Chapter 5- Ang Pagkikita

278 100 25
                                    

BAGO tuluyang umalis si Xian ay nagbilin muna siya kay Elle. Naghanda ito at bago pumatak ang nasabing oras ay kailangan mauna siya sa kanilang lugar na pagkikitaan.
Inihanda niya na rin ang kanyang high tech device ang ChoStick kung tawagin.Itinago niya ito sa tagiliran niya baka sakaling gumawa ng ibang aksyon ang lalaking kumuha sa kapatid niya.

HIGH INSTINCT

Someone's POV

ALAM kong gagamitin niya ang bagay na iyon kaya hindi na kataka-taka na alerto siya palagi. Ngunit, hindi ako mangmang para maunahan niya. Tinawagan ko si Tb upang paalahanan siya at gawin ang dapat.

"Hello? Saktong 2pm ka dumating sa pagkikita ninyo ng mahal kong si Xian ha? Tsaka mag-ingat ka sa pakulo niya. Kapag naiabot mo na ang inuutos ko maglaho ka na lang na parang bola. Naiitindihan mo?" buong inam kong pagpapaliwanag sa kanya.

"Opo madam.Nauunawaan ko po." May iuutos pa po ba kayo?" takang tanong nito sa akin.

"Wala naman na. Salamat Tb," sambit ko kasabay ng pagpatay ko ng telepono.

Magaling siya ngunit nababantayan ko ang bawat galaw niya kaya batid ko na sa akin pa rin ang huling halakhak. Inayos ko na ang sarili ko para sa isang matinding palaro na magaganap mamaya.

Naghanda na nga si Xian pero hindi niya alam ang patibong ng kanyang kalaban.

TARGET

[XIAN]

Wala pang alas dose nandito na ako sa taas ng 123 Building Synce Nagmasid ako sa paligid at wala naman akong nakikita na kung ano pero kailangan ko maging maingat.

Tumingin muna ko sa relo at pasaso 1:45 pm pa lang. Sana talaga tumupad ang lalaki na iyon.

Kung hindi talagang babasagin ko ang pagmumukha niya!

Habang naghihintay ako ay may isang lalaki na naglalakad papunta sa akin siya ay nakasuot ng itim na t-shirt at pants. Normal na tao kung titingnan at parang walang balak gawin na masama.

Lumapit ito kaya napahawak ako sa tagiliran ko.

"Hi, Ikaw ba si Xian Syncthecia?" takang tanong nito kaya napakunoot ang noo ko.

"Oo ako nga! Sino ka ba?!" inis kong sabi ngunit ngumiti lamang ito at may inabot sa aking pulang papel.

Nung una ay nagtaka pa ako kung para saan iyon pero inaantay niya talagang kunin ko kaya sa huli kinuha ko rin at binasa ang laman. At ito ang nilalaman ng sulat.

Mr.Xian Syncthecia,

Magandang Buhay! Kamusta mahal kong Xian? Sabik ka na ba na makita ang kapatid mo na si Thea? Owww! Sorry, pero hindi pa kasi ako tapos makipaglaro at don't worry ako na ang bahala kay Thea. Nagbago ang isip ko kaya pasensiya. Be ready because your time is running.

Try to find this three (3) things at kapag nagawa mo, ako mismo ang magbabalik sa kapatid mo sayo.

1) The red pen
2) The three roses
3) The black unfold letter

Makikita ang lahat ng iyan kapag nadecode mo ang mga ito.

01001 01110
11001 01111 10101 10010
10010 01111 01111 01101

CLUE:
Your favorite place,
The only room for you to escape.

-Your loved in the darkness-

Pagkatapos kong mabasa ay nagdilim agad ang paningin ko ngunit ang lalaki na iyon ay nawala nang tuluyan. Malaking palaisipan tuloy sa akin ang iniwan niyang letter.

"Fuck! Sino ka ba at kailangan mo'ko gantuhin?! Malaman ko lang ang ngalan mo talaga ako ang magwawasak sa buhay mo at ililibing kita ng buhay!" galit kong sabi. Masyado akong nakafocus kanina at hindi ko namalayan ang lalaki na iyon na umalis na pala.

Mabilis akong umalis sa lugar na iyon at umuwi ng bahay dahil kailangan ko mag-isip kung paano ko isasagawa ang susunod kong hakbang. Mabuti na lang at naalala ko ang pagmumukha ng lalaki na iyon at napansin ko rin kanina na ang suot niyang t-shirt ay may maliit na nakalagay na dalawang letra.

Inaalala ko nga iyon at oo TB ang nakalagay sa black t-shirt niya.

Napaupo ako sa desk table ko at nilapag ko ang letter na binigay ng lalaki na iyon. Magaling siya mawala pero pasensiya siya naalala ko pa rin naman ang pagmumukha niya.

Hindi ko man lang nagamit sa kanya ang ChoStick ko.Nakakainis kapag aking inaalala ang bawat sandali.

Pinagmasdan ko ang papel na iyon at inisip kung anong codes na naman ba ang tawag doon.

"Puro numbers 'to, pero pamilyar sa akin," saad ko sa aking sarili kaya nag-isip ako ng mabuti para makuha ko na si Thea sa kan'ya. Pinilit kong magrelax para madecode ito at kahit nakakaramdam akong ng sakit ng ulo at pagod mas iniisip ko pa rin si Thea. Inaalala ko ang turo ng matutudlo ko dati. Pagkakatanda ko ang ganitong mga numero ay katumas ng mga binary.

Kinuha ko ang papel at pinagmasdan itong mabuti kahit medyo iilan na lamang ang naalala ko nagconcentrate pa rin ako.

Binasa ko ng 5 beses ang clue na tila namemorize ko na ata ang linya nilahad dito.

Napaisip ako ng sobra at kung pinupunta niya ay ako mismo isa lang naman ang paboritong kong lugar at dito yun sa kwarto ko.

Kaso, nakakapagtaka pa rin dahil paano mapupunta sa kwarto ang tatlong (3) bagay na hinahanap niya.

Sinubukan kong isulat iyon at ito ang kinalabasan.

01001 01110 11001 01111 10101 10010 10010 01111 01111 01101

Halos malula ako ng pagmasdan ko ang mga numero.

Hindi ko pa gamay ang mga ito kaya't ginamit ko ang internet nagsearch ako about sa binary codes at iba-iba ang lumabas pero may isa sa umagaw ng pansin ko sinave ko ito at sinubukan ko ibatay sa numero at ang mga letrang lumabas ay...

IN YOUR ROOM

"Oh sh*t!" napatayo ako mula sa kinauupuan ko at napatingin sa paligid ko at ang nakagulat ang hawak kong ballpen ay kulay pula. Nagmasid pa ako sa aking kwarto at may nakita akong 3 roses na lanta na iyon ang nilagay ni Elle dahil bawat kwarto namin nilalagyan niya ito bilang disenyo at pawang totoo ang mga bulaklak kaya ngayon ay lanta na.

Naglibot pa ako at sa 'di inaasahan malapit sa higaan ko ang nakatiklop na letter na kulay itim. Sa likod nito ang signature.
You're loved in the darkness

"Sino ka ba talaga?! Bakit parang alam mo ang bawat galaw ko?" inis kong sabi, ngunit wala naman akong magagawa kundi ang i-mensahe agad ito doon sa kumuha sa kapatid ko. Kaya't kinuha ko agad ang cellphone ko at nag-iwan sa kanya ng mensahe.

The Journey of Detective XianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon