CHAPTER 13

709 50 22
                                    


"I like you, Baddie. Please, don't break my heart."


Those are his last words and left me dumbfounded. Kinailangan pa akong hilahin ni Kriesha papunta sa loob ng condo dahil matagal akong nakatulala sa harap ng pinto. As usual, I told her everything na nangyari. Syempre, 'ayun si gaga, halos magparty sa kilig at saya. Kahit ako naman, grabe ang kilig ko kay Mathias.


That night had passed. Kinabukasan, dumagsa ang marami naming plates. Mula sa iba't ibang profs, nagkakaroon kami ng projects. It was exhausting. Monday, Tuesday, Wednesday were really tiring. Walang araw na natigil kami sa pagp-paint o 'di kaya ay pags-sketch. It's not hard to draw, sketch or paint. It's about time. Kung gaano ako kabilis matapos o gumawa ng bahay o building. 


Dumating ang Thursday and Friday, we had a lot of quizzes. Swerte ko na lang kung maka-perfect ako, umaabot ng eighty items every short quiz, halos maubos brain cells ko dahil sa hell week. Tama si Kriesha, it was right to party before hell week. Dahil hell week talaga!


Mathias was busy too. Nalaman ko lang dahil nagmessage siya sa Instagram na marami silang ginagawa. Kaya rin ako nakapagfocus sa hell week namin dahil sa kaniya. Nasa iisang condo building kami at same school pero hindi namin madalas makita ang isa't isa. But we'll update each other from time to time.


Minsan pa nga ay nakakalimutan ni Mathias kumain. Sa sobrang pagod, madalas nakakatulog na lang siya at hindi na nakakakain. I would always remind him. Mabuti na lang ay nag-c-check siya ng phone, nababasa niya ang messages ko.


It's Saturday morning today. Nagkakape na si Kriesha at ako naman, guess what? Sinusubukan ko magluto ng hotdog at itlog!


"Putangina, dapat ba siyang maging ganito or what?!" sigaw ko kay Kriesha nang makitang nangingitim na ang hotdog!


Kriesha glanced at it. "Or what na lang."


"Hindi ka nakakatulong, gaga ka! Ano nga?!" inis kong tanong.


"Gago, malay ko!" Kriesha hissed. "Basta ang alam ko walang nagiging itim na hotdog! Bakit ganiyan? From red to black?!"


Pinatay ko ang kalan at inis na hinitawan ang sandok at shield ko.


Oo shield ko!


Tumatalsik kasi mantika kanina!


Napatingin ako sa hotdog. It's literally black. As in, black! I don't know why! Sinilip ko naman ang itlog, it seems... fine.


Just kidding. Durog-durog 'yong itlog.


"Wala yata tayong karapatan mag-asawa," naiiling na sabi ni Kriesha habang sumusulyap sa niluto ko.


Napabuntong hininga ako. "Just order something fucking good. This is depressing!"


Kriesha just nodded and ordered food immediately.

Truth or Lies [Manila Girls Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon