Chapter 23-The Bomb

46 1 0
                                    

The Mystery Explosion
TB’s POV

NAGHANDA  ako at kinausap si Hino. Gets ko naman yung point niya kaso parang introduction lang yung nilahad niya. Ayoko naman na magtanong pa kasi mamaya may makarinig pa at masira pa ang iba niyang plano.

"Uy, TB ano ba 'tong gagawin natin?May party ba or what? Kasi for occasional lang naman ang fireworks bomb 'diba?" takang tanong nito.

"Ang dami mong tanong Hino! Ayos na 'yan! Basta ihanda natin. Saktong 8:30 pm dapat puputok na 'to sa kalangitan!" masigla kong sabi. Ayoko kasi na maghinala siya or mag-isip pa.

Mapagkakatiwalaan naman si Hino kaso maganda na mag-ingat at kami ni boss ang nakakaalam.

Nilabas na nga namin ang lahat ng fireworks bomb. Nasa 10 piraso lang naman. Siguro sapat na 'to para sa plano niya. 6:30 na kasi ng gabi at pagkakaalam ko saktong 8:00 pm ang dinner time namin. Siguro i-aadjust ko lang ng mga 30 mins for preparation para habang nakain sila magulat sila, magulat sa saya at ganda ng foreworks.

Naitabi na namin ang fireworks bomb. Nilagay muna namin sa lugar na madaling kunin at ihanda. Bumalik na rin ako sa loob at inihanda ang sarili ko. Alam ko marami pang mangyayari kaya kailangan maging handa.

--The Surprises--
Xian POV

Parehas kaming napatigil ni Thea ng makarinig kami ng pagsabog. Tumingin ako sa orasan at 6:30 pa lang naman ng gabi.

"Stay here, Thea. Ako lang baba. I'll check ano bang
naganap sa ibaba!" matapang kong sabi.

"O-po k-kuya. Ingat ka po ha?" mapag-alala niyang sabi. Tumango na lang ako at umalis na.

Bumababa nga ako at wala naman akong nakitang mali o ano. Kaya dumiretso ako agad sa kusina. Nakita kong nagkakagulo ang mga maids at kahit ang ilang hardinero at driver nandito na.

"Pasensiya na po sir. Sumabog po kasi yung gas tank. Pero, ayos naman po wala naman pong nasaktan sa amin." nahihiyang sabi nito.

Nakita ko nga ang ilang galos at kalat sa sahig.

"Mabuti naman. Ingat na lang po sana kayo. Isara ng mabuti para hindi na maulit." pagpapaliwanag ko.

Tumango ito at napayuko at patuloy ang paghihingi ng pasensiya.

"Anong nangyari? Ayos lang ba kayo?" biglang bungad ni Elle.

"Okay na po Ms. Pasensiya na po sa abala. Nakaluto na rin naman pp kami." saad ni Shiela na isa sa maids dito.

"Ayos lang 'yan mahalaga walang nasaktan sa inyo. Marami ba kayong naluto?" dagdag na tanong ni Elle.

"Iilan lang po kasi sumabog po ito bigla. Mabuti na lang po wala pong natamaan sa amin." pagpapaliwanag niyang muli.

"Sige pag natapos na kayo diyan. Magpahinga na kayo at mamaya magpapadeliver na lang ako para mas okay. Ipapaayos ko na lang rin 'yan para hindi na maulit," saad ni Elle.

Kakaibang awra na naman ang nakita ko sa kaniya. Sobrang responsable ng katauhan niya tila kakaiba sa Elle na kilala ko. Gayunpaman napapahanga ako. Ang pinagtataka ko lang ano ba talagang nangyari at sumabog ang gas tank.

"Elle? P'wede bang pumunta sa CCTV room? May titingnan lang ako," takang sabi ko dito.

"Sure kuya! Samahan na lang kita," saad niya.

Nakakaramdam ako ng kaba pero pilit kong isinantabi iyon at sabay nga kaming pumunta sa CCTV room.

Ilang minuto lang din ay nandito na kami at natunghayan ko kaagad si kuya na abala sa pag-aayos.

The Journey of Detective XianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon