#Chapter29

45 0 0
                                    

#Chapter29

Jasmine's POV

Nagising naman ako nang makaramdam ako nang bigat sa katawan ko.

"Mama" naimulat ko ang mga mata ko nang wala sa oras at napatingin kay baby Ashxyl na nakapatong saakin.

Right! andito na ang pamilya ko!, niyakap ko naman si baby Ashxyl at bumangon.

"You're awake" napalingon ako sa kung saan galing ang boses ni Ashton. Nasa pintuan ito ng veranda ko, iba ang tingin niya saakin, wala akong mabasa dito kahit anong maliit na emosyon.

"Ito ang dahilan kung bakit ayaw kong umuwi ka o umuwi tayo dito at dito manirahan"

"Pinagsasabi mo?"

Umilaw naman ang cellphone niya at may kinausap.

"Kunin niyo si baby Ashxyl dito" malamig nitong sabi. Wala pang limang minuto may kumatok na sa pinto at bumukas ito.

Pumasok si Tyler, hinayaan kong kunin niya si baby Ashxyl saakin at umalis silang dalawa.

"Kaya kong bayaran ang mga kompanyang magtatangkang maglalabas ng article tungkol sayo Jasmine, pero di ko kayang tiisin ang pag papahiya mo sa pangalan ko" naglakad naman ito palapit saakin pero tumigil din ito sa gitna habang tinititigan ako ng malamig, matapang ko naman itong sinalubong, bakit ko iiwasan ang mga mata niya kung wala naman akong kasalanan?

"Kaya kong tiisin ang pag iwas sayo para hindi ka mainis at makulitan saakin pero hindi ko kayang panuorin paano mo sisirain ang pamilyang pilit kong binubuo!" napasinghap naman ako nang sumigaw ito.

Hindi ako sinisigawan ni Ashton ng ganito kagalit, ngayon lang.

"Pilit kong binubuo habang patuloy mong sinisira" basag naman ang boses nitong tumawa.

"Ano bang pinagsasabi mo? anong sinisira?" nagugulohan kong sabi dito pero mabilis itong lumapit saakin at hinawakan ako sa pisnge ko ng madiin, napapikit naman ako sa sakit na naramdaman ko, pilit ko itong tinatanggal.

"Bakit? anong akala mo saakin Jasmine? bulag? hindi ko makikita sayo?" malakas ko itong tinulak at nag wagi naman ako, hinawakan ko ang panga kong dumaramdam ng sakit, parang hanggang ngayon hawak padin ito ni Ashton.

"I hate you" mahina kong sabi, nangingilid ang mga mata ko sa luha, sinalubong ko ito sa mata, nakita kong lumambot ang ekspresyon nito pero mabilis naman bumalik sa dati.

"Alam naman nating dalawa na pilit lang ang kasal natin, napilitan tayong ikasal dalawa dahil nabuntis kita pero pilit kong pinapakita sayong hindi ako napilitan, na masaya ako na binigyan mo ako ng anak. Bakit hindi mo din kayang gawin yun!?"

Nanginginig ang mga tuhod ko, yung naipong lakas ko galing sa pag tulog nawala nalang ng bigla. Napaupo naman ako sa kama ko.

"I'm sorry if I took your happiness but I'm also thankful for giving me the happiness" mapait nitong sabi.

"Sinabi ko na sayo mabilis maubos ang pasensya ko, tiniis kita, pinilit kong pahabain ang pasensya ko pero parang lahat para sayo ay isang joke lang."

"What!? are you now having an affair?! ano bang meron sa ibang lalaki na hindi ko kayang gawin kaya nag hahanap ka ng iba?!"

"Hindi ko pinansin ang mga balitang nakakarating saakin Jasmine! dalawang linggo kang hindi bumalik saamin! kaya ayaw na ayaw kong bumalik ka dito dahil alam kong hindi ako sapat sayo!"

Naikuyom ko naman ang mga kamay ko, may namumuo ng galit sa dibdib ko habang nakikinig kay Ashton, ito ba ang ikinagalit niya? hindi niya man lang ako tanongin?!

"My family is now trying their best para mawala lang ang kumakalat na issue mo!, wala kaming narinig galing sayo, yes we heard that fvvking ashole Arceño confirm your relationship pero sayo! wala kaming narinig, tapos maabotan kitang mahimbing ang tulog mo!? hindi ka ba nahihiya!?"

Hindi ko napansin na nakatayo na ako at mabilis na nasampal si Ashton, mabigat ang pag hinga ko, hindi ko pinansin ang pag tulo ng mga luha ko, hinayaan ko ito habang masama ang tingin ko sakanya.

"Wala kang karapatan na pag sabihan ako ng ganyan Ashton" madiin kong sabi pero tumawa lang ito, hinaplos niya pa ang pisnge niyang nasampal ko.

"I don't have the rights? why? because I'm just your husband in paper? okay? tanggap ko na i--" bago pa niya matapos ang sasabihin, nasampal ko na ito ulit, dahil sa galit ko pinag susuntok ko ito sa dibdib niya.

"How could you!?" paulit ulit kong sabi ito habang sinusuntok ko siya sa dibdib.

"Hinding hindi kita mapapatawad, hinding hindi ko makakalimutan lahat ng sinabi mo ngayong gabi, I really really hate you" mahina kong sabi.

Napagod na ako, lumayo ako sakanya, pinunasan ko ang mukha kong puno ng pawis at luha.

Pagod ko siyang nilingon, ngayon sobrang layo na ng distansya namin, malapit na ako sa cr ko habang siya ay nasa kabilang side ng kama ko, napapagitnaan namin ang kama ko.

"Ganyan ka ba ka irrational Ashton?" tahimik niya lang sinalubong ang mata ko.

"I hate you, sana hindi ka nalang umuwi" nakita ko ang pag bago ng ekspresyon niya, gumalaw naman ito sa pwesto niya.

"Wag na wag kang lalapit saakin, I don't know you." natigilan naman ito.

"Okay lang magalit ka saakin dahil sa nasagap mong balita, naiintindihan ko yun"

"Pero hindi okay saakin ang pag salitaan mo ko ng hindi mo nalalaman ang side ko. Yes Lloyd confirm it, nagalit ka okay lang. Hindi mo ko tinanong kung ano saakin ang about don! pinagsalitaan mo agad ako, kung ano ano ng lumabas sa bibig mo!"

Napahawak naman ako sa doorknob dahil sa panghihina ko.

"Wag na wag kang lumapit saakin" sabi ko naman nang makita kong gumalaw ulit ito sa pwesto niya.

"I stay here for long because my brother needs me, he needs his older sister. Jewell needs me, my empire needs me Ashton, wala akong ibang ginawa dito, yes nagkikita kami ni Lloyd dahil potang ina siya ang may kasalanan bakit may problema si Jewell! bakit may problema ang kompanya namin! he even told me that's why you're keep on coming back here because you're having an affair, he even showed me some evidences! pero wala kang narinig saakin na masasakit na salita! kahit pa sa mga mata mo ay wala akong pakialam sayo, gustong gusto kitang tanongin at sabunotan kung totoo man ang lahat ng yun! siniraan ka niya saakin, tapos ngayon ako naman ang siniraan niya hindi lang sayo kundi sa buong mundo!"

"Jasmine" lumambot na ang boses nito kahit ang mga eskpresyon niya.

His Unheard Feelings ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon