Chapter 37

31.4K 1K 365
                                    

"No lies, no secrets,
no fake feelings."

KAKATAWAG lang ni Ludwig and he told Arion na malapit na siya rito sa bahay namin. Tulad ng sabi ko kay Arion, hindi ako papayag na makipag-usap siya kay Jero nang siya lang.

"Sama nalang kaya ako?" I asked.

He glared at me. Sarap talagang dukutin ang mata niya kapag naniningkit.

"Galit na galit, gusto manakit?" Pang-aasar ko.

"Really. Why do you want to go with us? Do you want to fucking see that asshole?"

Here we go again. Iyan talaga ang sinasabi niya sa akin. Kung ano mang meron sa amin ni Jero, tapos na 'yon. I moved on. Masaya na ako kay Arion at wala akong pinagsisihan sa nangyari.

"Hindi ba pwedeng gusto ko lang na magkaroon kayo ng peaceful conversation kaya sasama ako?" Inirapan ko siya.

"Nah, you missed him, am I right?"

"Arion naman! Para kang sira."

"Then stay here."

I rolled my eyes. "Bakit ka ba nagsusungit? Hindi mo na ako mahal?"

"What the fuck?"

I pouted my lips. "Hindi na nga ako sasama 'di ba? Kanina mo pa ako sinusungitan. Parang ikaw ang buntis sa ating dalawa. Ayaw mo na yata talaga sa akin. Sawa ka na? Sabagay pangit na ako e. Tumataba na ako."

He stood up and walked towards me. "Stop saying those words, baby."

Bago pa ako makapagsalita ay inangkin na niya ang labi ko. He kissed me with all his heart. I respond to him. He's slightly biting my lips while kissing it.

Ikinawit ko ang magkabilang kamay ko sa batok niya. He deepen the kiss as he caressed my face.

"Ramdam na ramdam kong malamig ang pasko ko."

Napabitaw ako kay Arion nang marinig ang boses na iyon.

He stopped kissing me pero may pahabol pa sa pisngi ko.

"Ludwig!" I exclaimed.

"Iba ka talaga, bro! Maawa ka naman kay Maleha. Buntis na nga, parang balak mo pa buntisin ulit." Sabi ni Ludwig kay Arion.

"Wala kang pakialam." Simpleng sagot ni Arion.

Sumimangot si Ludwig. "Tangina mo with feelings."

"I'll go upstairs to get my keys." Paalam ni Arion sa akin.

Tumango lamang ako. Naiwan kami ni Ludwig dito sa living room.

"Bakit pala ako ang tinawagan mo para samahan si Arion na makipag-usap sa ex mo?"

I smiled. "Kasi ikaw lang ang walang lovelife?"

"Awts, gege."

Natawa ako. "Naisip ko rin kasi na ikaw lang siguro ang hindi busy."

"Grabe ka naman, Maleha. Hindi mo alam kung gaano ako kasipag. Hindi ako ang klase ng tao na walang ginagawa at hindi busy. Kaliwa't kanan ang meeting ko for business. Tapos may mga inaasikaso pa ako outside business. Hindi ko na alam kung paano ko gagawin lahat. Tapos iisipin mo lang na hindi ako busy? Kung alam mo lang─"

"Shut the fuck up."

"Sabi ko nga joke lang e." Napakamot siya sa ulo niya. "Bakit kasi hindi si Aries? Kapatid mo 'yon ah!"

Sinamaan ko siya ng tingin. Alam naman nilang nagkaroon ng gap sina Arion at Aries dahil sa akin.

"Pero dahil dakila akong pinsan, ako na ang sasama sa 'yo bro." Aniya.

Casanova's Club #2: Unwritten RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon