#Chapter19

54 0 0
                                    

#Chapter19

Jasmine's POV

Naalimpungatan naman ako dahil sa ginaw na nararamdaman ko.

Bumukas ang mga mata ko at babangon na sana ako nang may nakita akong isang bulto ng tao sa pinto ng veranda ko.

Napalingon naman ako sa katabi ko, tulog na tulog si Ashton habang nakayap saakin.

Tinapik ko naman ito dahil sa kaba na nararamdaman ko.

"Uhm"

"May tao Ashton" mahina kong sabi, lumingon ako dito, nakita kong pinipilit nitong buksan ang inaantok na mata.

Bumangon naman ito, tinuro ko naman ang bulto na nakita ko pero wala na ito doon.

"Wala naman" inaantok nitong sabi.

"May tao diyan kanina" sigurado kong sabi kanina.

Bumangon naman ito at siya mismo nag sara ng pinto dito at narinig ko pa ang pag lock nito bago bumalik sa tabi ko, hinila niya pa akong humiga at niyakap ako.

"Let's sleep, andiyan naman si Hanz nag babantay sa labas" kampante nitong sabi at siniksik ang mukha sa leeg ko.

Lumingon pa ako sandali sa nakasarang pinto ng veranda ko bago ko hinayaan ang sariling matulog ulit.

Kinabukasan, nagising ako dahil sa kumakatok, tinanggal ko ang braso ni Ashton sa tiyan ko at bumangon, binuksan ko ng kaunti ang pinto at sumilip.

"Bakit Jazreal?" inaantok kong sabi sa kapatid.

"Kumain na sabi ni dad" tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

"Himala?"

"Malamang ate may bisita ka kaya ganyan" tumango na lamang ako dito, umalis naman ito kaya sinara ko ulit ang pinto.

Dumiretso na ako sa cr para maligo, kaya naman nilang kumain don na wala kami, mahimbing pa ang tulog ng isa diyan.

Napatili naman ako nang may yumakap saakin, humarap naman ako don nakita ko si Ashton.

"Good Morning" malambing nitong sabi pero hindi ko ito pinansin at nag patuloy na sa pag ligo, sumabay naman ito saakin naligo.

Sinuot niya lang din ang damit niya kahapon ako naman ay pumasok sa loob ng walk in closet ko at nag hanap ng maisusuot ko.

Pagkatapos kong mag bihis at mag ayus, sinulyapan ko sandali ang repleksyon ko bago ako lumabas ng walk in closet ko.

Nakita ko naman si Ashton na nag aayus sa kama at sa mga damit kong nakakalat.

"Sabay na tayong pumunta sa set" aya niya naman, tumango na lamang ako bilang sagot, may interview kasi kami ngayon at syempre isang photo shoot na naman.

Sabi saakin ito daw yung magazine kung saan finifeature ang pamilyang Kyril, ito lang din na magazine publisher ang hinahayaan ng mga Kyril. Ni research ko about sa publisher, lahat ng kinasal na mga Kyril ay doon nag pa interview at nag pakuha ng mga litrato with their partners.

Sabay naman kami ni Ashton pumunta sa dinning area, nag simula na pala silang kumain, umupo naman kaming dalawa ni Ashton at pinagsilbihan ng mga katulong.

"How's your stay here Ashton?" napangiwi naman ako sa sinabi ni dad.

"It was great po tito"

"Just call me daddy already. Hinayaan ka na ng mga magulang mo dito matapos namin mag usap."

Nag usap naman ang dalawa na para bang sila lang dalawa ang nagkakaintindihan, umabot sila sa pag uusap tungkol sa negosyo.

Namangha naman ako kay Ashton dahil may alam pala ito pag dating sa negosyo. Kung makapag salita ito ngayon bihasang bihasa ito. Palihim naman akong ngumiti habang nakikinig lang sa usapan nila.

His Unheard Feelings ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon