Friday morning, I woke up in Mathias' bed happily. Sobrang fresh sa pakiramdam at para bang galing ako ng langit. Naamoy ko pa ang luto niyang nagmumula sa kusina.
Napangiti ako sa napakagandang pakiramdam. I could stay here.. with him...
I immediately went to the bathroom and did my morning routine. Tumagal 'yon ng thirty minutes, pagkatapos din ay dumiretso ako sa kusina.
I saw Mathias' sexy back while cooking. Topless pa siya pero may apron. He looks like a young chef, mas lalo ko tuloy siyang nagustuhan.
"Mathias," tawag ko sa kaniya.
Lumingon siya sa akin, nang makita akong palapit, ngumiti siya nang sobrang ganda.
"Baby," he called me.
I bit my lower lip as I walked towards him. He never fails to make me shy! "Hello, good morning..."
He chuckled at my reaction. "Good morning. Ngayon lang ako magluluto. Can you wait?"
"Of course." I nodded. "Nasaan pala ang phone ko?"
"Naiwan mo sa sala kagabi. Check mo, baka minumura ka na naman ni Kriesha," naiiling na sambit ni Mathias.
Natawa ako roon. "Yeah! Yeah!"
Pumunta nga ako sa sala para kunin ang phone ko. Pagkabukas ko niyon, isa lang naman ang text ni Kriesha.
From: Shangshang
Alam kong naglalandi kang hayop ka
Received!
Humagalpak ako ng tawa nang mabasa 'yon at nagreply sa kaniya.
To: Shangshang
Alam ko ring may inuwi kang lalaki, ano! Kala mo dyan?
Sent!
Tatawa-tawa kong sinend 'yon at binitawan muli ang phone.
Pag kasama ko kasi si Mathias, hindi ko kailangang magphone. Sa kaniya lang, buhos na buhos ko ang oras ko. Ewan ko ba, pakiramdam ko pag kasama ko siya, napupunta ako sa totoong mundo.
Siguro dahil nasanay ako sa mayamang buhay. 'Yong marangya, nakukuha ang gusto at walang habas. Si Mathias kasi hindi. Lumaki siya sa hirap at puro pangarap. Mathias will do really good if he has money. But unfortunately, he's not rich. Sa totoo lang ay mas gugustuhin ko 'yong gano'ng buhay. Kung saan matututo kang mabuhay. 'Yong hindi umaasa sa magulang.
BINABASA MO ANG
Truth or Lies [Manila Girls Series #1]
Romance****ManilaGirlsSeries#1**** Baddie Imperial Villegas, the spoiled brat and black sheep in her rich family. She used to disappoint her parents. Drag racing is her comfort but to reach her dream..to be an architect, she needs to change. ...then she m...