Chapter 26

40.2K 1.4K 777
                                    

"I'm the worst at
expressing my feelings."

KAKATAWAG lang sa akin ni Aries. He told me that he will be busy today kaya hindi niya ako masasamahan sa grocery. Well, I can do it alone. I can drive and I can shop for myself.

Nakabihis na ako at ready na akong umalis. Dala ko ang listahan na ibinigay ng OB ko.

Lumabas ako ng kwarto bitbit ang sling bag ko. Nang makababa ako sa salas ay nakita ko si Arion na nakatayo malapit sa bintana habang nakapamulsa.

He's wearing his pants, plain black shirt, and a cap.

"Maleha."

Bihis na bihis siya. May lakad siguro siya.

"Aries called me. Hindi ka niya masasamahan sa grocery so... kahit hindi ka pa pumapayag na samahan kita, nagbihis na ako."

I took a deep breath. Kagabi ay napag-isip-isip ko na parang sobrang sama ko na kay Arion. It's not because I want to get revenge but because of the pain I've felt before. Para bang ang hirap nang maging mabait tulad noon. Parang nagkaroon ako ng trust issue dahil takot na akong maramdaman ulit ang sakit na naramdaman ko.

Kinakain ng sakit na naramdaman ko ang awang dapat maramdaman ko kay Arion. And... sabi ni Catherine, isa na rin do'n ang hormones ko. Moody daw talaga at iritable ang nga buntis. I don't know.

Hindi ko naman talaga tinapon iyong niluto niya kahapon. Nilinis ko lang ang kusina saka itinago 'yung niluto niya saka ko kinain kagabi. In-init ko lang sa microwave. Hindi na kasi siya lumabas sa kwarto niya kagabi.

"Okay, kung wala kang mahalagang gagawin." Sagot ko.

Para siyang nakahinga ng maluwag sa sinabi ko.

"No, wala akong gagawin. Or even I have things to do, mas uunahin ko kayo ng anak ko."

Aaminin kong may humaplos sa puso ko sa sinabi niyang iyon. Hindi na ako sumagot.

Nauna na ako palabas ng bahay. Mabilis niya akong inunahan.

"We'll use my car." He said. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse.

Hindi na ako umangal. Sumakay ako sa kotse niya. He closed it saka mabilis na sumakay sa driver's seat.

He started the car engine and started driving. Tahimik lang akong nakatingin sa daan.

Ang awkward lang ng feeling. We were okay but then things happened and everything is ruined─na para bang ang hirap maging masaya dahil baka panandalian lang 'yon at may sakit na kapalit.

"Let's shop some clothes like dress for you."

Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.

"You know... hindi ka nagdala ng maraming damit and wearing dress will be better for you and our baby. Mas magiging komportable ka."

Naisip pa pala niya 'yon.

"Pwede naman akong mamili anytime and─"

"We'll shop today. After grocery." He said.

He seemed serious. Nakatutok ang tingin niya sa daan.

Casanova's Club #2: Unwritten RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon