CHAPTER 8

770 53 10
                                    


"I am thinking of you."


"A-Ah, hmm." hindi ko malaman ang sasabihin! "Crush mo siguro ako!" 


Halos matutop ko ang bibig sa lumabas na salita sa bibig ko. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kaniya at nakita ko na namang umangat ang gilid ng labi niya saka natutuwang sumulyap sakin.


"Yeah. Crush nga kita." 


Napalunok ako at napaiwas ng tingin sa sagot niya. Nakasakay na kami ng elevator at humanga ako kung paano niya ako alalayan. He's gentleman and he handles me with care.


Sarap asawahin


"Psh!" singhal ko kunyari at masungit siyang inirapan.


"Grabe," naiiling niyang sabi. "Kahit may tama ka na, nagagawa mo pa ring magsungit." he chuckled. 


Umirap ako. "Duh, talent!"


He laughed loud and his laughs echoed on the hallway dahil bumukas na ang elevator. Inalalayan niya akong maglakad palabas ng elevator at hinawakan ang kamay ko.


"You're making me laugh, Baddie." he said in amused tone. 


Nakagat ko ang labi ko nang pagsaklupin niya ang mga kamay namin. Naramdaman ko kung gaano kalambot ang kamay niya.


Pota. Ano to, HHWW?!


"Hmmm... what are we doing, Mathias?" taas-kilay kong tanong, nagpipigil ng kilig!


He raised a brow. "What?"


"This..." sabi ko at bumaba ang tingin sa kamay naming magkahawak. 


He chuckled. "Ano ba sa tingin mo?"


"HHWW?" patanong kong sagot. 


Nangunot ang noo niya. "Anong HHWW?"


"Duh?!" irap ko. "Holding hands while walking!"


Natigilan siya bago natawa. "Oh. Okay. 'Yon pala 'yon."


Huminto siya at binuksan ang pinto ng condo. Niluwagan niya ang bukas niyon at iginiya ako papunta sa loob. 


"Sit here," aniya at marahan akong hinila papunta sa couch. 


Umupo ako roon at ngayon ko lang nakita ang kabuuan niya. He's just wearing black and plain shirt and gray sweatpants. Napalunok ako nang bumaba ang tingin ko sa pagkalalaki niyang bakat.


Ang laki...


Aish! Baddie!

Truth or Lies [Manila Girls Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon