Chapter 33

42.8K 1.2K 431
                                    

"Stay with me no matter
how hard I am."

NAGISING ako sa ingay sa paligid. Pakiramdam ko ay mahaba ang tulog ko ngayon pero alam ko rin namang saglit lang ako nakatulog.

Kumunot ang noo ko nang mapansing nasa isang kwarto na ako. Bumangon ako saka nilibot ang tingin sa buong kwarto.

"Punyetang Aries 'yon. Dinala pa talaga ako sa kwarto."

Napailing na lamang ako saka tumayo mula sa kama. Naglakad ako patungo sa pinto at pagbukas ko niyon ay mas kumunot ang noo ko dahil walang ni isang tao sa living room.

E anong ingay iyong narinig ko kanina no'ng magising ako?

Hinanap ko si Aries and there he is. Kaya pala maingay.

He's standing at the kitchen at may ka-videocall sa iPad niya na nakapatong sa kitchen counter.

"Fuck, so you're saying that I should fry the egg first before puting it on top of sisig?"

I rolled my eyes. Nakalimutan kong kinidnap nga pala niya ako at ikinulong dito sa condo ni Lucio.

"No! I mean, cook it in a sizzling plate then you should put the egg at the top." Sabi nung lalaking kausap niya sa videocall.

Maybe a friend? Pero mukhang chef dahil sa suot na damit.

Lumapit ako sa may kitchen counter.

"Paano mo nagagawang magluto luto d'yan habang hostage mo ako? Lahing satanas ka rin?" I sarcastically asked.

Nagulat si Aries saka mabilis na pinutol ang video call. Hinarap niya ako. Nakausot pa siya ng apron.

"You're not a hostage─"

"So anong tawag mo sa akin?"

"The woman I like?"

I rolled my eyes at him. "Gusto ba kita? Hindi naman 'di ba? Kaya pwede ba, guston ko nang umuwi."

"No."

"Tigas ng ulo, ha! Gwapo ka? Well, sabihin na nating gwapo ka pero hindi ka uubra sa akin, Aries."

Ibig sabihin ba, wala pang nagagawang paraan si Arion na pasukin ang condo na 'to?

"Fuck, Maleha. Wala pang kalahating oras na nakakatulog ka─"

"O tapos? Syempre gigising ako kapag gusto ko." Sagot ko. "Where's Arion?"

"Well, sumuko na."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Gago 'yang kapatid mo pero alam kong hindi 'yan susuko sa akin."

"Really, huh."

"Ewan ko sa 'yo. Mabaog ka sana."

"What the fuck?"

Nag-walk out ako. Pumunta ako sa may pinto dahil baka nasa labas pa rin si Arion.

And I was right. He's outside. Kitang kita sa monitor na nakasandal siya sa pader.

I pressed the speaker volume on.

"Arion..."

Kitang kita ko na mabilis siyang lumapit sa pinto.

"Help me..." nagsimula akong umiyak. "Get me out of here please..."

Pero acting lang ang pag-iyak ko kasi kailangan yata niya ng motivation para sirain 'tong pinto.

"Fuck... Maleha. Damn it." He said. He looked frustrated.

"Hindi na talaga tayo magtututut kapag hindi mo pa ako nailabas dito. Ayoko na dito..." mas pinalungkot ko pa ang boses ko.

Casanova's Club #2: Unwritten RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon