#Chapter9

55 0 0
                                    

#Chapter9

Jasmine's POV

Ang tahimik kong bahay biglang umingay dahil sa mga kapatid ko.

Kakauuwi ko lang galing sa trabaho nang madatnan ko sila Jewell at Jazreal sa sala nag babangayan dahil sa channel.

"Kuya naman eh! nanunuod ako ng Spongebob!" sigaw ni Jazreal.

"Ito yung maganda oh! para ka namang 6 years old!" sigaw pabalik ni Jewell, bumuntong hininga naman ako kaya naagaw ko ang atensyon nilang dalawa.

"Ang ingay niyo"

"Ate may pasalubong ka?" lumapit naman saakin si Jazreal at nilahad ang dalawang kamay niya.

"Kiss gusto mo?" bumusangot naman ito at bumalik sa pwesto niya kanina.

"Nag luto kayo?"

"Hindi kami marunong pero nag luto kami" Jewell

"Kaya pala ang baho" amoy sunog na kanin ang bahay ko ngayon.

"Bakit kasi wala kang katulong ate?" Jazreal

"I told you, no babying" nagulat naman ako nang tumakbo saakin si Jewell at niyakap na parang bata.

"Lutuan mo kami ate please, we're hungry" nag papakyut nitong sabi saakin, nagulat na din ako nang maramdaman ko ang yakap din ni Jazreal.

"Ate will cook for us right?" nag pakyut niya din sabi kaya buntong hininga ko itong tinignan isa isa.

Nag mumukha akong nanay dito. Humiwalay naman ang dalawa at bumalik sa harap ng tv.

Ako naman nagluto ako pagkatapos kong magbihis. Mabilis naman akong natapos, tinulangan naman ako ng mga kapatid ko sa paghahanda sa mesa.

"Thank you ate"

"I love you na talaga ate"

Umikot nalang ang mga mata ko sa sinabi nila at kumain nang biglang nag ring ang phone ko, kahit ang mga kapatid ko natigilan.

"Kumain na kayo diyan" tumango naman ang mga ito at nag patuloy sa pagkain.

Kinuha ko naman ang phone ko sa island counter na namamagitan sa kusina at sa dinning area.

"Nikie" sagot ko sa tawag.

"Let go bar!" masigla nitong sabi, napalingon naman ako sa mga kapatid kong busy sa pagkain.

"Just go ate" biglang sabi ni Jewell kaya tumaas ang kilay ko pero kibit balikat niya lang akong tinignan.

"Okay, where?"

"We'll get you there later! see ya!" agad niya naman binaba ang tawag kaya naman bumalik na ako sa mesa at nag simulang kumain.

"Si ate Nikie ba yun ate?" Jazreal

"Yeah"

"Sama ako!" masigla niyang sabi kaya sabay kaming napalingon ni Jewell sa bunso naming kapatid.

"No" ma awtoridad na sabi ni Jewell kaya nawala ang sigla nito.

Kahit ayoko itong isama. Pag ginamitan na ni Jewell ang maawtoridad na boses nito paniguradong kahit anong kulit wala itong pag asa, kahit saakin, kahit ako yung panganay, pag ganon na talagang wala akong magawa kundi sundin ang gusto nito.

Pag hindi mo ito sinunod, paniguradong hindi ka papansinin nito kahit anong mangyari, na ranasan ko na yun, nag sakit sakitan pa ako para tuloyan niyang pansinin.

His Unheard Feelings ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon