Chapter 19:The Room Six (6)

46 3 0
                                    

The Number six (6)

Xian's POV

HINDI ko alam kung saan ang room 6 na iyon pero nakakaramdam na agad ako ng kaba at takot.

Naglalakad na kami ngayon ni Thea at kasama namin si TB. Tinatahak ang mapulang daanan dahil sa ilaw nito.

"Kuya, n-natatakot p-po ako," mahina at utal na sabi sa akin ni Thea.

"Nandito lang si kuya ha? Basta makikinig ka sa'kin at h'wag na h'wag kang aalis sa tabi ko at h'wag bibitaw sa kamay ko!" matapang kong sabi.

Tumango lamang ang kapatid ko at nagpatuloy na nga kami sa paglalakad. Masyado kasing madilim at tanging mga ilaw lamang sa gilid ang nasisilayan. Nakakadagdag pressure ang bawat yapak namin pero pinilit kong lakasan ang loob ko.

Patuloy pa rin naman kaming naglalakad. Nasa ikatlong palapag na kami ng bahay at masasabi kong malaki nga ito. Nakakapagtaka lang kung paano ito nabuo ni Elle at saan siya kumuha ng pera.

Kulay pula ang paligid at sobrang tahimik. Hindi ko alam kung may dulo ba ito o sadyang ganito talaga ang pagkakadesenyo.

Mahigpit na hawak sa kamay ni Thea ang ginawa ko dahil ayokong mamaya ay mawala na lang siya sa akin. Mahirap na baka mangyari pa ulit ang mawala siya sa akin o sa amin.

Tumigil si TB sa paglalakad at dinala kami sa isang kwarto na kulay pula rin dahil sa ilaw nito sa loob.

"Dito raw muna kayo. Maghintay ka lang tayo sa susunod na mangyayari," saad nito sa amin.Napataas pa ako ng kilay dahil parang hindi niya alam ang plano nila pero alam ko planado nila ito.

Bigla na lamang siyang umalis at naiwan kami ni Thea dito sa loob."Kuya, ang creepy naman po dito. Nasaan po ba tayo?" takang tanong sa akin ng aking kapatid.

"Hindi ko rin alam bunso. Kung nasaan man tayo kailangan lang natin mag-ingat at kailangan bunso na nandito ka lang sa tabi ni kuya ha?" pagpapaliwanag ko sa kaniya.

"Opo kuya," sagot nito.

Tumingin muna ako sa aming paligid at wala naman masyadong bago rito.

Masyadong malinis pero kakaiba lang dahil kulay pula ang ilaw na ginamit kaya nagmumukhang nakakatakot.

Uupo sana ako sa kama pero may nakita akong maliit na sobre doon na kulay pula.

"K-kuya, ano po ito?" takot na tanong ni Thea dahil siya mismo ang kumuha nito agad. Kaya't kinuha ko na lamang at binasa ang nasa loob.

Dear Kuya Xian,

Hi kuya, kamusta na? Masaya ba? Nagustuhan mo ba ang regalo ko sayo? Ow, salamat naman pero marami pa akong surpresa kaya maghintay ka pa. Just enjoy staying in room 6. May mga pasabog akong inihanda at alam kong mapapalaban ka. Don't worry you will see your trully friends after it.

-Lovely Helen-

"F*ck! Ano na namang surpresa 'yon?" wika ko. Hindi ko naman maiwasan ang hindi mainis dahil kakaiba ang nararamdaman ko.

Pakiramdam ko may magaganap na kung ano. Hindi ko malaman ang takbo ng kapatid ko at bakit kailangan niya pa kami paglaruan ng ganito. Halos mapunit ko ang papel at yung sobre.

"K-kuya are you okay?" Thea asked.

Napaluhod ako para mapantayan ko si Thea at nag-iwan muli sa kaniya ng paalala.

"Yes bunso! H'wag lalayo kay kuya ha? Basta sa bawat kilos ko dapat hindi ka mawawala sa paningin ko," saad ko dito at tumango naman siya bilang pag-sang-ayon.

Tumayo muli ako at tumingin sa paligid. Wala man lang akong makitang daanan para makaalis dito. Bigla na lamang bumukas ang tv sa harapan namin.

At doon lumabas si Elle. Kakaibang mata at awra na naman ang pinakita niya. Nakakapanibago pero mas nakakapanibago ang pananalita niya.

Napatutok kami ni Thea sa tv at pinakinggang mabuti ang sinasabi niya.

"Good afternoon, my lovely siblings. Gutom na ba kayo? I prepared a lot of foods and I have different surprise to both of you. Kapag pumatak ang 6 pm, you will see the changes and you will see the 2 guest. Be kind to them okay. Thank You! Goodbye!"

Bigla na lamang namatay ang tv at tila nagfunction pa sa utak ko ang mga sinabi niya. Napatingin ako sa orasan sa itaas at 3:30 pm na.

Ilang oras pa naman bago mag 6pm. We will have 2 hours and 30 mins. Napaisip pa ako sa sinasabi niyang 2 guest. Hindi ko batid kung sino sila pero alam ko na malapit siya sa akin.

Nakita ko naman si Thea na nakaupo lang sa kama. Naawa ako sa kapatid ko dahil parehas kaming nandito nakakulong na dapat ang ginagawa niya ngayon ay nagsasaya at nakikipaglaro sa kapwa niya bata.

Masyado pa siyang musmos para harapin ang ganitong sitwasyon. Ngunit, wala naman akong magagawa kundi manatiling alerto at maging malakas para walang mangyari sa kaniya na masama. Bigla na lamang tumunog ang bell.

Hindi ko alam kung saan galing iyon pero bigla na lang nagkaroon ng pagbabago sa kinalalagyan namin.

Napayakap pa sa akin si Thea dahil sa takot. Napatingin muli ako sa orasan at 4:00 pm na pala.

Naglakad ako kaunti pero hinawakan kong mabuti ang kamay ni Thea, mahirap na baka bumuka na lamang itong sahig at lamunin kami at maunang malaglag si Thea.

Wala pa namang 6 pm pero parang nagkaroon ng pagbabago sa kwartong ito animo'y may sariling utak sa pagbabago ng anyo at bigla na lamang may papel na lumabas sa ilalim ng pinto.

Dahan-dahan kong kinuha iyon at nakita ang nakasulat. Nakalagay ito sa magarang papel na kulay pula at sa gilid nito ay puti.

 Nakalagay ito sa magarang papel na kulay pula at sa gilid nito ay puti

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


4+2= 6

The number 6 means us.

Natulala pa ako dahil sa nakasulat dahil simpleng numero lang naman ito pero kakaiba ang dating para sa akin. Lalo na ang salitang " US."

Tila kinabahan ako at nakaramdam ng malamig sa aking pawis. Masyadong nakakakilabot pero ano nga ba ang punto niya?

Napatitig tuloy ako ng ilang segundo sa hawak ko, inisip kung nandito ba ang sagot o may clue ba? Ang kaso wala naman akong napansin na kakaiba.

Hindi ko namalayan na 5:30 pm na. Masyado naman yatang mabilis ang oras. Ngunit, napapaisip pa rin ako sa 6 na numero na ito. Simple lang naman pero bakit parang sobrang lalim?

Bumalik ulit kami sa puwesto ni Thea. Wala namang nagbago kundi ang ilaw at itong papel na nakita ko. Nakakapagtaka lamang dahil nagbigay siya ng ganito.

Kung anuman ang punto niya rito, kailangan kong mag-ingat at maging mapanuri sa bawat mangyayari pa.

At naghanda na nga ako dahil malapit na ang ala-sais ng glalak

Kasabay 'non may kung anong kalabog ang narinig namin ni Thea.

"Xian?!" Sigaw ng isang lalaki.

The Journey of Detective XianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon