#Chapter13

49 0 0
                                    

#Chapter13

Jasmine's POV

Naalimpungatan naman ako dahil sa ingay ng cellphone ko. Tamad akong bumangon at napalingon sa katabi ko.

Pagkatapos ko itong halikan kagabi iniwan niya ang babaeng unang kalampungan niya at hinila ako papasok sa opisina niya at kwarto niya.

Nakatalikod ito ngayon pero rinig ko ang mahina nitong hilik. Umiling na lamang ako at bumangon, nakita ko naman ang nakakalat kong damit, mabilis akong nag bihis at kinuha ang purse ko.

Narinig ko naman ang pag ungol ni Ashton, naiingayan siguro ito, umirap na lamang ako at sinagot ang tawag.

Lumabas na ako ng opisina niya, nakita ko naman ang boyfriend ni Nikie at isang gwapong bartender na nag lilinis ngayon sa bar, madami sila pero itong dalawa lang ang napansin ko dahil sila lang ang lumingon sa pwesto ko.

Umiling naman itong bartender, nakilala ko ito! ito yung lalaking humarang saakin nung lalabas sana ako! kasama ito ng boyfriend ni Nikie at ni Ashton. Tumango lamang itong boyfriend ni Nikie saakin.

"Ate!" tawag saakin ni Jewell nang masagot ko ang tawag.

"Aray kung makasigaw ka?"

"Ano ba? kagabi pa kita tinatawagan! kahit sila ate Christy! hindi sumasagot! diba sabi ko sayo before 12" napangiwi naman ako.

"Oo na uuwi na ako baby okay? see you" lambing kong sabi sakanya pero 'tsk' lang ang narinig bago binaba ang tawag.

"Are you always like that?" napatalon naman ako sa gulat at napalingon sa likod ko.

Nakita ko si Ashton na may suot ng damit pero magulo padin ang buhok nito.

"I have to go, my brother called me" paalam ko dito, aalis na sana ako pero may naalala ako, kaya hinarap ko si Ashton.

"See you"

Hinalikan ko naman ito sa labi niya bago ako tuloyan umalis. Kung hindi dahil sa potang inang dare na yan, hinding hindi talaga ako papayag mag landas ulit kami ni Ashton.

Pag pasok ko ng bahay, nakita ko si Jewell na nakahawak sa bewang niya at nakakunot ang noo.

"Good Morning my little brother" lambing ko sakanya at niyakap ko ito pero hindi niya ako niyakap pabalik.

"Hindi ako nakatulog sayo ate!"

"I'm sorry na, babawi si ate uhm?" I cupped his cheeks and kiss him in his forehead.

Bumuntong hininga naman ito at tumango, napangiti naman ako.

"Pumasok si Jazreal na walang kain ate and I'm hungry"

"Fine mag luluto na si ate, maliligo muna ako okay?"

Mabilis naman akong nakaligo at pinagluto ang kapatid ko, sinabayan ko naman ito sa pagkain dahil nakaramdam din ako ng gutom.

Pagkatapos ay bumalik ito sa kwarto niya para daw matulog dahil wala daw itong tulog, hinayaan ko na lamang ito.

Kinuha ko naman ang phone ko, tinawagan ko si Nikie.

Pero bago ko ito matawagan, nakarinig ako ng pag busina sa labas kaya sinilip ko ito.

"Girl!" sigaw naman ni Christy sabay taas sa mga pagkain.

"Wag kayong maingay, natutulog ang kapatid ko!" suway ko naman sakanila.

Kaya tahimik silang pumasok sa bahay, hinanda naman ni Nikie ang mga pagkain sa kusina, umupo na din ako pagkatapos nilang umupo.

His Unheard Feelings ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon