Chapter 5

43.2K 1.5K 207
                                    

"If he love you,
he'll never hurt you."

I PARKED my car and walked towards the  special elevator. Sosyal nina Catherine dahil may pa-special na elevator. Sana ako din, someone special rin. Pero nganga. Wala na.

Sumakay ako sa elavator. I checked my phone. Maraming text messages and missed calls from Jero. Should I change my number?

Tumigil ang elevator saka ako bumaba. Naglakad ako papunta sa penthouse nina Catherine. How lucky she is to find her true love. Sana all talaga.

I pressed the buzzer and wait for someone to open it. I am busy looking at my phone and frowned when I read one of Jero's text message.

Hindi ko kayang mawala ka, beb. Please let's talk again and let me explain.

"Seriously..." sabi ko sa kawalan.

Nag-angat ako ng tingin at halos lumundag ang puso ko nang bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Arion. Bakit siya narito?! Akala ko ba kaming magkakaibigan lang?

He turned his back on me and walked inside. Suplado! Akala mo naman...

Muling kumabog ang dibdib ko.

Iyong mga nangyari sa amin kagabi... bigla kong naalala. Napalunok ako. His rule, yes, sinabi nga pala niyang hindi na dapat niya ako makita but look at us now, nagkita na naman kami.

Ah, that's why he ignored me. Fine, let's ignore each other. Ang nangyari kagabi, hanggang kagabi lang. We won't see again, except today, we don't need to talk to each other.

Pumasok na ako sa loob saka sinarahan ang pinto. Naabutan ko silang nagsasaya. May mahabang mesa sa may salas, nakapalibot sila sa mahabang sofa.

"Maleha, alam mo bang ikaw nalang ang kulang? Nakakainis ka! Saan ka ba galing?" Sinalubong ako at niyakap ni Catherine.

Pasimple akong tumingin kay Arion. He's not even looking at me. He's busy with his phone.

"Ah, na-late lang ako ng gising." Sabi ko.

"Kanina pa kaya kami dito! Tulog na nga 'yung mga pinsan ni Lucio na babae kasi umaga palang umiinom na sila dito."

Tumingin ako sa wall clock nila. It's already five in the afternoon. Paano naman kasi, ang tagal kong nagbabad sa bath tub kanina plus, nakaidlip pa ako dahil antok na antok pa ako. Hindi na nga dapat ako pupunta kung hindi lang magtatampo si Cath.

"Sorry." Sabi ko.

Hinila niya ako sa living room. Narito rin sina Kelly, Rocky at Sam. Wow, buti okay na sila at tanggap na ni Sam ang lahat. Sabagay, sports naman siya at tanggap naman niya na pagkakaibigan lang ang kayang ibigay ni Cath sa kaniya.

"Hey, Maleha! You're so late! Lasing na lasing na ako, nakakainis ka!"

Bakit parang kasalanan ko? Saka, para namang napaka importante ko.

Umupo ako sa tabi ni Cath. Sa kanan ko ay si Rocky, Kelly at Sam. Sa kabilang part ni Cath ay si Lucio, ay iyong mga pinsan niyang na-meet ko noong first time naming makapunta sa penthouse na 'to. Aries, Ludwig, at sa dulo ay si Arion na abala pa rin sa phone niya.

Busy with his flings or girlfriends? Sabagay, hindi nga ako counted as his fling e. Saka hindi naman nakakapagtala kung marami man siyang babae. Besides, alam kong nasaktan rin siya dahil gusto niya si Cath.

"Dahil late ka, Maleha, inumin mo 'to. Bottoms up." Ibinigay sa akin ni Rocky ang isang basong beer. Puno iyon.

I gulped. Parnag lasang alak pa nga ang bibig ko dahil sa nainom ko kagabi.

Casanova's Club #2: Unwritten RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon