Chapter 3- The Message

358 116 37
                                    


Xian's POV

NASAPAK ko na lang talaga ang pader gamit ang kanang kamao ko sa tindi ng panggago ng suspek. Hindi ko man siya kilala, pero hindi ko alam bakit kailangan niya ko tratuhin ng ganito.

"F*ck!"sigaw ko.

Dumugo at nagkaroon ng galos ang mga kamay ko, ito ang natamo ko sa tindi ng galit ko sa suspek na iyon.Pinili kong kumalma dahil hanggang bukas na lang ang nalalabing araw ko, I need to see my Princess Thea, ang maganda at pinakamamahal kong bunso namin.
Napaupo ako at pinili ang kumalma kahit sa totoo lang hindi ako makapag -isip ng maayos.

"Hey dude, Calm down! I'll help you okay? Iisipin ko ang codes na 'to para mapabilis ang paghahanap natin kay Thea."saad ni Shawn.

Hindi ko tuloy maiwasan hindi mainis dito kay Shawn dahil parang may kakaiba sa kanya, batid ko na marami siyang alam pero mas nanaig kasi sa'kin yung iniwan niyang marka simula ng muntikan niyang pagkainteresan ang kapatid ko.

FLASHBACK

“Pakitanggal na nga nito!  Just describe tulad ng nasa baba.” Isang malutong na sapak ang binagay ko kay Shawn. Nakita ko kasing nasa ibabaw niya ang kapatid ko na si Thea.

"What the f*ck are you doing, huh?!"galit kong sabi.

"Sh*t! Dude, I'm so sorry wala ako sa sarili nakainom ako,"pagpapaliwanag niya habang namumula ang kabuoang pisngi nito.

"Ilugar mo 'yan! Kung hindi ko pa kayo nakita, nadungisan mo na ang kapatid ko!"inis kong sabi sa kanya. Nakayuko lamang ito habang hawak ko na si Thea na ngayon iyak nang iyak.

"Get out of my sight, dude! Baka hindi kita matansya!"galit kong utos.

Sumunod naman ito at pinatahan ko si Thea, mabuti na lang muntikan lang ang kaganapan na iyon. Hindi ko talaga gusto ang ginawa niya.

END OF FLASHBACK

Isang masakit na alaala at hindi madaling makalimutan ang nangyari ng panahon na iyon, pero hindi rin naman ako manhid dahil talagang ginawa lahat ni Shawn para makabawi at makahingi ng tawad.

Kasalukuyan kaming naglalakad at may balak sa bahay namin ituloy ang plano. Kaya't pilit kong isinantabi ang mga alaala na batid kong hindi makakatulong sa akin.
Nang maka balik na kami si Shawn sa loob ng bahay, agad kong hinanap si Elle pero diko siya mahagilap.

"Elle! Where are you?!"Sigaw ko.

F*ck!

Pagbalik ko sa sala, naabutan ko si Shawn na nakapatong kay Elle. Agad namang kumulo ang dugo ko at agad siyang sinuntok sa mukha."Hayup ka! Noon si Thea ngayon naman si Elle!"Sigaw ko at sinuntok ko pa siya sa sikmura. Napadura naman siya ng dugo.

"X-Xian m-mali a-ang i-iniisip m-mo,"mahinang saad niya.

"Kuya! Hinila niya po ako tapos pumatong sa akin, natatakot ako Kuya,"umiiyak na ani ni Elle.
Agad namang pumasok sa isip ko na baka si Shawn ang may pakana ng pagkawala ng kapatid ko at ibang bata.

THE ANSWERS

Hindi naman sinasadya ni Shawn na pumatong kay Elle. Masyadong mabilis ang nangyari sa mga oras na iyon. Napahawak tuloy siya sa kanyang nguso at panga dahil sa tindi ng suntok na natanggap niya mula sa galit niyang kaibigan na si Xian. Sobrang solid ang suntok na natamo niya. Kahit kasalukuyan pa rin itong galit, minabuti niya pa rin magpaliwanag dahil hindi naman totoo ang iniisip ng kaniyang kaibigan para sa kanya.

"Bro, let me explain okay? Mali ang iniisip mo,"pagpapaliwanag nito habang patuloy ang pag depensa.

"Really dude?! Umalis ka na lang baka hindi pa kita matansya, ako na bahala dito at sa pag decode ng codes na 'yon,"inis na sabi ng kaniyang kaibigan.

Pinili na lamang umalis ni Shawn dahil ayaw masuntok pa ulit, ayaw na rin dumagdag pa sa iniisip ng kaibigan. Batid niyang hindi talaga silang nagkakaunawaan kaya didistansya muna siya at dahil alam niyang kahit anong paliwanag pa ay hindi rin talaga siya papakinggan.

Hindi naman kasi dapat hahantong ang lahat sa ganoon. Sadyang mabilis ang naging pagkakataon at nakita na lamang ng kaibigan niyang si Xian na nakapatong na si Shawn sa kapatid nito. Sapagkat sa mga oras na iyon, may napansin na kakaiba si Shawn, lumapit ito at hindi sinasadya na makapatong at doon nagsimula ang lahat na tila naging madumi na sa isip ni Xian ang huling pangyayari.
Napasigaw na lamang si Shawn sa sarili, "Wrong move kasi Shawn! Maling-mali ang ginawa mo bakit ka kasi lumapit pa!"Nahampas na lamang ang kaniyang sarili dahil bakit hindi niya iyon naisip, hanggang sa inalala na lamag yung codes kanina at pakiramdam niya pinakita niya alam niya na ang punto ng mastermind.

Kumuha ito ng papel at ballpen at doon inalala muli ang mga mensahe ng suspek.Baka sakaling masagutan niya dahil nag-aral naman sila ni Xian sa kanilang school ng mga codes and ciphers even logic stuffs. Silang dalawa ang kilalang detectives na mahusay pero ang totoo ay mas mahusay sa logic si Xian.

Habang nakaupo ito couch ay pilit niyang pinipiga ang isipan tungkol sa nakita niya kanina.
Inihanda niya na nga ang papel at doon isinulat ang mga numero at mga ilang detalye o impormasyon.

(7363633383371)
Huwag kang titingala,
Ang taas niya nakakaambana.
Maling hakbang mo lang wala ka na

Ngunit, taglay niya ang kabuuan at ganda.

Base kasi sa ginamit ng suspek, ito ay mga simpleng numero na madalas makikita sa mismong cellphone natin. At ito rin ay isang text na natanggap ni Xian at nag-iwan lang ng ganitong clues.
Napaisip ng malala si Shawn base kasi sa mga numero na mayroon kung bibilangin ay puro 7 lahat dahil base na lang sa first number na 7 din.

73 63 63 33 81 33 71
1. 2. 3. 4. 5. 6. 7.

Inisip niya agad na posibleng isang phone codes ang ginamit ng suspek dahil ginamit niyang way of communication is phone.

Base na rin kasi sa numerong iniwan nito. Sinubukan alalahanin ang bawat letra na may kalakip na dalawang numero at nabuo ko ang...

73
R
63
O
63
O
33
F
81
T
33
O
71
P

ROOFTOP

Napatayo ito at muling napasigaw, " Oo, ROOFTOP nga ang sagot!"
Napangiti nang bahagya si Shawn. Kahit iniinda ang sakit ng suntok ng kaibigan niya. Sumubok pa rin at nagbakasakali na pansin siya ng kaniyang kaibigan.
Tinawagan niya kaagad si Xian kahit na alam niyang galit pa ito, pero mas inisip niyang mas kailangan malaman ng kaibigan ang totoo at para naman makabawi man lang din siya sa lahat.

Kinuha niya ang kaniyang cellphone at dinial ang numero nito.

"Hello? Bro, alam ko na ang sagot,"saad nito sa kabilang linya. "Oh? Ano ang sagot?"mabilis na tanong nito pero galit ang tono ng boses.

"ROOFTOP!"masayang sabi ni Shawn dahil sa wakas niya na ang sagot at makakatulong ito sa kanya.
Kasabay 'non ng pagbaba ng cellphone ni Shawn.

"What the heck?! Anong nangyari?" takang sabi ni Shawn habang hawak pa rin ang cellphone na nasa kanang tainga.

Nakaramdam ito ng kaba at literal na bumilis ang pintig ng puso nito. Hindi naman sa bakla ang naging asta nito , sadyang sobrang nag aalala ito dahil hindi gawain ng kaniyang kaibigan ang pagbaba agad ng cellphone. At kahit nasuntok siya ng malutong, iniisip niya pa rin ang lagay ng kaniyang kaibigan.

Subalit inalis niya ang mga iniisip niya, kumalma sandali at dinial ang numero ng kaibigan. Nakadalawa at humatong sa apat na pagdidial ngunit walang sagot sa cellphone nito. Sinubukan niyang tawagin ulit kahit ilang beses pa subalit wala talagang Xian ang sumasagot kundi pagriring lamang.

Napatanong ito sa sarili, "Anong nangyari roon?"

Napamura ito dahil sa sobrang kaba. Wala sa sarili na lumabas ito at tinungo muli ang kaniyang sasakyan sa labas upang puntahan ang kaniyang kaibigan sa kanilang bahay. At pagkaupo sa loob ng kotse habang hawak ang manibela, "Bro, malapit na ako." Bulong nito at pinaandar ang kaniyang kotse.

The Journey of Detective XianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon