CHAPTER 9

784 58 40
                                    


Hindi ko alam kung paanong nakatulog ako kagabi. Nagising nalang ako sa alarm clock ni Mathias na nasa side table. Nag-inat inat pa ako at nagpagulong-gulong sa kama. Nang makabangon, napatulala pa ako ng mga limang minuto bago tumayo. Nang matripan ko nang tumayo, pumunta ako sa banyo para magtoothbrush at hilamos. Nasa gitna ako ng paghihilamos nang marinig ko ang yapak ni Mathias.


"Breakfast is ready," baritonong sabi niya. 


Pinunasan ko na ang muhka ko at humarap sa kaniya. Magulo ang buhok niya, halos maningkit ang mata at halatang napuyat, ang labi niya ay naka-pout kahit hindi niya sinasadya. 


Bakit ang daya? Mas lalo siyang gumagwapo sa umaga!


Natigilan naman ako sa pagtitig sa kaniya nang inalala ko ang mga nangyari kagabi. Mula sa pagpunta niya sa condo ni Kriesha, sa pagdala niya sa akin sa condo niya at...


Putangina. 


Hinalikan ko siya kagabi!


"What are you doing there? Ang sabi ko, handa na yung almusal." nakapamulsang sabi niya sa harap ko, nagtataka sa reaksyon ko.


"A-Ah..." 


"What? May sasabihin ka ba?" he raised a brow.


"U-Uhm, hinalikan ba kita kagabi?"


He frowned. "Oo. Hindi mo ba naalala?"


Ngumuso ako. "Naaalala."


He licked his lips and shrugged. "Let's go."


Pinamulahan lang ako ng pisngi at parang pusang sumunod sa likod niya. Hanggang sa pagpunta namin ng kusina, nakagano'n lang ako dahil sa kahihiyan!


"Oh, bakit parang hindi ka nagsusungit?" tanong niya nang makaupo kami sa lamesa.


Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang anino ng ngisi niya. "Psh!"


Napatingin ako sa lamesa, iba't ibang ulam ang naroroon at maayos na nakaayos. Pati ang mga pinggan ay napakalinis at perpekto ng pagkakalagay. Pati kubyertos ay wala akong masabi.


He chuckled in amusement. "I cooked sunny-side up eggs, tomatoes, may bread diyan tapos kanin. May hotdog at bacon din--"


"Bakit ang dami?" nagtatakang tanong ko.


"Malay ko kung anong gusto mong kainin," he shrugged. 


Nakagat ko ang pang-ibabang labi at kumuha ng bread at pinalamanan 'yon ng hotdog. Dahil nahihiya ako, pati pagnguya ay na-co-conscious ako!


"Thank you," nahihiyang sabi ko.


Natigilan siya sa pagsandok at napatingin sa akin. He formed a little smile. "You're welcome."

Truth or Lies [Manila Girls Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon