Chapter 18: The Game 1

54 6 0
                                    

THE GAME 1

1/1

TB's POV

Nandito ako ngayon sa mansion at ginagawa ang utos ni Ms.Elle este ni Ms.Helen.Binabantayan ko ang mga kapatid niya. Hindi ko rin talaga maintindihan ang takbo ng isip niya pero nauunawaan ko siya.

"Ikaw na ang bahala sa kanila TB ha? Magpapahinga muna ako. Mamaya ko na lang gagawin ang naisip ko," saad nito sabay tawa.

Napatango na lang ako at napakunoot-noo dahil sa kaniyang inasta. Hindi siguro siya nakainom ng gamot niya. Hinayaan ko na lang at ginawa ang inuutos niya.Nalulungkot ako para sa kaniya at sa mga kapatid niya. Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang pinagmulan ng galit niya sa kuya niya.

Isinantabi ko na lamang iyon at naisipang dalhan ng pagkain ang kaniyang kapatid.Kumatok muna ako bago ako pumasok.

"Nasaan ang kapatid ko?" takang tanong agad sa akin ni Xian.

Nilapag ko muna sa lamesa ang pagkain na dala-dala ko bago magsalita.

"Nagpapahinga na siya. Kaya kumain na muna kayo." sagot ko rito.

"Gusto ko sana siyang makausap,maaari ba?" sambit nito.

Nag-isip muna ako dahil sa totoo lang hindi ko naman kayang sagutin iyon at hindi naman ako p'wedeng mag-oo na lang dahil ayokong magalit sa akin si Ms.Helen.

"Hindi ko kayang sagutin ang tanong mo. Pasensiya na,Xian." Mamaya siguro pupunta iyon dito." buong tapang kong winika at umalis na rin dahil ayoko ng sumagot sa mga tanong niya dahil wala naman siyang makukuha sa akin.

Batid ko naman marami pa siyang gustong malaman at gusto niya talaga makausap ang kapatid niya. Kaso nga lang hindi ko rin naman talaga alam dahil kakaiba magalit si Ms.Helen.

Sa totoo lang matanda ako kay Ms.Helen pero kahit ganoon ang pakikitungo niya sa akin at minsan hindi niya ako ginagalang hinahayaan ko na lang dahil malaking tulong ang ginawa niya sa akin.


FLASHBACK


"Ano lalaban ka pa sa amin ha?Sana kasi nasunod ka na lang at 'yang hawak mong pera ibigay mo na lang!" galit na sabi ng isang lalaki.




Kasalukuyan akong hawak ng kasamahan niya. Hindi ako makalaban dahil tatlo sila at iisa ako. Hindi rin ako sanay na makipagbasag-ulo.



PAK!PAK!PAK!





Malalakas na suntok ang binibigay nila sa akin. Tila nanghihina na ako pero pilit pa rin akong tumatayo at sinusubukang lumaban.

"Ano? Wala ka pala eh! Panay ka lang porma!" sigaw nito.

Sinuntok muli ako ng isa sa kasamahan niya at panay na rin pasa t nagtamo na ako ng sugat sa aking labi.

Hindi ko alam kung makakaya ko pa pero sana naman 'wag naman matapos ang buhay ko sa ganitong sitwasyon.Pilit akong lumaban pero talagang sumusuko na ang katawan ko.

Bigla na lamang akong may naaninag na isang babae. Mahaba ang buhok at tila bihasa sa martial arts. Sunod-sunod man at dalawa ang kalaban niya pero walang sinabi ang suntok nila sa babaeng iyon.Napapapikit na ako sa sakit pero pinili ko pa rin ang tumayo.

"Mga wala pala kayong kwenta eh! Ako pa talaga ang kinalaban ninyo!" galit niyang sabi sa tatlo dahil nakahandusay na ang mga ito sa sahig.

Tulungan niya ako at sinakay sa kotse niya. Nagising na lang ako na nandito na ako sa mansion niya.

END OF FLASHBACK


Marami siyang naitulong dahil pinagtapos niya ako at pinatira dito sa mansion kaya bilang kabayaran nagpaalila ako sa kaniya.Isinantabi ko na lamang ang mga naisip at naalala ko.

The Journey of Detective XianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon