CHAPTER 19

793 54 18
                                    



Nagdrive-thru lang kami para kumain at nagdire-diretso na ang byahe namin papuntang San Miguel. Nagtext ako kay Kriesha in case na hanapin ako ng family ko. Umoo naman si gaga at ingat daw ako.


Pagkatapos dumaan sa highway, nakita ko sa labas na puro puno na ang dinadaanan namin. Sobrang nakaka-relax at nakakawala ng pagod. Kung bukas lang siguro ang bintana ko, paniguradong masarap ang hangin na tatama sa muhka ko. Dalawang oras siguro ang byahe namin.


Hanggang sa makarating kami ng isang parang bukid. Medyo makipot ang daan pero kasya naman ang kotse ko. Kumanan kami at hininto na ni Mathias ang kotse.


"Nandito na tayo," Mathias said.


Bumaba kaming tatlo at tumulong sa pagbubuhat ng bagahe. Sinundan ko lang sina Mathias at ate Nessa na papunta sa isang lumang bahay.


Maliit, luma, pero hindi pangit tignan. Binuksan ng isang matandang babae ang pintuan no'n, kamuhka siya ng ina ni Mathias...o baka siya 'yon?


"Vanessa!" tawag ng babaeng 'yon.


"Tiya Dalia!" ate Nessa ran to hug her.


Sumunod lang kami ni Mathias sa loob. Sinuri ko ang bahay na 'yon. Hindi naka-tiles, semento lamang ang sahig at kahoy ang kisame. Bukas lang ang mga bintana at walang aircon. May maliit at mahinang electric fan sa dulo.


"Naku! Kumusta ka sa New York?! Maganda ba talaga ro'n? Ang puti mo na, hija!"


"Malamig sa hospital, Tiya! Jusmiyo!"


Mathias chuckled as he watched them. He glanced at me and pulled me closer to him. Inakbayan niya ako at hinarap doon sa babae.


"'Nay?" he called.


"Oh, Mathias? Kumusta— oh, sino ang babaeng 'yan?" napatingin sa akin ang babaeng matanda at tinuro pa ako.


Mas lalo tuloy akong nahiya dahil narinig ko ang mga paa na papunta sa gawi namin. Feeling ko, marami sila rito. Nakakahiya talaga!


"Siya ang nobya ko, 'nay. Siya si Baddie Imperial Villegas," pagpapakilala ni Mathias sa 'kin.


I smiled shyly and went to her to give respect. Nagmano ako. "Hello po."


"Villegas?" naniningkit ang mga matanong tanong ng ina niya.


My lips parted. "U-Uhm, opo."


"Bakit, 'nay?" Mathias asked.


I stared at his mother's face, para siyang may naaalala pero hindi masabi. "Wala naman. Pamilyar ang apelyido niya sa akin."


Matunog na natawa si Mathias. "Sikat ang pamilya nila, 'nay."


Truth or Lies [Manila Girls Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon