#Chapter34

52 0 0
                                    

#Chapter34

Jasmine's POV

"Ako na magdadala kay Ashxyl wife para hindi ka mahirapan"

"Okay lang"

"Sige na sayang yung outfit mo kung magkakarga ka lang kay Ashxyl" inagaw naman saakin si Ashxyl ng tuloyan, napangiti na lamang ako sa naging terno ng mag ama sa sumbrero. Naka suot ng polo si Ashton na naka roll in hanggang siko niya at pants pero may suot itong pambatang sumbrero.

"May lakad ka ba?" hindi ito ang lage niyang suot basta nagtatrabaho lang sa kompanya nila. Simpleng tshirt at ripped jeans o di kaya fitted jeans. Parang gagala lang ang suot nito basta sa loob lang ng kompanya, pero pag may nakakaharap itong ibang client niya o client ng pamilya nila, naka tuxedo ito.

"Yeah later, nasa kotse ko yung blazzer ko at yung necktie ko"

"Buti hindi dinumihan ni Ashxyl suot mo?" makalat si Ashxyl kumain syempre dahil bata ito.

"I have a lot of spare in the car wife, na gawa na ni Ashxyl dumihan ang una kong suot nung kumain siya ng ice cream"

"Tatay na tatay ha?" ngumiti naman ito sa sinabi ko, hinawakan niya naman ang kamay ko nang mag bukas ang elevator hudyat na nasa ground floor na kami.

"Alam mong mag aalaga ka ng bata pero ganyan ang suot mo" binawi naman ang ngiti niya at nilingon ako pero kibit balikat ko lang itong hindi sinagot.

Lahat ng empleyadong nadadaanan namin, binabati nila kami habang yung nasa malayo nakatingin lang saamin. Sanay na ako sa mga tingin nila pero iba ito ngayon siguro dahil kasama ko si Ashton at si Ashxyl o baka din dahil sa suot ni Ashton na pambatang sumbrero habang ang suot nito ay pormal masyado.

I have a child and a childish husband.

Saakin tumabi si Ashxyl, nag aalala na ako pag nasa kamay ito ng tatay niya baka kung ano ang gusto ng bata ibibigay niya kahit bawal.

"Napaaga ang dating nila mommy tumawag kanina saakin, andito na daw sila" sabi naman ni Ashton sa gitna ng pagkakain namin.

"Yung gamit ni Ashxyl?"

"Pinahanda ko kay manang, pinakuha ko na kay Hanz at pinahatid sa mansyon, dederitso kami ngayon ni Ashxyl sa mansyon"

"That's good"

"Alis tayo wife"

"San mo na naman ako dadalhin Ashton?"

"Wala si Ashxyl mamaya sa bahay" pilyo nitong ngiti saakin, napailing nalang ako at tinuod ng pansin ang pagpakain kay Ashxyl.

"Sa kwarto nalang tayo buong mag damag what you think?"

"Ewan ko sayo, may wipes ba kayong dala?" tumango naman ito at kinuha sa kotse niya, tapos na kaming kumain kaya si Ashxyl na yung binibigyan namin ng pansin para pakainin.

Binigay naman saakin ni Ashton, pinunasan ko ang makalat na mukha ng anak ko hanggang sa matapos kaming kumain.

"Baby wine you want?" mabilis kong nilingon si Ashton na may masamang tingin.

"Joke lang, hindi na nga" ngumuso pa ito na parang bata at ininom ang wine niya.

Napagdesisyonan na naming umalis, bago ako bumaba sa kotse ay inayosan ko muna si Ashxyl bago ako bumaba sa kotse.

"mag ingat sa pag mamaneho"

"Kukunin kita mamaya wife bye" tumango lang ako at sinara na ang kotse, bumisina pa ito bago tuloyan umalis.

Masaya naman akong pumasok sa opisina ko, wala pa ang secretary ko, hindi pa tapos ang lunch break niya kaya hinayaan ko na lamang.

"You're here" napakurap naman ako sa kaharap ko ngayon, perteng naka upo ito sa swivel chair ko at naka ngisi.

"Paano ka nakapasok dito?" naikuyom ko ang mga kamay ko habang sinasalubong ang tingin nito.

"Simple, dumaan sa main entrance, sumakay ng elevator tapos pumasok diyan sa pinto sa likod mo."

Pinagsamantala nito ang pag pasok niya habang ang mga empleyado ay nasa kanya kanyang break.

"Ano ba ang gusto mo kuya Celion?" tumayo naman ito at lumapit saakin, umiwas pa ako nang hahawakan niya ako pero madiin niya akong hinawakan sa pisnge ko at pilit na pinapatingin sakanya.

"Ikaw at ang kasiraan ng isang Kyril" may diin nitong sabi at madiin niya din akong sinandal sa pinto.

Pilit kong tinutulak ito dahil dumidikit na ang sarili nito saakin, nahuli niya ang mga kamay ko at nilagay sa itaas ng ulo ko.

"Bakit ba ang sexy sexy mo pa din kahit may anak ka na?" napasinghap ako nang lumapat ang libreng kamay nito sa balikat ko at pag amoy niya sa leeg ko.

Tinuhod ko naman ang pagkalalaki nito at mabilis na lumayo sakanya, dumadaing pa ito sa sakit sa gitna niya.

"Wag na wag kang lumapit saakin" kinuha ko naman ang telepono para tumawag ng security.

"Alam mo bang drug dealer ang asawa mo?" natigilan naman ako at napatingin sakanya.

"And I know he kill Celine, my beloved sister"

Paano niya nalaman ang mga yun? alam kong maingat si Ashton sa mga galaw niya, paanong may nakatakas na impormasyon?

"He's a monster! pinagang rape niya muna ang kapatid ko bago niya pinatay"

"Alam mo ba yun!?" umayos naman ito ng tayo at deritso akong tinignan.

"And now! pati ikaw! pati ikaw kinuha niya saakin! I will do everything para malaman ng lahat ang baho ng asawa mo!"

"N-no" yun lang ang kaya kong sabihin.

"Well I have a condition, sumama ka saakin, ililibing ko ang nalalaman ko Jasmine" ngumisi naman ito at lumapit saakin.

Hinaplos niya naman pisnge ko na may ngiti sa labi. Bumaba ang pag haplos nito saakin pababa sa leeg at balikat kong nakikita. Off-shoulder ang suot ko ngayon at fitted jeans.

"Because you're mine in the first place Jasmine" mabilis kong iniwas ang mukha ko nang halikan niya sana ako kaya dumapo ang mga labi nito sa leeg ko.

"I'm not yours kuya Celion" bumaba ang labi nito hanggang sa collar ko.

Bumalik ang tingin nito saakin at sobrang lapit nito saakin.

"You'll be mine now, unless you choose to let me expose Ashton's dirty doings?" Dumapo ang labi nito sa labi ko, gusto ko itong itulak pero niyakap na niya ako at tinulak ako padiin sakanya.

"Kiss me back Jasmine or else" kinagat niya ang ibabang labi ko.

Kailangan ko bang gawin to? para lang isalba si Ashton? kailangan ko bang magpatali sa leeg para lang sakanya? Ayoko din naman na masira ang pangalan niya, hindi lang pangalan niya ang masira kundi sa pamilya na din, masisira din si Ashxyl dahil sa tatay nito. Ayokong masira si Ashton.

Diin kong pinikit ang mga mata ko, naramdaman kong may tumulo dito nang halikan ko pabalik si kuya Celion.

Narinig kong bumakas ang pinto kaya binuksan ko ang mga mata ko pero nagulat ako sa nakita ko ngayon.

"Wife" nagugulohan nitong tingin saakin, mas diniin ni kuya Celion ang halik niya, hindi ko na ito hinalikan pabalik sa gulat ko.

Unti unti namang nanglamig ang tingin ni Ashton at umiling.

Help me here Ashton, suntokin mo siya tulad ng ginawa mo sa lalaking nakasayaw ko noon sa bar mo. Punch him love.

Walang binitawang salita at iniwan kami ni Ashton, bagsak ang mga balikat ko at bumitaw sa halik si kuya Celion.

His Unheard Feelings ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon