#Chapter31

47 0 0
                                    

#Chapter31

Jasmine's POV

"Ashton! halika ka na!" sigaw ko dito sa dulo ng hagdan.

"Para ka namang babae! ang tagal mo!" reklamo ko dito.

"Manang okay na po ba gamit ni baby Ashxyl?"

"Opo ma'am nasa kotse na po"

"Salamat, akin na ang bata" kinuha ko naman si Ashxyl sa taga alaga nito at sumilip ulit sa itaas.

"I'm sorry may kinausap lang ako saglit let's go" malambing nitong sabi.

Nauna naman kaming lumabas ni baby Ashxyl at sumakay sa passenger's seat.

"Talagang ginawa niyong tungkolin ko ang mag maneho sainyong dalawa?" sabi naman ni Ashton nang makasakay ito sa driver's seat.

"Malamang, alangan naman ibang lalaki ang mag maneho saamin?"

"Syempre hindi ako papayag diyan, ako lang dapat ang mag hahatid sundo sa dalawa kong babae." mabilis itong lumapit saamin ni Ashxyl, hinalikan niya sa noo si Ashxyl habang saakin ay sa labi.

"Okay let's go" bumisina pa ito bago tuloyan kaming umalis sa bahay.

Dalawang buwan na ang nakaraan nung umuwi si Ashton at baby Ashxyl dito sa Pilipinas.

Hindi na kami bumalik pa sa Espanya, wala na ding mga mediang umaaligid saamin, di ko alam kung bakit basta ang alam ko ang Kyril ang may gawa nito.

"Bibisita daw sila mommy mo bukas" sabi ko naman, nakausap ko ang mommy nito, bibisita daw ito dito sa Pilipinas para makasama ang mga apo, doon daw ito mamamalagi sa mansyon ni Alexander dahil tahimik naman doon.

One week every month naman kaming doon mamalagi sa mansyon ni Alexandee, tulad din ng ibang pinsan nila doon din kaya may panahon talagang maingay ang bahay na yun.

Wala naman kaso saamin yun dahil may nagiging kalaro naman si baby Ashxyl sa mga pinsan niya.

"Oh? so pwede tayong umalis?" kumunot ang noo kong nilingon si Ashton, bumuntong hininga naman ako nang makita ang pilyo niyang mga ngiti.

"Ayokong sumama sayo" masungit kong sabi dito, alam ko ang anong klase klase nitong mga ngiti, at ang ngiting pinapakita niya saakin ngayon ang ngiting ayaw na ayaw kong makita.

Kaya may naging katulong kami dahil ito ang nag babantay kay Ashxyl, saamin padin naman tumatabi ang anak namin ang kaso pag umaandar ang kapilyohan, nililipan niya sa sariling kwarto nito at ginigising si manang para mag bantay.

May sarili ng kwarto si Ashxyl sa bahay, pero pilipilit ko padin na saamin ito tumabi para mabantayan namin ang galaw nito. Kahit pa nakakadisturbo paminsan ang pag gising nito ng madaling araw okay lang, buti yung alam namin dahil kung don ito matulog sa kwarto niya mag isa baka bukas sa 1st floor na pupulotin ang anak namin.

"Ayaw mo na saakin wife?" parang bata nitong sabi.

"I hate you" irap ko dito.

"You still hate me? start learning to like me naman kahit konti, konti lang sige ka, ikukwento ko kay baby Ashxyl pag laki niya hindi mo talaga ako ginusto"

"And now you are threatening me, are you a kid?" hindi makapaniwalang sabi ko dito.

Bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing may surpresa itong ginagawa, hindi ko yun maamin amin sakanya dahil alam kong mag yayabang lang ito.

Bumalik ang sigla ni Ashton 2 months ago pa, hindi lang si baby Ashxyl ang kinukulit nito, pati din ako, nag mumukha tuloy dalawang bata ang inaalagaan ko.

Minsan nag aaway kami sa maliliit na bagay pero ito ang unang sumusuyo, ayaw niyang matulog kami na may galit sa isa't isa.

Alam ko sa sarili ko na nahuhulog na din ako dito, hinayaan ko lang din naman para naman saamin dalawa yun at para din sa anak namin.

Naging masaya naman kaming pamilya at okay na ako don kahit pa busy kami ni Ashton, nagkakaoras naman kami kay Ashxyl.

Paminsan lang bumibisita si Ashton sa bar niya at yung minsan na yun ay sinasama niya naman ako.

"Bar tayo maya wife?, iwan nalang muna natin si baby Ashxyl sa mommy mo pero dapat naka posas si mommy kay daddy right baby Ashxyl?" inosenteng tumango si Ashxyl.

"what's the alphabet baby?" sinabi naman lahat ni Ashxyl ang alphabet kahit na bulol pa ito, napangiti lang akong tumingin kay Ashxyl. Si Ashton mismo nag turo sakanya ng alphabet habang ako naman ang nag tuturo dito ng numbers.

"Very good!"

"Starsh!" sigaw ni Ashxyl

"Kiss nalang walang dalang stars si daddy" Tinayo ko naman si Ashxyl at nilapit sa tatay, mabilis itong hinalikan ni Ashton at binalik ang tingin sa harap.

"What about mommy? mommy want kiss?" inosente akong nilingon ni Ashxyl ngumiti lamang ako dito at hindi pinansin ang sabi ni Ashton.

"Kish! Kish!" paulit ulit na sabi ni Ashxyl, nakita ko pang tumawa itong si Ashton.

"Gago ka ba?"

"Nag mura ka! bawal yan! ano akala mo ako lang hindi pwedeng mag mura sa harap ng anak natin? bawal din si mommy right baby?"

"Mommy kish!" tinayo ko naman sa kandungan ko si Ashxyl at inulan ito ng halik, napuno naman ng tawa niya ang kotse. Napangiti naman kami ni Ashton.

"Daddy wants kiss too from mommy!" sinamaan ko lang ng tingin si Ashton, binalik ko sa pagkakaupo si Ashxyl sa kandungan ko. Tumawa lamang ito.

"We're here! Ashxyl is here!" anunsyo naman ni Ashton na siyang dahilan ng pag talon talon ni Ashxyl.

"Behave baby, you're already heavy kaya behave" bumaba naman si Ashton at pinag buksan kami ng pinto, bumaba naman kami.

"Ashxyl!" tili ni Jazreal, mabilis lumingon si Ashxyl sa tita niya, ngumiti ito at binuka ang mga braso para mag pakarga kay Jazreal.

Binigay ko naman ito, hinalikan pa ako ni Jazreal sa pisnge bago niya tinanggap si Ashxyl.

"Andiyan na pala kayo" mabilis na tumakbo palapit saamin si Jewell, niyakap niya naman ako at hinalikan sa pisnge.

"At bakit ka andito? anong oras na Jewell, dapat nasa kompanya ka na ngayon"

"I will, hinihintay ko lang ang pag dating ni Ashxyl" lumapit naman si Jewell kay Ashton at kinuha ang gamit ni Ashxyl.

"Pumunta ka sa opisina ko pag nasa kompanya ka na"

"Aalis na kami" paalam ni Ashton.

"We're leaving baby, behave okay?" tumango naman itong si Ashxyl habang kinakausap ni Ashton.

Hinalikan niya pa ito sa pisnge kaya mabilis akong lumapit sa anak ko at sa labi ko ito hinalikan.

Pumasok naman ang mga kapatid ko kasama ang anak ko, sumakay na din ako sa kotse at umalis na kami.

Iniiwan namin ni Ashton si Ashxyl kila mommy pag walang natira sa bahay, okay lang naman yung taga alaga nito ang kasama sa bahay pero ayaw ni mommy kaya iniiwan namij ito don pag may kanya kanya kaming lakad ni Ashton o may lakad kaming dalawa.

"Let's bar later okay?" tumango nalang ako sa pagiging makulit ni Ashton.

"Baka pag nalingat na naman ako wife, andon ka na sa dancefloor mag isa alam mo naman ang mga tao sa bar walang kinikilala basta-"

"Oo na oo na ang dami mong sinasabi nanay ka ba?"

"Hindi, asawa mo ko, bakit?" pinigilan ko ang sarili kong ngumiti, inirapan ko nalamang itong at humarap sa bintana.

His Unheard Feelings ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon