Chapter 30-Love or Hate?

46 3 0
                                    


Selfish Acts
Maskib's POV

Kakaibang saya ang nararamdaman ko dahil umayon sa lahat ang mga plano namin. But then, I know her kaya kailangan maging maingat ako.

"Kib? Saan ba tayo pupunta? Nagugutom na kasi ako, " saad ni Hell. Nandito kasi kami ngayon sa kotse ko. Gusto ko siyang dalhin sa hotel ko. Sa hotel na kaming dalawa lang ang tao.

"Basta ako na bahala. Anong bang gusto mong kainin?" takang tanong ko.

"Spaghetti na lang at fries kung kaya mong iluto,Kib, " sagot nito tsaka ngumiti.

Tila natunaw na naman ako ng mga ngiti niya. Pilit kong hindi muna iyon isipin dahil nagmamaneho ako. Ayokong pairalin ang karupukan ko at baka mawala ako sa wisyo at kiligin bigla. Mahirap na ayokong mapano pa ko lalo na siya.

"Sige ako na bahala, " tipid kong sabi at nagpatuloy ng magmaneho.

Nakita ko ang pagtahimik niya at binaling niya na lamang ang pansin sa labas. Ngumiti ako nang bahagya sa naisip ko.

Sana tayong dalawa na lang.

Sana ako na lang ang pinili mo.

Sana magkaroon ako ng puwang diyan sa puso mo.

Nag-concentrate na ako at binaling ang kabuuang atensyon ko sa daan at nagmaneho ng matiwasay. Nakikita ko na rin kasi na malapit na kami sa hotel.

Pupunta kami sa hotel ko, oo hotel ko talaga pero hindi ko na iyon napapatakbo, nakakahinayang nga pero gusto ko munang gamitin ng ako lang at siya lang.

Kaming dalawa lang ni Hell.

At ilang minuto rin ay nakarating na kami.Ngunit nakita ko siyang nakatulog.
Itinigil ko muna ang pagmamaneho at pinagmasdan ang mukha niya.

Napakaganda mo, talaga.

Mula sa mapula mong labi at sa mga mata mong mapupungay. At wala na ang ganda mo talaga, Hell.

Hindi ko alam na ilang segundo ko na paa siya tinitigan at nasabi ang ganoong bagay. At maya-maya rin ay gumalaw na ito senyales ng kan'yang pagkagising.

"Hmmm!"

Inayos ko ang sarili ko baka kasi isipin niya ano ang ginagawa ko at nakaharap ako sa kanya.

Humikab ito at dahan-dahan na nagsalita. "M-malapit na ba tayo?"

"Oo, gising na. I-papark ko lang then ayan yung nakikita mong hotel. Diyan muna tayo magstay." sambit ko.

Tumingin siya at ngumiti. "Sayo? Ang ganda. Sige hintayin na lang kita para sabay na tayong bumaba!" masaya niyang sabi.

Pinark ko na ang kotse ko at syempre pinagbuksan ko siya ng pintuan. Bago ko naman siya dalhin dito ay pinplano ko na lahat at higit sa lahat pinalinis ko na rin.

"Ang ganda naman! Hotel mo 'yan?" takang sabi niya.

"Hindi ba halata?" sagot ko habang natatawa nang bahagya.

Syempre pinag-ipunan ko 'yan. Dugo't pawis ang naging puhunan ko.

"Akin talaga 'yan.Tara na?" aya ko sa kan'ya. Tumango naman siya at naglakad na kami papasok.

"Bakit walang bodyguard o ano?" takang sambit nito.

"Basta, trust me okay? At tsaka pinagday-off ko kasi silang lahat. I have a big surprise for you, Hell." masayang sambit ko. Ngumiti naman ito at namula pa ang mga pisngi.

Bigla na lamang siyang kumapit sa braso ko at hinila pa ako. Hindi ko maiwasang isipin na ganito, na sana mayroong kami kaso malabo 'yun mangyari.

"Tara na, Kib!" sigaw nito ngunit nakaukit sa mga labi niya ang saya.

The Journey of Detective XianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon