CHAPTER 14

770 51 20
                                    


"Gregor," Mathias said as his face darkened.


I swallowed hard as I looked at him, my hands started to sweat, meaning I'm nervous.


"What... are you doing here?" naaasiwang tanong ni Gregor.


"Mm," Mathias stick his tongue on the insides of his mouth. "Hindi ba halatang narito ako para kay Baddie?"


I heard Gregor's sarcastic laugh. "For her? She's obviously not into you-"


"Gregor," inis kong tawag sa kaniya.


Nilingon niya ako ng pagtataka at gulat sa mga mata. "Why?"


"Shut the fuck up, will you?" nagagalit kong sabi at sinamaan siya ng tingin. "You know nothing!"


Umangat ang gilid ng kaniyang labi. "You're liking this poor guy?"


"I'm going, Baddie." Mathias walked towards us. "Have a nice day," seryosong sabi niya at tinapunan ako ng tingin.


Sandaling nagbunggo pa ang kanilang mga balikat. Sa sandaling 'yon, nakita ko kung gaano kaseryoso si Mathias at gaano kapangit ang ugali ni Gregor. Mathias glanced at me before turning his back on us.


"Mathia—"


"Tsh! Don't call him, ako 'yong nandito!" Gregor hissed.


Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano bang alam mo ha?!"


He laughed. Mas lalo akong naasar! "He is poor."


"And you're rich?!" taas-kilay kong tanong.


He raised a brow. "Yes, of course. Now let me in."


"Tangina," hindi makapaniwalang napatingin ako sa kaniya. "'Yon ang basehan mo?!"


He chuckled sarcastically. "Of course. 'Yong mga katulad nating mayayaman, hindi dapat nakikipag-usap sa gano'ng kahirap—"


I threw the bouquet of flowers on his face, dahilan para matigilan siya sa pagsasalita.


"Not because you're rich, you have the right to drag him down. Not because you're rich, you have the right to insult him or making him feel he's poor, until the end of his life!" galit kong sabi. "Mayaman ka nga pero ang sama ng ugali mo!"


Tinaasan niya ako ng kilay at binigyan ng nakakapang-insultong ngiti. "And you have nice attitude? Sino ba rito 'yong paulit-ulit sumasaway sa parents niya?"


Nagbago ang hitsura ko nang i-mention niya ang pamilya ko. "You know nothing, Gregor."


Truth or Lies [Manila Girls Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon