Chapter 33-Dinner Invitation

44 2 0
                                    

Enjoy now, worry later
Xian's POV

NARITO na  kami sa sosyal niyang kainan. Taglay kasi nito ang kahabaan na lamesa. May chandelier sa ibabaw nito na ang dim ng mga ilaw. Ngunit ang upuan lamang nito ay anim lamang. Nagtaka tuloy ako bakit anim?

Pinaupo na kami at nakita ko ang masasarap na pagkain.

Tama kaya na tinanggap ko ang alok nito?

Sino nga ba ulit 'to?

"Pre? Ano bang mayroon bakit ang dami naman yatang pagkain? Pero sa totoo lang gutom na'ko." Bulong sa akin ni Shawn. Kanina pa kasi siya naglalaway sa mga pagkain sa harapan namin.

"Mamaya ka na kumain. Mamaya may lason tapos kakain ka na agad!" Inis kong sagot dito pero pabulong pa rin.

Tumahimik na lang siya at nakipagtitigan sa mga pagkain.Nakakainis naman kasi yung lalaki na iyon. Dinala pa kami rito para gutumin dahil talagang sinadyang masasarap pa ang inihain.

"Paumanhin sa inyo. Nag-aayos pa po kasi si boss. Maaari naman daw kayong kumain kung gusto ninyo po," saad ng lalaking nakakulay pula na pananamit ngayon. At ang nakalagay sa name plate niya ay Kaye.

"Hindi na muna kami kakain. Hihintayin na lang namin ang boss mo." Seryosong tugon nito at tinitigan ko muna si Shawn at Elle baka kasi nakain na agad sila.

Nakita ko naman na wala pa silang kinuha. Ayoko lang kasi na baka mapapano pa sila, lalo na't hindi ko alam na anong mayroon sa boss ng Kaye na 'yon at talaga nagpadinner pa siya. Akala ko talaga walang tao rito mayroon naman pala.

Nagmasid pa ako sa paligid. Maayos naman ang kabuuan at ang kulay ng paligid ay itim at puti. Magaganda ang mga disenyo hindi ko lamang mailarawan dahil kakaiba pero batid kong may mga kahulugan ito.

Malilinis din ang mga kagamitan halatang inaalagaan ang bawat kagamitan dito.
Nakakamangha! Ngunit wala naman silang customer.

Bakit kaya?

Ilang sandali pa ay may lalaki na ngang bumababa. Matangkad ito lamang yata sa akin ng isang pulgada. Itim ang kulay ng buhok at kulay asul ang mga mata.

Ibang lahi ka ba, pre?

Nakangiti ito at biglang bumati sa amin. Pamilyar siya pero hindi ko maalala kung saan.

"Maganda gabi sa inyo. Pasensiya na ha ngayon lang ako bumaba. May inayos lang ako. Ako pala si Massikibyino Rey Ward. Ang nag-iisang may-ari nito." Buong galak niyang pagpapakilala sa aming tatlo.

Hindi muna ako nagsalita sa halip hinayaan ko muna siyang magpakilala sa amin. Panay din ang sulyap niya sa kapatid ko na siyang pinagtataka ko.

"Salamat pala at napaunlakan ninyo ang imbitasyon ni Kaye sa inyo. Kumain na tayo, sayang naman kung pagmamasdan lang natin ang mga 'to," dagdag niyang sabi kasabay ng pag-upo niya sa gitnang bahagi ng lamesa. Kumbaga siya ang nagsisilbing padre de pamilya dahil sa pag-upo niya sa gitna.

"Bakit pala wala kayong customer dito?" takang tanong ko bago saan pa mapunta ang usapan.

"Wala talaga dahil nagbakasyon halos lahat ng employees ko. Hindi mo ba nagustuhan ang imbitasyon ko Mr. Xian Synthecia?" seryosong pagkakasabi niya na para bang may punto.

"Teka? Bakit kilala mo ang buo kong pangalan? Tsaka kung ikaw ang may-ari ng hotel na 'to e di ikaw ang may pakana ng lahat ha?!" inis kong sabi habang nakahawak na sa kuwelyo niya.

Bubugbugin ko sana kaso hinawakan agad ako ni Shawn at ni Kaye.

"Relax pre! Wala akong alam sa nangyari sa inyo. I am here to have a bonding sa inyong tatlo at lalo na sa dalaga na kasama mo. What's her name?" mapang-asar niyang pagtatanong.

The Journey of Detective XianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon