Chapter 11-Who is the Mastermind?

155 53 5
                                    

I AND MYSELF

Elle's POV

HINDI ko maintindihan ang nararamdaman ko, pero mas kinakabahan at na-e-excite ako. Masyado rin mabilis ang nangyari at ang isang hindi ko inaasahan ang magbalik siya. Ang kanyang matangos na ilong at mahaba na pilik-mata, higit sa lahat ang pagiging maangas niya ang hindi ko malilimutan.

I'm still in loved with him. Halos tatlong taon akong nagpagaling at inisip kung kumusta na nga ba siya? Okay na ba siya? At kung mahal niya pa kaya ako? Mga tanong na laging gumugulo sa isip ko, kung bakit ganito hindi ko magawang iparamdam na ako nga ang sinta niya at kung sino ba talaga ako.

Napaupo na lamang ako at nakita ang isang larawan na siyang nagbalik-tanaw sa nakaraan ko. Mga panahon na masaya at hindi ko inasahan na ganito ang mangyayari. Nakita ko lang naman ang retrato ni Vince. Nakakamiss siya, pero may puwang pa kaya ako sa puso niya?

"Manahimik ka!"

"Itigil mo na ang drama mo!"

"Kumilos ka na, marami ka pang aasikasuhin!"

"Tama na 'yang pag-eemote mo! Bilisan mo na!"

Napapikit na lamang ako ng sunod-sunod na sigaw at matinis na boses na naman ang narinig ko at halos mapatakip na lamang ako sa dalawang tainga ko.

Napayakap ako sa tuhod ko ng marinig ko na naman iyon. "TAMA NA!" Sigaw ko kasabay ng pagbukas ng pintuan.

"Hey, Elle? Okay ka lang ba?" mapag-alalang sabi ni kuya kaya naman lumapit agad ako dito at niyakap siya.

"K-Kuya, ayoko na! Please ilayo mo'ko sa kanya." pakikiusap ko kay kuya Xian habang umiiyak.

Tinapik naman ni kuya ang likuran ko para mapatahan dahil sa totoo lang masyado ng magulo ang isip ko at hindi ko maintindihan ang nangyayari.

"Tumahan ka na, Elle. Wag ka na mag-isip pa ng kung ano-ano at ipahinga mo na ha?" sambit nito sabay inihiga ako sa kama.

"Lalabas lang si kuya at bibili ng pagkain natin. Dito ka lang ha?" dagdag nito kaya napatango na lamang ako. Pinilit kong ipahinga kahit sa totoo lang nahihirapan ako sa mga nangyayari at lalo na sa nararamdaman ko.

Nakaalis na nga si kuya at pagkatapos 'non ay bigla na lamang akong tumingin sa ibaba kung talagang wala na siya. Hindi ko alam pero bigla na lamang naging mabuti ang lagay ko at napangiti nang bahagya. Kinuha ko ang bag at cellphone ko at lumabas ng bahay.

Naghintay ng sasakyan at nang makakita na ng taxi ay sumakay na.

"Saan po tayo, miss?" tanong ni manong driver.

"Paki baba na lamang po ako sa 1234 Building Synce." sagot ko rito at doon ay nagmaneho na siya.Nandito na nga ako sa 1234 Building Synce halos 20 minutes lang ang biyahe at hindi ko alam pero parang kakaiba ang kilos at asta ko.

Umupo ako sa pangalawang table at doon kinuha ko ang cellphone ko at tatawagan ko ang isa sa utusan ko. I-di-dial ko na sana pero nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na lalaki. Isang lalaki na minahal ko ng sobra. Napatayo ako nang biglaan. Lumapit ito at bigla na lamang akong niyakap.

"Ikaw nga si Helen este ang nag-iisang girlfriend ko," sambit nito na siyang ikinatulala ko ngunit nanatili siyang nakayakap sa akin.

"P-pero hindi ako si Hel­­­­­­—" naputol ang sasabihin ko dahil tinakpan niya ang labi ko gamit ang hintuturo niya.

"Oh! 'wag ka na magsalita pa. Ikaw si Elle. Ano bang ginagawa mo dito?" takang tanong nito kaya nag-isip ako ng dapat na idadahilan pero natigilan ako nang dumating si TB.

"Miss Helen, I'm so sorry na late ako," sambit nito habang hinihingal pa. Nasapo ko na lang ang ulo ko gamit ang kanang kamay ko dahilan para hinilain ko ang kamay ni Vince.

Oo, si Vince ang lalaki na tinutukoy ko.

"Mali yata yung lugar na pinuntahan ko. Tara umalis na tayo dito," sambit ko sa kanya ngunit puno ito ng pagtataka at mga katanungan. Tiningnan ko na lang si TB at ginamit ang tamang tapik na madalas namin ginagamit.

3-1, 1-1, 4-4, 1-5, 4-2

Naging maingat ako sa bawat galaw ng aking kamay. Sa pamamagitan nito alam ko na naunawaan niya na ako.

Nakuha niya naman ang punto ko. Kaya't humingi na lamang ito ng pasensiya dahil ayokong masira ang mga plano ko.

"Sino ba yung lalaki na 'yon? At bakit Miss Helen ang tawag sayo?" Sunod-sunod niyang tanong kaya napatigil kami sa paglalakad.

"Nagkamali lang siya okay? Huwag mo ng pansinin pa!" Iritableng sagot ko rito pero hindi pa rin siya naniwala. Puro pangungulit ang ginawa niya pero ayokong masira ang mga balakid ko, kaya nilihis ko ang usapan at sinabi ko na kailangan ko na umuwi.

"Vince? P'wede bang umuwi na tayo? Bigla kasing sumakit ang tiyan ko eh, tsaka yung kanina nagkataon lang talaga 'yon, baka akala niya ako yung Miss Helen na kakilala niya." Pagpapaliwanag ko rito.
"Sure. Ihahatid na kita sa inyo," he said then he lead the way. May dala siyang kotse kaya malakas siyang magsalita. Pumayag na lang ako atleast save the day at para hindi na magtanong pa. Sumakay na nga kami sa kotse niya at biglang nagdilim ang paningin ko.

Naalala ko na naman ang nakaraan.
Nakaraan na pilit kong kinakalimutan.
Nakaraan na nagmarka sa kasalukuyan.
At naglamat sa aking katauhan.

Inalalayan niya ako dahan-dahan at tsaka pinaupo sa kotse nito at mabilis na nagmaneho, pero maingat naman.
"Just wait Elle, okay? malapit na tayo sa bahay ninyo." saad nito na puno ng pagkanerbyos at kaba, samantalang napapapikit na lamang ako dahil sa kakaibang pakiramdam ko ngayon.

Tumango na lang ako at pilit kinalma ang sarili dahil baka mamaya mag-iba na naman ako.
Hanggang nakarating na rin kami sa bahay. Nagulat na lang ako dahil biglang inalalayan niya ako kasabay nang saktong paglabas ni kuya Xian.

"The heck! Saan ka ba galing Elle? Alam mo bang kanina pa kita inaantay?" malalang sermon nito. Nanatili lamang akong tahimik dahil ayokong sumabay sa init ng ulo niya.
"She's not okay, Kuya Xian. Mamaya na lang natin siya kausapin. She need to rest." sambit ni Vince kaya dinala na lamang nila ako sa kwarto.

Nakaramdam na rin ako ng malambot na higaan at katahimikan.
"Nasira ang plano mo!" isang matinis na boses na naman ang narinig ko. Halos mag-iba ang itsura ko at takpan ko ang tenga ko.

"Get water now! She needs it." maawtoridad na sabi ni Kuya Xian."Tumigil ka na! Parang awa mo na!" Sigaw ko. Lumapit sa akin si kuya Xian at niyakap ako. Umiiyak na ako dahil hindi ko maintindihan pero napakalma rin ako ng tuluyan.
"Uminom ka muna ng tubig," saad nito kaya ng mahimasmasan ako, kinuha ko ang tubig at ininom ito. "Salamat po, kuya. Pasensiya na po," aniya. At ngumiti lang ito at hinalikan ako sa noo.
" 'Wag ka na mag-isip. Magpahinga ka na," he said in his calmy voice. Tumango na lamang ako at doon ipinahinga ang sarili. At nakita ko na rin ang pag-alis ni Vince at Kuya Xian.

WHAT IS THE TRUTH

Xian's POV

Nasaan na ba yung babae na 'yon? Sabi ko hintayin ako. Tawag na ako nang tawag, pero cannot be reached naman yung phone niya. Nauubos na ang pasensiya ko.

The hell! Nasaan ka bang babae ka? Masama na ang pakiramdam mo nawala ka pa bigla.

Napaupo ako sa sofa namin sa sala at inaantay na baka dumating or may tawag hanggang sa makarinig ako ng tunong ng kotse kaya dali-dali akong lumabas. Nakita ko ang pulang kotse ni Vince kaya lumabas kaagad ako.

Nagulat pa ako dahil kasama niya si Elle pero mukhang hindi ito okay. Kaya nagmadali ako para kuhain si Elle.

F*ck! What happened?

"Kuya, she not okay," seryosong sabi ni Vince ngunit may bahid na pag-alala. Binuhat ko ito upang dalhin sa loob ng kwarto niya.

Pinasunod ko na rin si Vince para malaman ko kung ano ba talagang nangyari. At nang mailagay ko na sa kama si Elle. Bigla siyang nagsalita, "Kuya, lalabas na po ako may sasabihin po ako." At lumabas na ito pagkatapos tumaas ang balahibo ko.

The Journey of Detective XianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon