Chapter 10- Knowing The Truth

170 62 9
                                    


LOOKING FOR ANSWERS

Xian's POV

[[HOUSE]]

Hindi ako mapalagay dahil nagbalik na naman yung sakit ni Elle. Akala ko okay na ang lahat pero hindi ko malaman sa mahigit 3 taon niyang pagpapagamot ay magiging okay na. Nag therapy na siya at may Psychiatrist pa para talagang maasikaso ng mabuti at maging okay na rin ang lagay niya.

Kasalukuyan na nga kami nasa bahay at habang nagluluto siya ng hapunan namin hindi ko maiwasan na tingnan siya dahil kakaiba ang kinikilos niya. Lumapit ako rito para kausapin siya.

"Elle, ayos ka lang ba?" takang tanong ko rito pero nanatili lamang siya nakayuko at nagpapatuloy sa ginagawa niya.

Nagtagal ako ng ilang segundo sa kinatatayuan ko malapit sa kanya. Sandali itong tumingin sa akin tumango at pilit na ngiti ang naging tugon.

"Luto na po kuya yung pagkain natin. P'wede na po tayo kumain. Maghahanda lang po ako para sa ating dalawa," sambit nito na siyang ikinataka ko dahil parang wala lang sa kan'ya ang bawat sinasabi ko na tila nais niya na lamang manahimik. Tumulong na lamang ako maghanda ng pagkain, plato at kubyertos na gagamitin namin

Nakaupo na kami at magsisimula ng kumain ngunit napansin ko na parang may tinetext ata siya

"Kuya, akyat lang po ko saglit i-charge ko lang po yung cellphone ko at baba rin po ko agad para sumabay sayo na kumain," sambit nito sabay akyat sa taas. Napataas ako ng kilay dahil may nakita akong papel na siya ikinagulat ko.

Papel na naglalaman ng liham na hindi ko alam bakit hawak niya iyon dahil sa dulo nito ang nakalagay na 'Your loved in the darkness' kinuha ko iyon at binasa ang nilalaman.

Hi Kuya Xian,

Alam ko na magtagal mo ng hinahanap si Thea at kahit ako namimiss na siya pero sorry hindi ko na alam totoong nangyayari sa akin. Kung malaman mo kung sino talaga ako, sana mapatawad mo ako at sana unawain mo pa ako. Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. Alam ko naman na kaya mong madecode ang lahat pero patuloy pa rin ako sa pagpapa-ikot sayo. Kuya, sana mahanap mo na si Thea at sana pag nabasa mo 'to mapatawad mo ako.

-YOUR LOVED FROM THE DARKNESS-

Habang binabasa ko iyon parang alam ko na ang kabuaan, hindi ko namalayan na tumutulo na ang luha ko sa kaliwang mata ko.

Bakit Elle? Halos mabaliw ako tapos ikaw lang pala ang may pakana ng lahat? B-bakit mo nagawa 'to? bulong ko sa aking sarili tila nawalan ako nang gana at pinanghinaan nang loob. Hindi ko alam na ang gumagawa ng krimen ay ang kapatid ko. Elle is really kind and caring sister of mine. Pero, hindi ko batid na kaya niyang isagawa iyon ng matagal. Hindi ako naging aware sa mga kilos niya. Siya lang pala ang gumawa nito.

Nakita ko ang pagbaba nito at ngayon nakangiti naman na siya. Tinago ko ang papel sa loob ng bulsa ng pants ko at pinilit 'wag muna isipin iyon.

"Kumain na tayo, Elle. Lalamig na yung pagkain oh? Maupo ka na para sabay na tayo kumain," saad ko rito kaya umupo na siya agad at nagsimula na kaming kumain.

Hindi muna ako nagtanong dahil gusto ko pagkatapos namin kumain at okay na tsaka ko isisingit ang lahat. Alam ko na may sakit siya pero sana lang makausap ko siya nang maayos. Kumain na nga kaming dalawa at tahimik lang, wala ni isa sa amin ang nais manguna para magsalita.

"Ako na po maghuhugas, kuya. Iwan mo na lang po diyan," saad nito. Tumango na lamang ako at tinulungan siya magligpit ng kinainan namin. Habang kumikilos siya nag-oobserba ako.

Kung mapapansin kasi parang normal lang lahat at isang anghel na Elle ang kaharap ko pero ang totoo hindi. Hindi naman siya demonyita, mahal ko si Elle dahil kapatid ko siya ang kaso mahirap isipin na nagawa niya ang lahat ng iyon.

Natapos na nga at hindi muna ako umakyat sa kwarto nanatili ako nakaupo sa hapag kainan at kunwari abala sa pagfa-facebook.

"Nasaan na ba 'yon!" inis niyang sabi, mahina pero narinig ko. Katatapos niya lamah maghugas nguit may hinahanap naman io ngaayon. Hinayaan ko muna siya maghanap hanap bago ko ilabas ang talagang hinahanap niya. Nakita ko ang pag-iiba ng awra niya at talagang naiinis na dahil hindi mahanap ang papel na nasa akin na ngayon.

Huminga muna ako nang malalim at nilabas ang papel na hinahanap niya.

"Elle, ito ba ang hanap mo?" takang tanong ko dito habang nakataas ang papel na alam kong ito ang hinahanap niya.

Kinuha niya iyon ng mabilis.

"B-bakit nasa sayo 'to? Nabasa mo ba kuya?" inis niyang tanong sa akin.

"Kung nabasa ko, ano naman sayo? At bakit may papel ka niyan? Kilala mo ba kung sino ang kumuha sa kapatid natin, ha?" sambit ko rito habang nakatingin sa mata niya. Nakita ko ang pagkalungkot niya bigla na animo'y nagpapaamo. Sa isang iglap nagbago muli ang awra nito.

"Wala po, kuya. Hindi ko kilala. Nagtaka lang naman ako bakit nasa sayo. Ibibigay ko rin naman sana sayo 'to kaso nakuha mo na pala." pagdadahilan niya. Pinag-aralan kong mabuti ang pagsasalita niya at talagang nagsisinungaling siya dahil hindi siya makatingin ng diretso sa akin.

Binigay niya ulit ang papel sa akin.

"Nakita ko lang po iyan sa kwarto ko kuya. Ibibigay ko naman po sana agad baka kasi isa po iyan sa clue niya." Dagdag nito. May bahid sa kan'ya ang takot at nararamdaman ko iyon.

"Sige po, kuya. Aakyat na po ako sa taas at magpapahinga." Pagpapaalam nito at akyat muli sa taas.

Hindi na ako nagsalita pa hinayaan ko na lamang siya. Ako mismo ang nakakaalam ng lahat.Ihahanda ko na rin ang sarili ko kung sakali na tama ang kutob ko. Sana kayanin ko ang lahat kapag dumating na sa punto na ikaw nga iyon. Napabuntong-hininga na lamang ako ng maisip iyon. Masakit isipin na ang kadugo mo ang gagawa ng isang bagay na hindi naman dapat.

Umakyat na lamang ako sa itaas at bago tumungo sa kwarto ko hindi ko alam pero dinala ako ng mga paa ko sa labas ng pinto ni Elle.

Hindi naman ako kumatok o pumasok. Sadyang tumayo ako doon at nakinig. At narinig kong may kausap siya. Nakinig ako at nagtaka naman ako kung sino ang kausap niya.

"Magkita tayo bukas sa 1234 Building ng Synce at sana maging maingat ka sa kilos mo. Itetext ko na lang sayo ang oras at medyo delikado ako ngayon," saad nito sa kabilang linya. Hindi ko man nakita iyon pero alam ko kausap niya sa cellphone niya.

Wala na akong narinig pa. Napahilamos na lang talaga ako at naghintay pa ng ilang sandali baka may sasabihin pa pero wala na nga. Nagpasya ako ng pumasok na lamang sa kwarto ko.Napaupo ako sa kama at nakaramdam ng panghihina ng tuhod. Ang daming tanong na hindi ko alam ang mga sagot.

Yes, I can decode but this time mukhang halo-halo na. Inisip ko na lamang na dapat makita ko sila at kung si Tb ba talaga iyon na kausap niya at makumpirma ko kung siya ba talaga ang mastermind ng lahat ng ito.

Napahiga na lamang ako sa kama ng mapansin kong may kakaiba sa study table ko. Pinagmasdan ko iyon at parang may maliit na camera. Hindi ko muna iyon pinansin dahil alam ko na baka malaman niya agad. Hindi ko alam kung sino ang naglagay nito pero isa lang ang kutob ko.

Pinatay ko ang ilaw ko nang sa ganoon ay hindi makita ang bawat kilos ko. Kinapa ko nga iyon at hindi ako nagkamali dahil maliit na camera nga. Isang modern na camera na mala-CCTV ang dulot nito. Kulay itim ito at maliit lamang kaya hindi agad mapapansin. Tinanggal ko iyon at tinago sa bag ko dahil alam kong magagamit ko iyon.

"Kung ikaw man Elle ang may pakana ng lahat ay sana matanggap ko, pero paano mo nagawa ang lahat ng ito my beloved sister?" pabulong kong sabi at pinilit ko ng magpahinga dahil alam ko kinabukasan isang panibagong araw at misteryo na naman ang dapat kong tuklasin.

The Journey of Detective XianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon