Chapter 27

42.2K 1.5K 435
                                    

"I hate you but my
heart still wants you."

NANG makatapos kaming mag-grocery ay dinala muna lahat ni Arion ang mga pinamili namin sa sasakyan. Hindi ko alam kung pang ilang buwan na supplies ba iyong pinamili namin sa sobrang dami.

We are here at the department store dahil sabi nga niya, mamimili kami ng mga dress ko at ilan pang kailangan.

Napatingin ako kay Arion habang tulak tulak niya ang cart. He looked serious at kanina'y sobrang busy rin siya sa pamimili sa supermarket na halos hindi niya ako kinausap.

Well, that's actually fine. Ayoko rin talaga siyang makausap muna dahil nababaliw na naman ang puso ko, idagdag pa ang bibig ko na kung ano ano nalamg ang lumalabas.

"Maleha, grab everything you want. Alright?"

Kanina sa grocery ay siya ang nagbayad. At ngayon... mukhang siya na naman. May savings naman ako kaya kahit halos itinakwil na ako ng pamilya ko ay ayos lang.

"Ako na ang magbabayad ng mga bibilhin ko ri─"

"Nah. You have me, Maleha. You don't have to use your own money for this. Go, choose everything you want."

You have me...

I took a deep breath. Bakit parang lahat nang sabihin niya, nabibigyan ko ng kahulugan? Iba ang epekto niyon sa akin.

"F-Fine." Sagot ko.

We are here at the dress section. Lumapit ako sa mga rack para makapili. Halos lahat ay magaganda.

"Do you like it?"

Nilingon ko si Arion. Nasa likod ko na siya.

"Maganda siya─"

"Get everything."

"No─"

"Excuse me, we'll get every color and design of these. Check my wife's size."

I gulped. Him, calling me his wife is just too much to handle. Kumakabog na naman ang dibdib ko.

"Ito po ba, sir?" Tanong ng sales lady na kakaiba ang tingin kay Arion.

Of course, normal na kay Arion ang titigan siya ng nga babae. He's too handsome. Simple pa nga lang ang suot niya, pero ang lakas ng dating niya.

Wait, why do I need to compliment him?

"All of these. I think small size." Aniya saka tumingin sa akin. "Right, baby?"

Parang may bumara sa lalamunan ko. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay nilalandi niya ako sa harap ng saleslady with those endearments.

"S-Small. Yes." Sagot ko.

"Each color and design. Get it?" sabi ni Arion sa saleslady.

"Yes, sir."

Tumingin ulit sa akin si Arion habang kumukuha ng stocks ang saleslady.

"Pumili ka pa, Maleha. There are tons of dress here."

I nodded at him. Hinayaan ko na siya. I looked around and choose more dress for myself.

Mula mamaya ay magsusuot na lamang ako ng dress lalo na kapag nasa bahay para komportable ako. Hindi rin magtatagal, unti unting la-laki ang tiyan ko.

Napatda ako nang may mahagip ang mga mata ko.

Our eyes met... and I stopped for a while. Jero.

Iniiwas ko ang tingin ko. Kanina ay si Kelly at ang pinsan niyang nabuntis ni Jero ang nakita ko and now, si Jero naman mismo. Magkakasama siguro silang nag-mall. Of all days, bakit ngayon pa? I honestly don't want to see him anymore.

Casanova's Club #2: Unwritten RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon