#Chapter40

60 2 0
                                    

#Chapter40

Ashton's POV

Ano nga ba ang naging reaksyon ko noon ng malaman kong nakabuntis ako?

Kinakabahan ako non wala akong alam sino sa mga naka one night stand ko, iniisip ko non, lahat naman sila ay ginamitan ko ng condom pano ako nakabuntis?

"It's Jasmine Veingle" sabi ni Alexander na siyang nagpagulat saakin.

That girl, my naughty wild girl, nag iisang babaeng hindi lang one night stand ang nangyari. Ilang ulit may nangyari saamin, sakanya lang din ako pumapasok kahit walang condom, ang iniisip ko nag pipills ito dahil pinapayagan niya naman ako na pumasok kahit walang condom.

Kinasal kami, okay lang saakin, I start learning how to love her at first gusto ko lang ito nung nasa Spain kami, nakita ko ito paano umiyak noon dahil ayaw tumigil ni Ashxyl sa kakaiyak, tinuruan ito ni mommy kung ano ba ang gagawin hanggang sa naging bihasa na ito.

Gustong gusto ko itong makita paano alagaan ang anak namin, kitang kita ko sa mukha niya ang pag mamahal kay Ashxyl. Minsan nag seselos na ako dito dahil nakay Ashxyl lang ang atensyon nito.

Kaya kinukuha ko si Ashxyl saakanya noon, akala ko mapapansin na niya ako pero hindi, hinahayaan niya lang akong makipag laro kay Ashxyl.

Kinabahan ako nang mag paalam siyang uuwi siya ng Pilipinas, takot ang naramdaman ko, pano kung hindi niya na kami babalikan ng anak niya? paano kung bumalik ito sa dati niyang buhay, ayaw ko non gusto ko saamin lang siya ni Ashxyl. Gusto ko ako lang yung lalaki niya wala ng iba.

Nang malaman ko ang balitang may ka relasyon ito, mabilis kaming lumipad ng anak ko sa Pilipinas para harapin ito, tinawagan ko pa ang bahay ng magulang niya at sabihin na andito na kami.

Pero hindi siya umuwi kaya naman kami mismo ang pumunta sakanya, nakita ko itong mahimbing ang tulog na siyang ikinagalit ko.

Kung ano ano na lumalabas sa bibig ko hanggang sa makita ko siyang umiyak, no I don't want to see my wife crying, nagpaliwanag ito, tinanggap kong mali ko ito.

That night is the best for me, for the first time ang asawa ko mismo ang unang humalik at siya mismo ang gumalaw.

Paulit ulit itong nangyayari, naging masaya an kaming pamilya, natutunan ko din itong mahalin, hindi ko alam sakanya basta ako mahal ko na siya.

Pagkatapos kong ihatid si Ashxyl sa mga magulang ko binalikan ko s Jasmine sa opisina para sana ayain itong gumala, para naman makapag relax ito sa trabaho pero nagulat ako sa nadatnan ko, gusto ko silang patayin dalawa ng lalaking kahalikan niya pero hindi ko iyon ginawa.

Umalis ako, akala ko hahabolin niya ako pero hindi pala, hindi niya ako hinabol, hinayaan niya lang akong umalis. Nag hintay ako sakanya sa gabing yun pero hindi umuwi ang asawa ko.

Hanggang sa umabot ng isang linggo kaya napag desisyonan kong umuwi sa Spain kasama si Ashxyl at sinabihan ko ang mga pinsan ko na gusto ko ng makipag hiwalay kay Jasmine.

Tutol ang mga ito sa naging desisyon ko pero hindi nila ako mapipigilan, naipadala ko na kay Jasmine ang papers pero wala akong natanggap pabalik kaya pinalabas ko nalang na hiwalay na kaming dalawa.

Sobrang saya ko non nung nakita ko siyang nakasuot ng eleganteng white long gown habang nag mamartsa papalapit sa altar, ang ganda niya, sobrang ganda ng asawa ko, gusto ko itong halikan ulit pero pinigilan ko ang sarili ko at umiwas ako ng tingin.

Nag taka ako sakanya nung nag bigay siya ng speech sa kaibigan niya, she love alcoholic drinks pero juice lang ang iniinom niya.

Nang malaman kong buntis pala ito ang dami ko ng naiisip na siyang ikinagalit ko, galit na galit ako habang nag mamaneho pauwi.

Nang basag pa ako ng vase bago ko kinalma ang sarili ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko habang kinakausap ko si Celion, ang kapatid ni Celine, nasa panganib si Jasmine at ang kapatid niya kaya dali dali kong pinuntahan si Tyler at Hanz sa labas para sabihan silang pumunta sa bahay.

Masakit ang mga salitang natanggap ko kay Jazreal non, hindi ko ito pinansin. Kaya ako mismo ang pumatay kay Celion, pinahirapan ko ito dahil sa ginawa niya sa asawa ko, nalaman ko din ito ang lalaking kahalikan ni Jasmine nung nakita ko sila, nalaman ko ang totoo.

Nakonsensya din ako sa mga ginawa ko sa asawa ko, gusto ko ulit itong yakapin, halikan at humingi ng tawad, mas lalo akong nilulunod ng konsensya ko nang sabihin ni Voltaire na masyadong delikado ang pag bubuntis nito dahil sa sobrang stress niya. Binisita ko din ito habang tulog at walang nag babantay, nakita ko ang pag payat ng asawa ko.

Sa pag uwi ni Ashxyl sa Pilipinas, tumira ulit kami sa bahay namin, umiiyak ito dahil gusto makita ang mommy, nang makita ko si Jasmine, gusto ko silang yakapin mag ina, gusto ko sumali sa yakapan nila habang umiiyak ang mga ito.

"I love you" wife

Yun ang gusto kong sabihin pero pinigilan ko ang sarili ko.

Iniwasan ko ito hindi ko din alam kung bakit, hinahayaan niya lang din naman ako, iniiwasan niya din naman ako hanggang sa manganak ito.

Gusto ko itong puntahan pero palaging nananalo ang pride ko, gusto kong makita kung totoo bang kamukha ko talaga ang anak nito tulad ng sabi ni Nethon.

May emergency meeting ako pag uwi ko wala na si Ashxyl sinabi saakin ni Tyler na nag babantay, si Misha daw kumuha nito, tinawagan ko ang kapatid ko pero kinuha daw ito ni Jasmine at umalis silang mag ina ko.

Wala na din ang mga gamit ng mag ina ko, gusto ko silang hanapin, pumunta pa ako sa bahay ng mga magulang ni Jasmine pero kahit sila walang alam.

Pinahanap ko kila Hanz at Tyler ang mag ina ko pero kahit sila hindi nila mahanap.

Umuwi ako ng Spain hindi ko na kaya ang inggit na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko ang mga pamangkin ko. Umiyak ako sa harap ng magulang ko, gusto kong humingi ng tulong pero alam kong wala silang magawa.

Nag kulong ako don, pinipilit ako ng magulang ko na lumabas pero hindi ko ginawa, natigil din ang pag alis nila kung saan saan, nanatili ito sa tabi ko.

Umiiyak ako sa tuwing namimiss ko ang mag ina ko. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit ito nag papadala sa pride, nawalan tuloy ako ng pamilya.

Napagdesisyonan kong hanapin sila, sinimulan ko sa Pilipinas, hindi ako nag sabi sa mga pinsan ko na umuwi na ako.

Pupuntahan ko na sana sila Tyler at Hanz para humingi ng tulong pero nagtataka ako nang makita kong kasama nila si Misha at si Jackjack.

Wala sa sariling sinundan ko ang mga ito, nagtatanong na din ako sa sarili ko bakit ko ito sinundan pero maganda din naman ang naging resulta ng pag sunod ko sakanila.

His Unheard Feelings ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon