Chapter 9- Identity

179 68 15
                                    

KNOWING TRUTH

Vince's POV

NAGTATAKA pa rin talaga ako kung bakit hindi alam ni Helen este ni Elle na ako ang boyfriend niya. Alam ko bawat anggulo niya, ultimo sa paggalaw niya. Hindi ko alam kung talagang galit ba siya o talagang nakalimutan niya ako.

Nandito pa rin sila sa bahay namin abala pa rin si kuya Shawn at kuya Xian sa pag-alam ng pagkatao ng babaeng kumuha sa kapatid nila. Hindi ko rin sila masisisi dahil ilang araw na talagang wala daw si Thea.

Napabaling ang atensyon ko kay Elle na busy sa pagtytype sa cellphone na tila busy ata sa kausap niya. Lumapit ako ng bahagya pero mabilis niya ako napansin.

"Sino yung kausap mo?" takang tanong ko dito habang nakatingin sa mga mata niya.

Tumingin lamang ito ng masama at tinago ang cellphone niya.

"Hindi mo na kailangan alamin pa. Wala ka rin naman malalaman na sagot," pagtataray niyang sabi.

Imbis na mainis ako sa asta niya napangiti na lamang ako siguro namimiss ko ang ganyang awra niya lalo na pag may dalaw siya. Ang sarap alahanin pero ang masakit malaman hindi niya ako naalala. Tumabi ako sa kan'ya at iniiba ko na lamang ang usapan.

"P'wede ba magtanong? Nagtataka lang talaga ako bakit kamukha mo si Helen yung girlfriend ko. Mula sa buhok hanggang sa pagkilos mo ay talagang kuhang-kuha mo siya." Pagpapaliwanag ko.

Napakunot-noo na lamangsiya ngunit nanatili pa rin tahimik at nakikinig sa akin. Sinabi ko sa kanyabawat detalye at alaala namin ni Helen.

FLASHBACK

"Baby? I'm here na may dala akong foods for you." masigla nitong sabi kaya naibaba ko na lamang ang paglalaro ko ng computer games.

"Pababa na po, baby!" buong galak kong sabi.

Apat na buwan na kaming magkarelasyon at nasa edad 16 lamang siya samantala 17 naman ako. Masyado pa kaming bata kaya isang lihim muna ang relasyon namin at oo kahit si kuya Shawn hindi alam ito. Wala kaming pinaalam na kung sino kaya talagang sikreto lang ang lahat

Nagkataon na wala ang parents ko at si kuya kaya nandito siya para kumain kami ng meryenda.

Helen is so sweet, kind, caring at medyo childish, but then I loved her very much.

Naisipan nga namin ang gumala naisipan ko na pumunta kami sa MOA kalahating oras lang naman yung biyahe so hindi hassle at bukas pa naman ang uwi nila kuya at nila mama at papa.

Nakasakay na kami sa kotse masayang nagkukuwentuhan habang hawak ko ang malambot niyang kamay kaso sa isang iglap nagbago ang lahat. Naaksidente kami at paggising ko wala na siya. Nabalitaan ko na lamang na magpapagaling siya sa States at wala na rin silang nasabi lalo na si kuya.

END OF FLASHBACK

"Nakakaiyak naman yung kwento mo," saad nito sabay nagpupunas pa ng mata.

Naalala ko tuloy sa kanya si Helen isang iyakin na babae rin kasi iyon. Hanggang sa niyakap niya ako bigla na siyang ikinagulat ko.

"Nandito na'ko baby. Hindi ka na mag-iisa," ngiting sabi nito kaya napangiti ako kaso may kakaibang awra ang naramdaman ko sa kaninang Elle na kausap ko.

Hindi na ako nag isip ng kung ano sa halip ay gumanti ako ng yakap sa kanya pero naramdaman ko na lamang na parang hindi na siya nagsalita pa. Bumitaw ako sa pagkakayakap at nakita ko na lamang na nawalan siya ng malay. Saktong paglabas naman ni kuya at Kuya Xian.

"Sh*t! What happened to my sister!" sigaw ni Kuya Xian na may bahid na inis. Lumapit ito at chineck niya ang pulso nito.

"Elle!" saad nito habang ginising ang kapatid.

The Journey of Detective XianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon