#Chapter36

50 1 0
                                    

#Chapter36

Jasmine's POV

Nasa harap na kami ng bahay namin, tahimik lang kami buong byahe.

"Ano ba pag uusapan natin?"

"Kamusta ka na? si Ashxyl?"

"We're fine, really fine Jasmine"

"Gusto kong makita si Ashxyl Ashton" mahina kong sabi dito habang nakayuko ako.

"You can visit her in mansyon, bukas pa ang uwi niya dito"

Malamig ang boses nito habang sinasagot lahat ng tanong ko, nasan na ba yung malambing kong asawa? okay na ako sa pagiging clingy nito saakin pagiging isip bata wag lang ito.

"Ashton I can explain what happen last time you--"

"I don't need your explaination Jasmine, what I saw is already enough" putol niya sa sasabihin ko, tumahimik naman ako.

Ito ang ayaw ko sakanya, masyadong irrational, ayaw kang pakinggan sa mga paliwanag mo, ganito din siya nung nag away kami nung umuwi ito dito dahil sa nasagap na balita.

Kagat ko ang labi ko habang nilalaro ang mga daliri ko, nakayuko padin ako. Nasira nga ako ni Celion sa mga mata ni Ashton, paano ko ito malilinis ngayon kung ang isip nito ay sirado.

"That night I realized that I'm not enough for you, Ashxyl is not enough for you, being the good husband and being the good father to our daughter is not enough for you to stay with us." pahabol nitong sabi na siyang tumagos saakin at tumulo ang luha ko dahil don.

"Don't worry I'll let you see Ashxyl whenever you want, I just set you free."

"Ashton buntis ako" mabilis kong sabi dito at sinalubong ko ang tingin nito pero tumawa lang ito na hindi makapaniwala sa naging turan ko.

Nakita ko pa ang pag higpit ng hawak niya sa manubela.

"T-then? congrats?"

"It's yours Ashton" sigurado kong sabi, alam kong sakanya lang ito pero umiling lang ito.

"Lumabas ka na Jasmine bago hindi ko mapigilan ang galit ko sayo" bagsak ang mga balikat ko sa sinabi niya.

Galit na nga ito saakin.

"Ashton alam kong hindi ka maniwala but trust me it's yours" basag na ang boses ko habang pinipilit kong papaniwalain si Ashton.

"I told you get out!" sigaw nito kaya natakot ako.

"Tanggap ko ng hindi mo kayang manatili sa pamilya natin Jasmine! pero hinding hindi ko tanggap na buntis ka at pilit mong pinapaangkin saakin ang batang yan! bakit? iniwan ka ba ng naging lalaki mo!?"

Sumikip naman ang dibdib ko sa sinabi niya, right! sirado pala ang isip nito.

Sorry baby kung naririnig mo ito galing sa daddy mo pero promise ko tatanggapin ka din nito pag labas mo promise ko sayo yan okay? hold to mommy so tight, let's fight together. Help mommy okay?

"Wag na wag mong sabihin na saakin ang batang yan kahit anong pilit mo saakin hinding hindi ko yan aangkinin tulad kay Ashxyl. Don't expect too much Jasmine Veingle, remember how I saw you last time. Hinding hindi mawawala sa isip ko yun. That time kaya ko kayong patayin ng lalaki mo, kapal din ng mukha mong sumalubong sa tingin ko habang nakikipag halikan. Kung hindi ko lang naisip na nanay ka ng anak ko at mahal na mahal ka non, pinag pyepyestahan na kayo ng lalaki mo ng nga uod sa ilalim ng lupa."

"Bumaba ka na bago pa may masabi akong masasakit na salita"

Wala sa sariling bumaba ako, pagkasira na pagkasira ko sa pinto ng kotse niya ay pinaharurot niya ito paalis.

Habang ako, wala sa sariling napaupo sa sahig habang tintignan ang dinaanan ni Ashton.

Napaiyak na lamang ako, paulit ulit kong naririnig sa isip ko lahat ng sinabi niya. Hindi pa ba yun masakit na mga salita sakanya? kasi para saakin tagos na tagos ito saakin parang ilang ulit akong sinaksak sa dibdib ko sa mga naging salita niya.

Nagulat na lamang ako nang may humila saakin patayo at kinaladkad papasok ng bahay.

"Jazreal" nanghihina kong sabi nang makita ko ang kapatid kong nakatali sa hawakan ng hagdan.

"Celion ano to?" hindi niya naman ako sinagot at pinaupo sa tabi ni Jazreal habang tinatali niya ang kamay ko sa kabilang hawakan ng hagdan.

"Ate I'm scared" mahinang sabi ni Jazreal saakin inalo ko naman ito.

"Balita ko andito na si Ashton sa bansa kaya binabalikan kita Jasmine"

Nilabas naman nito ang baril niya, nabalot naman ng takot ang puso ko habang nakatingin sa pinupunasan niyang baril.

Kinuha niya naman ang phone niya at may tinawagan, ring lang ito ng ring naka loud speaker kasi ito.

"Bakit ayaw sagotin?"

"Baka nakikipag laplapan sa babae niya" tumawa naman ito sa sagot niya sa sariling tanong, nababaliw na talaga itong si Celion.

Sa ikalimang pagkakataon niyang tawagan kung sino man yun sinagot na ang tawag niya.

"hello!"

"Kuya Ashton" mahinang tawag ni Jazreal kaya napalingon ako dito, nakikita ko ang takot sa kapatid ko.

"Bakit sinali mo ang kapatid ko Celion" mahina kong sabi dito.

"I'm with your wife Kyril"

"Who are you? I don't have wife" tagos ulit ang naging sagot ni Ashton, naging matalas na din ang dila nito tulad ng kapatid niya, siguro nga nasa lahi nila ang matalas ang dila.

"I'm here in your beloved house, ang ganda nga ng bungad saakin nung pumasok ako, portrait niyong mag asawa.

"Who are you again?" may diin na sabi ni Ashton.

"You know Celine?" tumahimik naman ang kabilang linya.

"So?"

"I'm her brother, I know you kill her Kyril" tumahimik ulit ang kabilang linya na para bang wala itong ka interest sa pangyayari.

"Kuya Ashton save us here please, ate is pregnant! hindi siya pwedeng ma stress makukunan siya" sigaw namam ni Jazreal pero tahimik lang ang kabilang linya, bagsak ang balikat namin ni Jazreal.

"Set them free, if you want me face me not them"

"Pero sila lang ang may koneksyon sayo na mabilis makuha kaya pumunta ka dito Kyril harapin mo ko"

"I don't have connection to her already, she's not my wife so set them free"

"She's not your wife?"

"Yes" madiin akong pumikit dahil sa walang pag alinlangang sagot ni Ashton.

"So I can rape her and kill her afterwards?" may ilang segundong katahimikan ang nangyari sa kabilang linya.

"Do as you please then I don't care"

Oh ghad! ganyan nalang ba ang galit niya saakin at hahayaan niya ako dito? kasama ko ang kapatid ko dito.

"Ang hayop mo kuya Ashton! ang hayop niyong dalawa!" sigaw naman ni Jazreal, hindi ko na ito pinansin at yumuko na lang habang pinipilit ang sarili kong patatagin.

Nanghihina na ako, gusto ko nalang mag pahinga, may kirot na din akong nararamdaman sa tiyan ko.

Baby don't let go. Don't let go to mommy okay? I need you, mas kailangan kita kaysa sa tatay mo.

"Walang hiya kayo! potang ina! pag may mawalang buhay sa mag ina mo kuya Ashton hinding hindi kita mapapatawad! kukunin ko si Ashxyl sayo! you don't deserve her! you don't deserve ate's babies!"

"Jazreal tama na" nanghihina kong sabi dito pero hindi ito nakinig saakin, umiiyak na din ito habang sumisigaw.

"K-kuya Tyler?" napaangat naman ang mukha ko at nakita ko si Tyler at Hanz na parehong hinihingal at nakahiga na sa sahig si Celion habang pinupusasan ni Hanz sa likod nito.

Lumapit naman si Tyler saamin at tinanggal niya ang pagkatali saamin. Inalalayan akong tumayo ni Tyler.

"Ate Jasmine" sigaw ni Jazreal ang huli kong narinig bago dumilim ang paningin ko.

His Unheard Feelings ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon