya at sinabi niyang aalamin niya muna kung ano ang mayroon sa itaas, pero hindi ako pumayag. Mas mabuting kasama kami para atleast hindi siya mawala sa paningin ko at syempre ayokong maisahan ng lalaking 'yon.

Kaya't pumayag na lang siya na sama-sama kaming lima. Ako, si Elle, Shawn, yung kasama niya lalaki na si Kaye at siya.

Maganda na kasing hindi kami magkahiwalay dahil imposible na hindi niya alam ang pasikot-sikot dito, siya kaya ang may-ari.

"Tara na! Sumunod na lang kayo sa'kin at aalamin ko rin ang nangyari rito. Basta huwag kayong matakot,nandito naman ako." Mayabang niyang sabi at kumindat pa sa kapatid ko.

Ang lakas mo naman makagag*!

Pwe! Hindi uubra 'yan sa kapatid ko.

Tinitigan lang siya ni Elle. Nadedma! Nagsimula na lang siyang maglakad at nasa likuran kami. Naglalakad kami sa mahabang espasyo ng hotel na 'to.

"Ilang buwan na kasi itong ganito, I mean walang katao-tao. Hindi ko naman pinabayaan sadyang inasikaso ko lang ang ibang business na hawak ko." Pagkukuwento nito.

Hinayaan ko lamang siyang magkuwento habang nagmamasid ako sa paligid. Hindi kasi ako mapakali kahit si Shawn. Nagtitinginan kaming dalawa dahil kakaiba na ng daanan naming dalawa.

Sobrang lawak at tanging mga ilaw sa gilid ang nagsisilbing gabay sa paglalakad naming lima.

Para kaming naglalakad sa kawalan ang haba kasi pero kapansin-pansin rin na sa bawat gilid ay maalikabok at marami na rin ang mga sapot. Hindi pala namin ito nadaanan.

"Halos 4 months itong hindi nalinis kaya pasensiya na.Tsaka paano pala kayo nakapasok rito?" takang sabi ni Massikibyino.

"Kaya naman pala marumi na pala banda rito. Sira na ba ang mga elevator mo." Takang tanong naman ni Shawn.

"Hindi pa naman pero kasi ayoko na gamitin mamaya hindi tayo makarating sa pupuntahan natin. So bakit kayo nandito?" tanong niyang muli.

"Nandito kami kasi may nagkuha kay Elle. Nagtataka nga ako bakit nandito siya sa hotel mo. Tapos hindi naman nagpapakita yung kumag na lalaking 'yon." Pagpapaliwanag ko.

The Journey of Detective XianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon