CHAPTER 16

781 48 45
                                    


*SLIGHT R-18*


"Susundin ko na ang gusto mo...kung 'yon ang makakapagpatigil sa 'yo na paglaruan ako." nasasaktang sabi ni Mathias.


Umawang ang labi ko at hindi nakapagsalita agad. Minsan ko pa siyang nakitang pumikit ng mariin at hinagod ang buhok saka nasasaktang tumingin muli sa akin.


"Kung paglalaruan mo lang ako, huwag na, Baddie, dahil wala akong panahong..." nanghihinang sabi pa niya. "Wala akong panahong makipaglaro."


"Mathias..." sambit ko sa ngalan niya.


"Ano?" walang emosyong tanong niya.


"Hindi kita pinaglalaruan..." mahinang sambit ko pero sapat na para marinig niya.


Pagak siyang natawa. "Ano lang? Trip lang, Baddie?"


Nangilid ang luha ko dahil sa pait ng boses niya. Ganito siya magalit... "H-Hindi..."


"Ahh, fuck," mura niya pa at nahihirapang tumingin sa akin. "Bakit ka niya hinalikan?"


Pigil ang luhang tiningnan ko siya. "H-Hindi ko alam..."


"Pwede ba 'yon? Tapos wala kang reaksyon?" mahinahon pero walang emosyong tanong niya.


Biglang tumulo ang luha ko na agad ko rin namang pinunasan. "H-Hindi...kasi.. ano.."


His face darkened again when he saw my tears. "Stop crying."


"I-I.. I'm sorry..." bulong ko pero nagtuloy-tuloy ang tulo ng luha ko.


"Stop crying, Baddie," baritonong sabi niya pa.


Tinalikuran ko na lang siya upang hindi niya ako makitang umiyak. Pinupunasan ko ang luha habang naglalakad papunta sa sala.


"I-I'm going..." mahinang bulong ko at lumingon. Napaigtad ako dahil sinundan niya pala ako! "M-Mathias..."


Nagdidilim ang paningin niya pero marahan niyang inabot ang pulsuhan ko saka ako hinila palapit sa kaniya.


"Stop crying, please," kalmadong sabi niya.


"I-I'm sorry, Mathias..." umiiyak na bulong ko.


He sighed and pulled me. "Come here."


Nagpadala ako sa hila niya at sinakop niya ang buong katawan ko sa bisig niya. Niyakap niya ako nang mahigpit.


"I'm sorry..."


"Tsk," he cupped of my face after the hug. Tinignan niya ako sa mga mata ko at lumambot ang ekspresyon niya nang makita ang ayaw tumigil kong mga luha.

Truth or Lies [Manila Girls Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon