CHAPTER 20

933 49 21
                                    



*SLIGHT R-18*



"Padayon, Dr. Andrada." I said.



We smiled at each other and our eyes are full of love. At that moment, I felt our hearts beat in union.



"Oh, tama na 'yan, jusmiyo!" singit ni ate Nessa, muhkang nakokornihan sa amin.



"Hay naku 'tong si Vanessa, kitang nag-uusap ang magkasintahan!" saway ni Nay Dalia kay ate Nessa.



Natatawang hinalikan ni Mathias ang noo ko tsaka kami naghiwalay. Hinarap namin si Nay Dalia at ate Nessa tsaka kami nagyakap lahat.



That hug... I felt I am part of their family. It's warm and welcoming.



"Ang galing mo, Mathias," sambit ni ate Nessa.



"Proud ako sa 'yo, 'nak... paniguradong gano'n din ang ate mo," emosyonal na ani Nay Dalia habang magkakayakap kami.



Mathias smiled as he extended his arms to hug all of us. "Maraming salamat sa suporta. Malayo pa ang lalakbayin ko."



I looked up to him and smiled. "Sasamahan kita, doc. Mags-stay ako hanggang sa matupad mo na ang mga pangarap mo."



"Gano'n din ako, Baddie," his smile widened.



After that, we decided to go out for lunch. Hindi kasi sila pwede gabihin at babyahe pa raw sila. Dinala ko naman sila sa isang restaurant.



"Hala, Baddie," kinalabit ako ni ate Nessa. "Wala kaming pambayad, ang mahal dito!"



"Don't worry about the bill, ate Nessa," nakangiting sagot ko.



"Baby, pwede namang tayo sa fastfood lang," singit ni Mathias.



"Oo nga, hija. Hindi naman kailangan sa mahal, okay na kami sa Jollibee o kaya McDo!" sabi rin ni Nay Dalia.



My smile faded and looked at them with sad eyes. "Graduation po ni Mathias ngayon. Kailangan po nating i-celebrate 'yon... hindi niyo naman po kailangan magbayad."

Truth or Lies [Manila Girls Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon