#Chapter35

46 0 0
                                    

#Chapter35

Jasmine's POV

Nanghihina kong nilingon si Celion na ngayon nanunuod ng tv.

Gusto kong habolin si Ashton ng araw na yun pero pinigilan ako ni Celion at binantaan ako kung aalis ako at habolin si Ashton, ilalabas niya lahat ng nalamaman niya hindi lanag kay Ashton kundi sa buong pamilya nito.

Isang linggo niya akong kinulong dito sa bahay niya, hindi ako makatakas, nag mumukha akong hayop dahil naka posas ang isa kong kamay sa kung saan saan dito sa bahay kung saan gusto ni Celion.

Gusto niya akong angkinin pero pumapalag ako. Yun ang ayaw kong payagan na mangyari, gusto ko padin makaramdam na hindi ako madumi kahit sa mata ni Ashton I cheat.

Hindi ako hinanap ni Ashton, binabalitaan ako ni Celion, hanggang ngayon sinusundan niya padin ang galaw ni Ashton, masaya daw ito ngayon kahit hindi ako ang kasama.

Pinatitigan ko yung larawang binigay saakin ni Celion para maniwala ako sa sinasabi niya, totoo masaya si Ashton habang kasama si Ashxyl.

"Wala ka namang napala saakin Celion" agaw ko sa atensyon nito.

"Sinusundan mo padin sila Ashton"

"Yeah kakaalis lang nila ng bansa"

Umalis sila? babalik pa kaya sila? makikita ko ba ulit ang anak ko? ang asawa ko?

"Hindi mo din naman sila masusundan, they put your name in black list kaya hindi ka makakalabas sa bansang to"

"Then let me go, nasira mo ang buhay ko Celion"

Hindi lang ang buhay ni Ashton ang gustong sirain nito pati din ang akin, nasabi niya ito saakin nung napuno na siya saakin. Pinipilit niya akong makipag sex sakanya pero hindi ako pumayag, sampal at suntok ang natanggap ko non pero hindi ko ito hinayaan hanggang sa mapuno ito at sinabi niyang hindi lang kay Ashton ang gusto nitong sirain ang buhay pati din akin dahil alam niya ako ang kasama ni Celine sa gabing yun bakit daw si Celine lang ang nawala.

"Sisirain ko din ang buhay ni Ashton, I will let you go soon"

"Nasira mo na pamilya namin hindi pa ba yun sapat sayo?"

Kagat ko ang mga labi ko habang iniinda ang sakit sa pisnge ko nang makatanggap ako ng sampal.

"Hindi, gusto ko may mawala!" bumilis naman ang tibok ng puso ko sa sinabi niya.

"At gusto ko si Ashton ang mawala, gagamitin pa kita Jasmine, you will kill Ashton for me"

"Do you think I can do that?"

"Yes" sigurado nitong sabi, okay na saakin na sirain niya buhay ko, siraan niya ako sa mata ng lahat pero hinding hindi ko gagawin ang gusto niya.

Baliw na talaga ito, tulad ng kapatid niya, kaya ito namatay dahil sa kabaliwan, siguro ganon din ang magiging dahilan kung mamatay itong si Celion, dahil sa kabaliwan niya din.

"Mag bihis ka na ihahatid kita sa bahay niyo" tinanggal niya naman ang posas ko.

"Bilis! ano pa ang tinutunganga mo diyan?!"

"I want to go home" deritso kong sabi, bakit naman ako mag bibihis?

"Babalikan padin kita Jasmine kahit pinakawalan na kita ngayon, at sa pag balik ko sisiguradohin kong papatayin mo si Ashton" Banta niya bago ako bumaba sa kotse niya.

"Ma'am Jasmine" gulat na bati saakin ni manang, tipid ko lang itong nginitian at dumiretso ako sa kwarto namin. Wala nga sila Ashton dito sa bahay.

His Unheard Feelings ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon