CHAPTER 2

1.2K 78 90
                                    


My first year was fine. We got so many plates, hanggang ngayon. Pero kahit na ganoon ay masaya ako. We're now heading half on my second year as an architecture student. It's my first time to be contented. Ngayon ko lang naranasang maging satisfy sa ginagawa ko. Tulad ng sinabi ni daddy, tinigil ko ang drag-racing. Nawala ang paulit-ulit na pagbubunganga sa akin ni daddy pero disappointed pa rin siya sa akin.


Dahil tinahak ko ang architecture. I don't know why he's like that. Hindi ko na rin magawang maging malungkot dahil lagi naman siyang ganoon. Nasanay na ako. At least I know that my mom supports me, as well as ate Iva. Si kuya Isaac... I don't know. Maybe?


"Putsa! Daming building na pinapagawa ni ser! Umpisa pa lang ng buhay kolehiyo, gusto na agad pumatay ng estudyante!" reklamo ni Kriesha at padabog na nilapag ang sketch pad niya sa tabi ko. "Sarap tusukin ng ballpen sa mata e!"


Natatawa ko siyang binato ng pambura. "Plate ano ka na ba? Kinse 'yon ha?" pagpapaalala ko sa kaniya.


"Putsa! Plate 5 palang ako! May sampu pang nakaabang letse!" stressed na stressed na sabi ni Krie.


Umiiling ko siyang tinawanan. Nandito kami ngayon sa lover's lane. Dito kami madalas gumawa ng plates. Mabuti na lang ay plate 12 na ako. Tatlo na lang ay pwede ko na ipasa kay sir ang project ko. 


"Putangina! Minamalas ka nga naman!" 


Napalingon ako kay Krie at nakitang napunit ang isang page ng sketch pad niya sa sobrang pagbubura. Imbes na tulungan siya ay lalo akong natawa!


"Puta, best friend kita!" she sounded so betrayed!


Tumawa ako at kinuha ang kaniyang sketch pad. "Ako na sa tatlong plate mo. Ayusin mo 'yong napunit."


Hindi makapaniwalang tumitig sa akin si Krie, nangilid ang luha niya sa mata at hinawakan ako sa balikat na parang sinasabing ako ang guardian angel niya.


"G-Gago?" paiyak niyang bulong. "'Di nga, Baddie? Seryoso? Gagawin mo tatlong plate ko?"


Napairap ako. "Edi huwag na-"


"Puta, oo! Sige gago!" mabilis na pagpayag niya. "Putsanggala! Hulog ka ng langit!"


"Letse ka, gumawa ka na riyan!" tumatawang tugon ko sa kaniya at nagsimula ng magsketch sa pad ko. Mamaya ko na gagawin sakaniya. 


Ano siya sinuswerte? Syempre yung akin muna!


"Gago, sa sobrang tuwa ako, isasama kita sa party ni Lessy mamaya!"


Palamura talaga 'to. Napabaling ako sa kaniya. "Sinong Lessy?"


"Tropa ko 'yon! Mabait 'yon promise!" she sounds so excited kaya tumango ako. "I'll pick you up by 8pm! Papaalam kita kila tita, seryoso!"

Truth or Lies [Manila Girls Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon