CHAPTER 10

812 56 18
                                    


Nilagay nga ni Mathias ang sketch ko sa side table niya. Pagkatapos, tumayo siya at inayos ang mga pinagkuhanan niya ng mga gamit, isa-isa niya 'yong inayos at parang hindi sapat ang isang ayusan lang dahil inayos niya ulit 'yon.


Grabe. Sobrang linis at ayos niya sa gamit!


"By the way," humarap siya sa akin. "I'm going to mall."


"Oh, okay." tipikal na sagot ko.


He frowned. "Hindi ka sasama?" 


Bigla naman akong nabuhayan at tumayo. "Sasama ako!"


Nakakahiya, muhkang masyado akong excited na kasama siya!


Natigilan siya at bahagyang natawa sa sagot ko. "Get dressed."


Tumango ako at agad na kumuha ng damit sa maleta ko. Simpleng black t-shirt, maong shorts and... shit, wala akong sapatos! Paano na ako nyan?!


"Uhh..." 


Tumungo ako sa bedroom. Humarap sa akin si Mathias nang maramdamang papalapit ako. No'n ko lang napagtantong wala siyang pantaas! 


Toned six-pack abs, muscles na nasa tamang posisyon at maputing balat ang bumungad sa akin!


"S-Sorry," sabi ko at tumalikod. "Bihis ka muna." 


I heard his chuckle. "Okay, done." 


Doon lang ako humarap sa kaniya at napanguso sa suot niya. Black shirt din yon at parehas pang maong ang pambaba namin! 


Shet! Couple! Couple kami! Aaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Kinalma ko ang hormones ko na nagsusumigaw sa loob-loob ko.


"Wala akong pangpaa," sabi ko at nagtaas ng kilay. "Mayroon ka bang flip flops or something?"


He playfully licked his lips and nodded. "Magbihis ka na, kukunin ko lang sa lalagyanan."


Tumango ako at binalikan ang mga damit ko sa sala. Tumungo ako sa bathroom at doon nagbihis. Napatingin ako sa salamin at doon pinuri nang pinuri ang sarili ko.


Shet. Kahit yata anong suotin ko, babagay sa akin. Si Mathias kaya? Hehehehehehe! Sure ako bagay siya sa akin, 'no!


Bumubungisngis na lumabas ako sa banyo at nakitang naglalakad na pabalik si Mathias may dala na siyang flip flops. Kulay itim yon at floral ang design. Nilapag niya yon sa harap ko at saka siya tumingin sakin. Pinasadahan niya ako ng tingin, mula ulo hanggang paa.


"You like wearing shorts," aniya.


Truth or Lies [Manila Girls Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon