CHAPTER 27

1K 54 16
                                    


"Without you, I can't call it a date."


My lips parted and my world shook because of what he said. I was caught off guard and I couldn't even move. Parang nanuyo bigla ang lalamunan ko at namula ang aking pisngi.


"Why? Are you dating?" masungit na tanong ni Matheo.


"N-No!" agad kong tutol at hindi pa nakakamove on sa sinabi ni Mathias. "N-No..."


Mathias scowled. "Chopseuy's done. Go and get plates," he said, umirap pa bago kami talikuran!


What? Is he mad or something? I scoffed. Siya pa magagalit? Ang landi-landi niya tumingin kahapon pa! Akala niya siguro hindi ko napapansin! Pasimple pa siyang gusto niya makita ang anak ko, ako lang naman pinupunta niya. Sus, Mathias.


Pero joke lang. Alam ko ring mabait si Mathias kaya niya pinagbibigyan ang anak ko. Alam ko rin na doktor siya kaya niya ginagawa 'yon sa anak ko. Siguro nararamdaman niyang hindi masyadong maganda ang memorya ni Matheo.. O baka nag-a-assume na naman ako?


Katulad ng sinabi ni Mathias, kinuha ko ang mga pinggan at nilapag 'yon sa dining table. Nilagay ni Mathias ang chopseuy sa bowl at nilapag niya 'yon sa table. Kumuha na rin ako ng kanin mula sa aming rice cooker at nilapag din 'yon do'n. Matheo was just watching us with a smile and glint in his eyes.


Pakiramdam ko tuloy, pamilya kami at nagsasalu-salo sa hapagkainan. Napabuntong hininga ako nang gumana na naman ang imahinasyon ko. Panay ang isip ko ng kung ano-ano tapos hindi naman gano'n ang kakalabasan pagkatapos.


"Let's eat?" na-e-excite na sambit ni Matheo at dinampot agad ang utensils.


"Ivanoe," tawag ni Mathias.


"Matheo," tawag ko rin sa anak ko.


Napaawang ang labi ni Matheo at nagtatakang tumingin sa aming dalawa. "What?"


"Magpray ka muna."


"Pray first, baby."


Mas lalo pang naguluhan ang anak ko nang sabay naming sambitin 'yon ni Mathias. Nagkatinginan pa kami pero agad ding nag-iwas ng paningin. 


Ano ba? Ginagaya niya ba ako? Sabihin niya lang kasi! Handa naman akong tanggapin 'yon! 


"What's up with you, mom and doc Mathias?" naniningkit ang mga matang tanong ni Matheo. "You two look really close back then..."


"A-Ah.." napipi ako at napasulyap kay Mathias na prente lamang na nakatingin kay Matheo. "Ano..."


Mathias faked a cough, natuon namin ang atensyon namin sa kaniya. "I was her first boyfriend, Ivanoe."


Truth or Lies [Manila Girls Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon