#Chapter24

55 0 0
                                    

#Chapter24

Jasmine's POV

Humigpit naman ang hawak ko kay Ashton, napalingon naman ito saakin.

"Ahh!" sigaw ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Her water!" sigaw naman ni Misha habang tinuturo ako.

Wala na akong narinig, mas tinuon ko ng pansin ang sakit na nararamdaman ko.

"Jasmine calm down, look at me" sinamaan ko naman ng tingin si Ashton, siya itong hindi mapakali.

"Anong calm down! ikaw ang kumalma diyan!" sinapak naman ito ni Misha.

Nagbangayan ang dalawang magkapatid pero hindi ko na sila pinansin mas tinuon ko ng pansin ang sarili ko, mabigat ang paghinga ko.

"Can you please shut the fvck up!? I can't focus here!" sigaw ni Tyler

Oh ghad bakit ba sila ang sumama saakin, sana pala doon ako sumakay sa sasakyan ng magulang ni Ashton.

Hanggang sa nakarating kami sa hospital, sinabihan kami na hindi pa fully open ang cervix ko, kailangan ko munang mag lakad lakad, nag wawala pa si Ashton dahil ayaw pa akong papasokin sa delivery room.

Pero hinila ko ito para tumigil.

"Are you okay?" nag aalala nitong sabi at tinuon ang pansin saakin, inalalayan niya naman ako.

Naramdaman ko naman ang pag sakit ng likod ko pero pinilit kong tumango para kumalma ang gago hindi na mag wala pa.

Napahawak naman ako sa pader at kay Ashton nang mahigpit. Inalalayan niya naman ako sa paglalakad, nilingon ko ito dahil sa dahan dahan nitong pag alalay saakin.

Napangiti naman ako nang makita ko sa mukha niya ang pag-alala, buong panahon na nag bubuntis ako andito lang ito sa tabi ko, hindi niya sinira ang sinabi niyang mag titiis ito at habaan ang pasensya saakin.

Mas lalo itong humigpit sa pagbabantay saakin nang kabubwanan ko na, hindi na ito humihiwalay saakin, kahit mag cr lang ako sasama ito saakin para bantayan ako.

Kahit yung mag work out lang kami ni Misha para hindi ako mahirapan sa pag deliver sa bata sumasama pa din ito, pinatigil nga niya ang pag work out namin ni Misha nung kabubwanan ko na.

Actually ngayon lang bumalik si Misha dito sa Spain, ngayon lang literal na ngayon! pag pasok na pag pasok niya sa bahay ako agad ang bumungad sakanya at sumigaw ito.

Narinig ko pa kay Ashton kanina na pinipilit ng kuya niya na magpaiwan dahil galing pa ito sa byahe pero dahil mag kapatid sila matigas din ang ulo ni Misha at sumama.

Lahat ng gusto ko binibigay saakin ni Ashton, kahit pa madaling araw ko ito hingin sakanya, wala akong narinig na reklamo dito, sinusunod niya lang ang gusto ko.

"Kaya mo mag lakad?" napalingon naman ito saakin kaya mabilis kong iniwas ang tingin sakanya at tumango.

Hindi na din ako nito inaaway, ako nalang ang nang aaway nito pero hindi ito gumaganti, hinahayaan ako. Pinagtatawanan nga siya ng daddy niya dahil ngayon niya lang nakita si Ashton na sobrang stress pero walang reklamong narinig.

Nakita ko naman ang magulang ni Ashton tumakbo palapit saamin, inalalayan naman ako ng mommy niya.

"Magiging tatay ka na sigurado kang kaya mo?" panggugulo ng daddy niya, napangiti naman ako, ayan na naman silang dalawa.

Parang magkapatid ang mga ito kung mag bangayan at magkulitan, masaya ako sa tuwing nakikita ko si Ashton at tatay niya, nakikita kong anong klaseng tatay si Ashton sa anak namin.

Magiging tahimik lang siguro ang bahay pag wala si Ashton, paniguradong hahanapin ito ng anak niya pag wala ito.

"Stop it dad, pagsabihan mo nalang ang staff dito na ipasok na asawa ko sa delivery room hindi iyong pinapatayo pa nila, kitang manganganak na"

Binitawan niya naman ako at pumalit ang mommy niya pero umupo na ako dahil sa pagod na nararamdaman ko.

"It's normal anak, baka hindi pa fully open yung cervix ni Jasmine kaya pinalakad" sabi naman ng mommy niya sa tabi ko.

Napakagat naman ako sa labi ko at pinigilan ang pag sigaw dahil sa naramdaman kong parang hinihiwa ang gitna ng binti ko.

"Ashton" nahihirapan kong tawag dito, mabilis naman itong tumabi saakin at sinilip ako.

"Mom! pinag papawisan na si Jasmine!" sumbong niya naman sa mommy niya, mas nataranta pa siya kaysa saakin na ako ang manganganak.

Narinig ko pa ang pag tawa ni Misha mabilis naman silang sinita ng mommy nila nang magsisimula na naman silang mag bangayan.

"Call a doctor Tyler" narinig kong sabi ng daddy ni Ashton.

Pinunasan naman ni Ashton ang noo ko na pinag pawisan, napahawak ako sa tiyan ko, parang hinihiwa ako sa ibaba.

"Ahh!" sumigaw na ako nang di ko na matiis ang sakit.

Lalo namang nataranta si Ashton sa tabi ko sa pag sigaw ko, mabigat ulit ang pag hinga ko.

"Lalabas na" mahina kong sabi at sumigaw ulit.

May lumapit naman saaking isang nurse at pinahiga ako sa emergency bed, nakahawak lang ako sa kamay ni Ashton habang tinitiis ko ang sakit, pinatitigan ko ang mukha ni Ashton may pawis na din ito sa noo niya at sobrang alala na itong nakatingin saakin.

Nanghihinang pinikit ko ang mga mata ko. Ayokong aksayahin ang natitira kong lakas, kailangan kong ilabas ang bata ng safe at safe din ako.

Binitawan naman ako ni Ashton, binukas ko ang mata ko pero huli na nang makita ko siya nakasara na ang pinto.

Hinayaan ko ang mga doctor na gawin ang preperasyon para sa paglabas ko sa bata. Wala akong naintindihan sa lenggwahe nila.

"Can I have my husband?" mahina kong sabi nito pero narinig naman ako ng nasa tabi kong nurse.

Nag usap pa sila ng doctor ko, lumabas naman ang nurse.

Hindi naman nag tagal pumasok si Ashton na may suot operating lab at face mask. Mabilis itong tumabi saakin.

Nag usap sila ng doctor.

"Are you ready?" tumango naman ako bilang sagot.

"One two three push" humawak ako ng mahigpit kay Ashton at umiri

"It's okay, you're still beautiful" narinig kong bulong ni Ashton, gusto kong ngumiti pero di ko magawa dahil sa hapdi na naramdaman ko ngayon.

Sinabayan niya naman ako sa pag ginhawa kaya naging kalma lang ako hanggang sa sinabihan ulit ako ng doctor na umiri, ginamit ko lahat ng lakas ko para tuloyan lumabas ang anak ko.

"It's almost there, our beautiful baby is almost there Jasmine" tumango tango naman ako at ulit na umiri, hanggang sa makaramdam ako na may lumabas sa akin.

Nanghihina akong lumingon kay Ashton, bibitawan ko na sana ito pero hinawakan niya naman ako ng mahigpit.

"You're the best thank you" matamis nitong ngiti at hinalikan niya pa ako sa labi ko, bago namin sabay narinig ang iyak ng anak namin.

His Unheard Feelings ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon