#Chapter20

59 0 0
                                    

#Chapter20

Jasmine's POV

Ngumiti naman ako sa harap ng camera, ginalaw galaw ko ang wedding dress na suot ko.

"Nice!" sigaw naman ng photographer, ngumiti lamang ako.

Andito ako ngayon sa bride's room, pumasok naman ang mga kaibigan ko, tumili pa ang mga ito habang nakatingin saakin.

Isang garden wedding ang mangyayari ngayon, hindi ito tulad ng tradisyong kasal ng mga pinoy, sabi saakin ni Belle na gusto lang ng mga Kyril na walang kami lang daw ang bida sa kasal na ito kaya walang flower girl o bride's maid o kung ano ano pa.

Maaga kaming inayosan ni Ashton, sabi saakin ni Belle na andon daw ito sa labas, sumasalubong sa mga bisita gusto ko sanang lumabas kanina pero pinigilan ako nito mas okay na andito lang ako nakatago sa lahat. Mga pamilya at malalapit lang saakin ang nakakapasok dito sa bride's room.

Nag tatalon pa ang mga kaibigan ko, napailing na lamang ako habang pinapanuod ko sila.

"Let's take a picture" sabi naman ng photographer kaya naman pumwesto ang mga kaibigan ko at ngumiti sa harap ng camera.

Tumawa pa ako dahil sa mga naging pose nila.

"Nice" komento ng photographer.

"Girl ang ganda mo" pinasidahan ako ng tingin nilang tatlo, ngumiti ako saknilang tatlo.

"Hindi ko naman akalain na dadating ka sa ganitong sitwasyon ang swerte mo!" Christy

"Ano ka ba! si Ashton din kaya swerte dahil isang Jasmine Veingle ang papakasalan niya." pag mamayabang naman ni Francheska, tumawa naman ako ng mahina, umupo naman ako at nakita ko sa mga mata nila ang saya.

"So saan kayo mag hohoneymoon?" Nikie

"Tinatanong pa ba yan? syempre sa kama ano ka ba" Francheska.

"Nakita mo na ba si Ashton? ang gwapo gwapo niya kanina, siya ang sumalubong saamin" Christy

Actually hindi pa kami nag kikita ni Ashton simula kaninang umaga hanggang ngayong gabi. Gabi gaganapin ang kasal namin ni Ashton, okay lang din dahil nabisita ko ang garden noon ng gabi ang sobrang ganda.

"Kung siguro binigay mo saakin si Ashton noon edi sana ako nasa pwesto mo ngayon" tumawa naman ito.

Sana ikaw nalang ang nasa pwesto ko ngayon Christy, kahit anong ganda at magarbo ang kasal na to meron padin saakin na ayaw kong ikulong sa kasal na wala naman akong nararamdaman.

Kahit anong alaga saakin ni Ashton ay walang talab saakin yun, minsan ko na din itong iniwasan pero nagalit lang ito saakin, hindi ito umuwi sa sariling bahay para lang hindi ko na ulit ito iwasan. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Ashton kaya nagugulohan ako sa mga galaw niya. Kaya mas gusto kong ikulong ang sarili ko na ako lang ang andon kaysa kasama ko siya.

"Ngayon din inilabas ang magazine, here!" tili naman ni Nikie at pinakita saakin ang cover page nito.

Yung kami dalawa ni Ashton habang suot ko ang wedding dress na suot ko ngayon.

Kinuha ko naman ito sakanya, wala akong alam sa interview ni Ashton dahil isa isa kaming ininterview nito.

Hinanap ko yung part ni Ashton, hindi naman ako nahirapan hanapin ito. Binasa ko ang mga caption nito.

It happen that I get her pregnant and I'm willing to take that responsibility. Love can develop through our marriage life.

Kumunot nag noo ko sa nabasa ko ngayon.

His Unheard Feelings ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon