#Chapter7

61 1 0
                                    

#Chapter7

Jasmine's POV

"Jassy!" busangot ko namang tinignan ang mga kaibigan ko.

"Eh?! what's with that outfit!? are you going to gym?" I'm just wearing terno training pants, crop top tube and ofcourse jacket, tapos naka pony tail lang yung buhok ko.

"I'm not in the mood for partying girls" sabi ko naman sabay sa kotse nila.

"Well you still look so hot with that outfit" masayang sabi ni Christy na siyang nag dadrive ngayon at katabi ko ito ngayon.

"Finally! we're not complete!" dagdag ni Francheska.

"Ofcourse! ako pa ba? sa ngalan ni Ashton Kyril napapayag ko ang isang Jasmine Psygexyl Veingle" pag mamayabang ni Nikie

"Sabi na nga ba! hindi lang isang dare ang nangyari sainyo! nainlove talaga!" sigaw naman ni Christy na siyang pinag ngiwian ko.

"Tumigil nga kayo"

"Why not? alam mo talo ka talaga Jassy, nag mumok ka diyan habang siya umuungol sa ibang babae, payag ko non?" Christy

Talagang tinitrigger nila ako, wala na talaga akong pakialam sa gagong yun, ayaw ko ng masali sa buhay niya masyado akong nag mumukhang desperada.

"Wala ka na ngang bahay at kotse, nainlove ka pa sa taong kahit anong pilit mo di ka naman nagustohan, sex lang ang gusto sayo" Francheska

See! dahil sa magaling na shooter ang gago nag mumukhang inlove talaga ako dito pagkatapos ng nangyari!

Kung di ko lang kilala ang isang yun baka napatay ko na yun!

Naalala ko na naman ang unang pagkita namin, siguro kung di ako sumama sakanya at nag stay lang ako sa VIP room baka siguro pinag pyepyestahan na ang katawan ko sa mga ulod sa ilalim ng lupa.

Kaya pala ang linis linis ng pangalan nila! Madumi kung mag trabaho ang mga ito, masyadong tinitingalaan ang pamilyang yun kahit ako nung una pero matapos ibalita na na rape daw si Celine. Takot ang naramdaman ko, ayaw ko nalang mag salita sa nalalaman ko sakanila. Mas mabuting tumahimik kasi tahimik din ang buhay mo kaysa mag salita sa nalalaman mo tungkol sakanila para ano? para tumahimik ka habang buhay, para paglamayan ka na kinabukasan.

Kaya din ayokong masangkot ang mga ito sa problemang hinaharap ko, mga krimenal na nga, kailangan mo pang mag ingat sa mga galaw mo dahil pag ayaw nila ang ginawa mo siguradong wala ka ng masisilayang araw.

Itong tatay ko lang naman talaga ang gustong makipag koneksyon sa mga Kyril, siya nga ata ang nag tulak kay mommy na si Ashton ang ama ng dinadala ko. Alam kong hindi lang para sa anak ko ang pinipilit na gusto ni dad, dahil para din sakanya yun.

Kyril yun eh! once pera ang pag uusapan sa pamilyang yun sigurado na ang kinabukasan mo. Hindi ako pinanganak kahapon para hindi alam ang gustong mangyari at hindi ako mangmang pagdating sa negosyo.

Everyone want to be with them pero dahil bago ang nakaupo sa trono mas lalong mahirap sa ibang negosyo makamit ang gusto nila, pihikan si Alexander ang alam ko, ang Flix Law Firm, Caraquel University and ofcourse ang pinagkakatiwalaang hospital dito saamin dahil sa tiwalang binigay ng mga Kyril sakanila. Ang Montesca's Hospital.

Sa tuwing nalalaman ng lahat kung saan nakikipag partnership ang mga Kyril, siguradong pagkakatiwalaan din ito. Nag aaral nga ang mga kapatid ko sa Caraquel University. Sabi nila hindi daw ito tulad ng dati na walang pa slot slot ang mga ito, pero simula ng ikasal ang isang Kyril sa isang Caraquel, dumami ata ang nag enroll kaya ayun, kailangan mong mag pa reserve ng slot bago ka makapag enroll.

His Unheard Feelings ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon