CHAPTER 22

923 56 44
                                    


Pagkatapos ng sinabi ni Mathias, saktong may humila ng kamay ko. Pagkalingon ko, nandoon na si kuya Isaac.


"Let's go, Imperial," he said in cold voice.


Wala akong lakas para magsalita at napalingon ulit kay Mathias na lumuluha. Hindi na rin siya nagsasalita at puno ng emosyon ang mga mata. His lips are trembling and shaking. I wanted to hug him but I just couldn't.


I was too weak, too tired, too emotional... I can't even speak to answer kuya Isaac.


"Let's go," ulit ni kuya Isaac at hinila ako. "Imperial, galit na galit na si daddy. Please. Let's go."


Wala na akong nagawa kundi magpahila kay kuya Isaac habang nakatingin pa rin kay Mathias. Slowly, his gaze turned into cold stare while we were walking away. Hila-hila ako ni kuya Isaac pero ang paningin ko na kay Mathias.


Sa sobrang pagkakatitig ko kay Mathias, hindi ko napansing pinasok ako ni kuya Isaac sa kotse. Inaasahan ko na ang pagsigaw ni daddy sa loob ng kotse pero nabingi ako bigla.


Napipi ako at nabingi. Wala akong pinakinggan kundi ang tibok ng puso ko. Napatitig lang ako sa bintana habang bumabyahe kami pauwi at talagang nalulutang ako sa mga sinabi ni Mathias.


Kahit naman ako, sumasang-ayon sa sinabi niya. Tama rin 'yong sinabi niyang kaya ko 'yon nasabi dahil may kakayanan ako sa mga bagay-bagay na hindi niya kaya.


Tama nga naman. Kapag mayaman ka, marami kang kayang gawin na hindi kaya ng mga mahihirap na tulad niya. It's so unfair. I'm unfair. Hindi ko alam kung paano ko 'yon nasabi, sa pamilya niya pa.


I remembered how sweet, caring and appreciative his family is. Kahit sandali lang akong nakilala at nakasama, they accepted me and didn't hesitate to open their arms for me.


Sinayang ko 'yon. Paniguradong pag nalaman nila Nay Dalia at ate Nessa ang mga sinabi ko kay Mathias, they will hate me. Kung kay Mathias pa lang, durog na durog na siya sa mga sinabi ko, paano pa sila?


I am so dumb...


Pagkauwing pagkauwi namin sa bahay, daddy pulled me to face him. I saw how angry he was, pulang pula ang muhka niya at puno ng pagkadismaya ang mga mata niya.


"Alam mo ba kung sino ang lalaking 'yon? You two know each other?!" daddy shouted.


"Is it true?" ang unang lumabas sa bibig ko at pagod na tumingin sa kaniya. "Totoo ba ang sinabi ni Mathias? Rapist si Mr. Arisala?"


"Imperial," ate Iva warned me and tried to pull my arm but I refused. "Imperial... let's go to your room na, oh?"


I glanced at her. "No," mariin kong sagot.


"Imperial," tawag din ni kuya Isaac pero hindi ko siya pinansin.

Truth or Lies [Manila Girls Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon